Chapter 10
Nabayaran na ni Jace ang pagkain kanina. Umalis ako sa restaurant noong nakita ko na siyang naka alis. Nag book ako ng taxi papauwi. Pinigilan kong humikbi habang nasa taxi ako. Ang sakit sakit sa dibdib. Hindi kami tanggap ng mommy niya. Mas malala pa iyon kapag naroon pa siguro ang daddy niya.
Pag uwi ko ng bahay ay walang tao sa bahay. Dumiretso ako agad sa kwarto ko. Hindi ko alam kung ilang oras ako nag mukmok sa kwarto. Dinibdib ko lahat ng sinabi ni tita. Naiintindihan ko naman, hindi naman lahat ng tao kayang naming iplease. Pero respeto? Kahit 'yun lang naman.
"Anak?, kumain ka na" Katok ni mama sa kwarto ko.
"Mamaya nalang, ma."
Nawalan na ako ng gana mula pa kanina. Nag send na ako ng leave ng isang linggo kanina. Gusto ko munang mag isip. Sa totoo lang, wala ako sa tamang pag iisip noong sinend ko iyon. Bigla bigla nalang ako nag send nito.
"Korics?" Rinig kong tawag ni mama noong binuksan na niya ang pintuan ko.
"Po?"
"Anong problema, anak?"
Naramdaman kong umupo siya sa kabilang side ng kama ko. I'm fragile. Hindi ako sanay na ganito. Ayokong mag sinungaling kay mama pero ayoko malaman niya ang nangyari kanina.
"Wala po" I sniffed,
"Alam mong pwede mo sa'kin sabihin... Makikinig ako"
Tears welled up in my eyes. Umayos ako ng upo.
"Pagod lang, ma" Bago pa nito makita ang luha ko ay niyakap ko na siya. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko.
"Nandito lang ako, pwede mo akong kapitan kapag sa tingin mong babagsak ka na."
I bit my lip. "S-salamat, ma"
That night, she didn't left me. I felt comfort in my mother's arms. Hindi ko alam kung paano ko nakakayang masaktan ng hindi nila alam?. Na kaya kong humikbi ng patago. Bakit ko tinatago kung kaya naman nila maintindihan?. Noong umaga ay pumunta si Jace sa amin.
"Hindi niya ako kinausap. Tinaboy niya ako." He sounded sad.
"Bigyan mo nalang ng oras 'yung mommy mo, baka nabigla lang siya."
"Let's forget about that.." He held both of my hands.
"Let's get married."
Nanlaki ang mata ko. "What?!"
"May kakilala ako sa Canada, pwede tayong mag pakasal roon.
"Jace" Tawag ko pero hindi parin siya tumitigil.
"Para wala na silang magagawa. Legal naman ang gagawin natin. Pwede rin tayong mamuhay roon, sabi nila maganda sa Canada-"
"Jace, hindi mo ba inisip na mas masasaktan 'yung mommy mo kapag ginawa natin 'yun? Hindi nga niya gusto ang relasyon natin tapos dadag pa 'yun kung sakali. Siguro matutuwa ang pamilya ko, pero ang pamilya mo?.. Hindi tayo sigurado sa mangyayari"
"Ayokong pag hiwalayin nila tayo, mahal. I can't afford to lose you" May namumuong luha sa mata nito.
"I understand. Pero dapat intindihin din natin 'yung mga tao sa paligid natin."
"Ipag lalaban kita hanggang sa huli, kahit pa kapalit ang buhay ko."
"Jace" It was almost whisper.
"Will you do the same, Korics?"
I was stunned. I didn't know if I can take risks.
"Sure"
BINABASA MO ANG
Yours Truly Series #1: Why Not?
Short StoryYours Truly Series #1 Many people's lives can be ruined by a single mistake. How will Korics deal with it?. How can he forgive those who have betrayed him?. ©All Rights Reserved 2021 Aliyah09