CHAPTER 30.1

583 10 1
                                    

Awww. I'm so sorry sorry sorry sorry naega naega xD HAHAHA. Sorry po sa matagal na updates :)

Aw pasensiya po kung super ikli >__< Eh kasi may kailangan pa po meng tapusin eh! Sorry po! Bawi bawi ako :))

--

Miguel's POV

"Mom, ano pong sabi ng doktor? What happened to Marianne?" I asked my mom.

"Gab, your-your sister.." I can see sadness in her eyes. Parang ayoko nang tingnan si mommy kasi parang alam ko na yung gusto nyang sabihin.

I just lend my arms to her and let her cry.

"Mom, kaya po iyan ni Yanyan. Don't cry. Malakas po siya at alam kong hindi naman siya yung taong agad agad na susuko. Kilala ko po si Yanyan." Sabi ko kay mommy habang hinahagod yung likod niya.

"But Gab, she's suffering. At hindi lang basta basta ang sakit nya. For Pete's sake, she has a brain cancer, son. Brain Cancer." She said emphasizing those words na nagbibigay ng sakit sa mga puso namin.

Marianne's just 15 years old at ano namang laban ng childish kong kapatid sa brain cancer? What the hell, sa lahat ng tatamaan ng ganung sakit kapatid ko pa? Ayos lang sana kung ako na lang. Mas matatanggap ko yun.

Nitong mga araw, I've been busy taking care of Yanyan. She needs me. She's very important to me.

Kahit na magkaroon ako ng two dark circles sa mga mata ko, ayos lang basta't I'm willing to sacrifice my time for my sister.

Pagkadating ko ng school, makikinig ako sa teacher ko. Magaasikaso ng mga gawain tapos diretso na akong uwi. Hindi ko na rin nakakausap si Jen kasi I have to do many works.

Jen's POV

"Okay class we'll see each other tomorrow." Sabi sa'min nung teacher namin sa T.L.E.

"Haaaaaaaay!!" Sabay sabay nag inat yung mga classmates ko tapos nagsitayuan na sila para kumain sa canteen. Lunch na at gaya ng nararamdaman ko kanina, kinakabahan pa rin ako. Mas lalo akong kinabahan ngayon kasi maya maya lang pupunta na kami sa Gym. Parang ang daming lumilipad na Paroa sa tiyan ko.

"Jen tara na! Excited na akong makilala mo siya. Gwapo kaya siya o panget? Pag gwapo, aakitin ko siya para ako na yung bibigyan nya ng maraming chocolates." Ngumiti si Lyka pagkasabi nya nun.

"Shut up Lyka. Ang landi mo." Said Rhea.

"Kapal muks mo talaga. Tara na nga." Inakbayan ni Lyk si Eya tapos nauna na sila sa'min ni Kelly.

"San yun pupunta?" She asked me habang inaayos yung gamit nya sa bag nya.

"Baka sa canteen? Gutom na yun. Hahaha. Sa boring ba naman ng T.L.E. sino bang hindi gugutumin dun?" Natatawang sabi ko kay Kelly.

"Mean. Haha. Hindi ka ba pupunta?" Tanong nya sa'kin.

"Whe-- Oh! Muntik kong makalimutan. Lunch time nga pala. Samahan niyo ako?" I asked them more on pleading. Haha.

"Eh paano yung dalawa?"

"Habulin na natin hangga't maaga pa. Pag yang dalawang yan nakakita ng pagkain hindi na yan mapupuknat." She said.

At ayun nga umalis na kami at bumaba na agad ng canteen para sunduin yung dalawa. Buti na lang at hindi pa nakakabili yung dalawang matakaw na yun.

Nakasalubong namin si Bianca at sinama na namin siya.

Di na nakatanggi yung dalawa kaya dumiretso na kami ng gym.

Pagkadating namin sa gym wala namang katao tao kaya nagreklamo yung dalawa.

"Baka natae na yung admirer mo?" Sabi ni Lyka.

"Hindi! Baka naihi sa shorts kaya kailangan na nyang umuwi sa kanila at magpalit?" Sabi ni Eya.

"Maybe, nasagasaan na sa labas?!" Nanlaki yung mata ni Bianca pagkasabi niya nun.

"Omo! Kawawa naman si Jenny Jenny." Nagpout si Eya.

"Girls wag kayong ganyan. Malay niyo naman may surprise ang admirer nya kaya ganyan ganyan. Eh kung pumasok ka na kaya Jen?" Sabi ni Kelly.

Medyo napangiti ako sa thought na may surprise ang admirer ko sa'kin xD

Lumakad na ako papasok ng gym. Ganun pa rin naman ang itsura niya. Naliliwanagan ng sikat ng araw at bigla na lang..

May lumilipad nang petals na pink and white roses sa ulunan ko na parang nililead ako kung saan ba ako dapat pumunta.

Tapos..

Tapos bigla na lang nagblack out. Biglang sumara yung buong gym dahilan para matakot ako at tumingin kayna Lyka sa likod pero hindi ko na sila maaninag ni anino nila.

Biglang umilaw yung sahig, I mean biglang nailawan yung sahig na puno ng petals kaya sinundan ko yung way na yun tapos may natapakan ako.

Pinulot ko yung natapakan ko and I saw a letter written on it.

Isa na naman ito sa mga pinapadala nya sakin at gaya nun binasa ko rin yung nakasulat.

"Babe, I love you." Biglang may tumusok sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kinabahan ako ng sobra sobra. Gusto kong umiyak pero ayaw ko. Bakit ganito? Anong meron?

My Fake Boyfriend (Season 1 FIN) RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon