CHAPTER 16 (Friendly Date?!)

995 17 5
                                    

Hahaha. Guys natapos ko na sa wakas yung video, at inaupload ko na sa youtube. Ipopost ko nalang sa baba yung link later pag tapos na. At habang nag a-upload mag uupdate muna ako :)

Enjoy guys! Need your comments, votes, likes and be a fan okay? Thank you :)

--

CHAPTER 16 (Friendly Date?!)

Jen's POV

Haay. Nakakatanga talaga yung bwisit na lalaking yun. Kainis! Naiinis talaga ako sa kanya.

Hindi pa rin magsink in sa utak ko na magiging driver ako ng isang lalaki? What the heck >___< Hindi lang isang driver, isang dakilang tutor din. Nireready ko na nga ang sarili ko para dun eh, kailangan ko nang maglista ng isang katutak na tagalog words na may translation sa english. Psh.

At eto pa, kailangan ko pang mag-aral magdrive para lang sa kanya. Sino ba sya? Kainis naman oh! Minor pa ako, pati takot akong magdrive, kasi takot akong maaksidente. Hayyy.

Palakad ako papunta sa fountain dun sa may St. Jacques, masarap kasi dun eh. Sana nga lang hindi ganun kainit. Pero hindi naman ako sobrang maputi para mag inarte sa kainitan ng araw.

Lakad..

Lakad..

"Bakit di papatulan ang pagsuyong nagkulang tayong umaasang hilaga't kanluran. Lalalalalala. Hmmmmm.."

Lakad..

"Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo ako ang sasagip saýo.. Hmmmmm.."

Lakad..

Lak--

"Ah excuse me miss?" May biglang kumalabit sakin. At humarap naman ako sa kanya.

"A-ahh?"

(*______________*)

Bakit ang daming gwapo? >///<

"Miss? San ka pupunta? Busy ka ba?"

"H-ha?" Namesmerized naman daw ako sa kagwapuhan nya.

"Miss are you okay? Sabi ko kung busy ka?"

"Ha? Ay sorry. Hindi naman. Wala nga akong magawa eh." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya.

"May dumi ba sa mukha ko, miss? Haha." Bigla syang ngumiti.

WAAAAAAAAAAAH!! Nakakamatay yung ngiti nya >___<

"A-ay s-sorry, wala. Hahaha." Bigla kong iniwas yung tingin ko sa kanya.

"Hahaha. Class hour ah? Nagcut ka ng class? Buti hindi ka nahuhuli?"

"A-ahh. Kasi naBV lang ako kanina kaya hindi na ako pumasok."

"Ah ganun ba miss. Haha. Gaya nga ng sabi ko kanina, hindi ka naman busy at estudyante ka naman dito pwede mo ba akong samahang magpaenroll?"

Bigla akong napatingin sa kanya.

"AAHH!! Magtatransfer ka dito. Sure! Sige wala naman akong magawa eh. So? Tara." Hinila ko sya sa braso at naglakad naman kami.

Habang naglalakad kami, naguusap kami.

Binitawan ko na rin yung braso nya, habang sya naman naglalakad nang nakapamulsa.

"Miss anong year ka na ba? Mukhang paeasy easy ka nalang ah."

"Haha. Hindi naman. Actually 3rd year highschool palang naman ako. Nagkataon lang talaga na nabadtrip ako kanina."

"Ah. Same pala tayo eh. Haha." Kaswal nyang sabi.

"A-ah. Ilang taon ka na ba? At san ka galing na school?"

My Fake Boyfriend (Season 1 FIN) RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon