CHAPTER 30.2

844 11 5
                                    

Kakauwi ko lang galing PUP. Haaay. Nakaraos sa PUPCET xd pagpasensiyahan niyo na po talaga ang maikling update sa last chapter :(

--

CHAPTER 30.2 (Ikaw?!)

Jen’s POV

Naglakad ako sa dilim tapos maya maya may nalalaglag mula sa itaas. Mga pictures.

Tiningnan ko ‘yun at ikinagulat ko yung nakita ko. Kung titingnan mo kasi yung mga pictures ko dito, puro stolen, may kumakain ako, may nakikipagdaldalan, nag-iisa, natutulog sa klase, nag-iisip, basta lahat.

Kaya unang pumasok sa isip ko ang pangalan ni Harvey. Siya nga ba? Siya nga ba ang kumuha ng mga litratong ito..

Maaari bang, siya? Siya yung secret admirer ko?

Kinabahan ako sa mga iniisip ko kaya’t napagdesisyonan kong kunin na yung mga pictures at itago.

Tumuloy na ulit ako sa paglalakad ko.

“Aray!” May natapakan na naman kasi ako habang naglalakad ako. Bakit ba kailangan nasa lapag? At di ko nakikita? May plano atang dapain ako nung lalaking ‘yun eh.

May isa na namang letter kaya binasa ko ‘yung nakasulat sa likod, as usal.

“Alam mo ba Jen, naiinis ako. Hindi na kasi kita maabot abot eh. You’re beyond my reach.”

Pagkatupi na pagkatupi ko dun sa papel biglang may tumugtog at nagflash sa whitescreen.

“Jen, Letter C.” Bigla ko kasing nakita si Kelly na hawak hawak yung letter C sa mga kamay niya at nakangiting nakatingin sa’kin.

I was shocked. What is happening here? Anong kinalaman ni Kelly dito? Bakit nung tinatanong ko naman siya, hindi niya alam?

“Chance?” Ayun lang yung sinabi ni Kelly tapos biglang nawala yung video at napalitan ng live na instrumental.

Sa stage pinapunta nila ako. Pinaakyat nila akong lahat. Silang lahat kasi marami silang nandito. Halos lahat ng kabatchmates ko nandito at pinapanuod ako. Napaluha ako kasi grabe ang effort na inexert niya para sa’kin. Kung sino man siya.

“Here I am, Jen. Here I am.” Pagkarinig ko sa boses na ‘yun, alam kong siya yun. Hinding hindi ko maaaring malimutan yung pangalan nung taong nagmamay-ari nung pangalan na yun. Napalingon ako at pagkakita ko sa taong ito napaluha na lang ako? Bakit? Bakit Ikaw?! Dapat pa ba kitang tanggapin?

♫”Here I am
In this place, here I am
Here I am
In this place, I am here

Here I am
Now in this place, here I am
Here I am
In this place, I am here now..”♪

I was dumbfounded. Natulala ako na lang ako sa kinatatayuan ako without knowing what to do now. Ano nga bang dapat kong ireact sa mga nangyayari? Should I be happy? Happy seeing the one I love begging a second chance from me? Is that really what I want?

My Fake Boyfriend (Season 1 FIN) RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon