CHAPTER 2 (Torete)

2.1K 33 10
                                    

CHAPTER 2 (Torete)

Lyka’s POV

Hay! Good Morning na palaaaaa! Parang kagabi lang nag-iiyakan kami ah. Si Teddy kasi eh, wait speaking of her, okay lang kaya sya? Itetext ko nga.

To: MyTeddy

Message:

Good Morning Teddy! Okay ka na ba? Wag nang paapekto dun ha, move on kapatid! I love you! Don’t skip your breakfast :”> Ingat ha! Kita-kits mamaya!

*Message Sent*

“Ayun na send na.” Tinabi ko na cellphone ko tapos nagshower na ako.

30 minutes later…………..

Tapos na akong magshower, bihis, kain then pasok na. Monday kasi eh, may Morning Praise at Flag Ceremony pa.

Jen’s POV

“Buti di ko sya napanaginipan. Ano ba yan! Ang sakit ng ulo >_<” sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Nakita ko mata ko maga at namumugto Hmp. “Pano yan! Makikita ni mama -__- Patay!”

*toot toot*

“May nagtext” Binasa ko.

From: Teddy.Lyka

Message:

Good Morning Teddy! Okay ka na ba? Wag nang paapekto dun ha, move on kapatid! I love you! Don’t skip your breakfast :”> Ingat ha! Kita-kits mamaya!

“Ughhhh! Ang sweet talaga nila sa’kin di ako nalilimutan :””> sa school ko nalang sila kakausapin, bawal kasi ang cellphone sa school pero dala ko iPod ko xD Bait ko noh?” Nagshower muna ako, nagbihis at kumain…

“Good Morning Mama! Good Morning Pa! Good Morning Bea, my cute cute little sister!” I greet them. Grade 2 na nga pala si Bea, sa Siena rin, kaya sabay kaming papasok.

This is the moment of truth, kakain kami ng sabay-sabay, sana di nila mapansin >____< kundi patay talaga ako. Eh anong idadahilan ko kung mahalata nila? Hay bahala na Jen! Napalunok tuloy ako ng laway bago umupo’t sumubo ng pagkain.

Tahimik ang lahat. Patuloy pa rin ako, bakit ganun? Alam ba nila? May nagsabi kaya? Naku!

Natapos na ako sa pagkain, magpeprepare na ako para pumasok, naisip ko bakit kaya sila tahimik? May problema ba? At buti di nila napansin yung mata ko sana -_____- Umakyat ulit ako sa taas para tingnan yung sarili ko kung disente ba hitsura ko.

“Ate! Ate! Tara na po! Jan na yung driver!” Si Bea tinatawag na ako.

“Wait eto na!” Bumaba na ako, tapos humalik ako kay Mom at Dad para magpaalam. Tapos sumakay na kami sa kotse. Then, ayun umalis na, saglit lang naman yung byahe 5 minutes lang andun na kami.

Nang nandun na kami, hinatid ko muna sa St. Catherine Building si Bea bago ako umakyat ng room.

Noong paakyat na ako sa room, sa hallway naglalakad ako nang may nakabunggo ako.. “Sorry!” Sabi ko, pagtingin ko, si John pala saka yung bago nya. Psshhh. Ewan ko ba! Gusto kong sumigaw sa inis sa kanila! Mga manloloko! Bitter na kung bitter pero gusto ko silang paguntuging dalawa! Pusanggalangyan! Pero pinigil ko sarili ko tapos yumuko nalang tapos dire diretso sa paglalakad na parang walang nakita, hindi ko sila pinansin kasi maiiyak nanaman ako. Ayoko! Yung feeling na gusto mo talagang umiyak sa sobrang sakit na ginawa nya sa’kin? Pinigil ko yun! Hmp. Nagusot ko nga yung laylayan ng uniform ko eh. Hmp. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa room. Umupo na ako sa upuan ko, sa tabi nila Poochie.

Napatulala talaga ako sa nakita ko, ni hindi ko na nga sila napasalamatan sa nagawa nila sa’kin kagabi eh. Naiimagine ko yung kanina at mga moments na kami yung magkasama hindi yung bago nya. Nakatingin lang ako sa black board nung mga oras na yun.

“Poochie! Huy! Lalabas na! MP na oh, tara na”

Sino kaya yung malanding babaeng yun na umagaw sa first love ko? Nakakainis lang na pinagpalit nya ako dun! Peste! Amp. MALANDIIIIIIIIII! Sanggalangyan!

“Huy Teddy? Ayaw mo pa?” Kumaway sya sa mukha ko.

Sa pagkatulala ko hindi ko na sila halos naririnig. Yun natauhan na ako.

“Ha! Ano yun?!” Nagulat tuloy ako.

“Okay ka lang ba ha? Sabi naming MP na. Di ba Monday ngayon? Masy sakit ka ba?” Sabi ni Sissy. Oo nga pala. Kasalanan tong lahat ni John e!

“Ay oo nga, Sorry!” Sabi ko. Kasi M-W-F ang sched para sa MP T-Th naman rosary namin.

“Mukhang malalim yang iniisip mo ha” Sabi ni Poochie.

“Ah wala….wala, Tara na nga!” Palusot ko

“Sigurado ka Sissy?” Tanong ni Sissy

“Oo naman! Tara na nga naglalabasan na sila oh!” Hinila ko nalang sila. Tapos lumabas na kami.

Kelly’s POV

May kakaiba talaga dito kay Poochie eh, ano bang nangyari? Bakit tulala toh? Simula nung pumasok toh sa room at pagkaupo ganyan na yan. Kanina pa kasi namin siya sinasabihan na labas na kami eh. Parang di nya kami naririnig. Mahilig syang magimagine, OO! Pero iba to eh. Mamaya sasabunin ko toh. May tinatago ata eh.

During the MP……..

“Poochie ano bang problema?” Kinalabit ko sya saka tinanong.

“Wala toh……For the Divine Guidance……..” Sinabi nyang wala tapos tinuloy na nya yung prayer kay Mother Francisca. Nakakapangtampo na ha, Hay nakoooo.

Natapos na MP, tahimik pa rin sya. Siguro sa recess ko na sya tatanungin para hindi sya maabala.

IT’S SOCIAL TIME! =)

Dumating na si Ms. Herera. Syempre nagdasal muna tapos nag good morning na

“Good Morning Class!”

“Good Morning ang Praise be the Lord Jesus Christ in you and in us all Ms. Herera!”

“Please take your seat”

30 minutes later……..

“Miss will you please excuse the President, just for a minute.” Si ate Janelle, yung president ng Glee Club yun ah, ano kayang meron?

“President” Sabi ni Miss.

Tumayo si Rose tapos kinausap nya si Ate Janelle. Ano kaya yun? Para san? Tanungan na kaming lahat tuloy, pero si Poochie ganun pa rin Pffft. Di na sya nakikinig kay Miss. Ano ba kasing problema eh noh.

My Fake Boyfriend (Season 1 FIN) RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon