CHAPTER 9 (Destiny?)

1.4K 23 5
                                    

Ayan na po Labidabs :D :*

New Promotional video ng My Fake Boyfriend, Ayan po please watch -------->

 Bianca at the right ------>

<----- Votes :D Comments sa baba. Like, be a fan and Suggestions ^___^v

 --

CHAPTER 9 (Destiny?)

Bianca's POV (Woah xD)

Tumakbo na ako palayo, sabi nya eh. Hindi ko manlang naitanong yung pangalan nya, sayang! Tsk

Pumunta ako sa oval kasi nandun sina Hannah naghihintay sa'kin. Baka naiinis na yun.

"Heeeey!" Tawag ko sa kanila sabay kaway.

"Woah! Parang artista lang ah. Anong ganap?"

"Nakakainis si Clark, Ang epal epal talaga kahit kailan."

"Si papa Clark? Yung manliligaw mo? Wow! Sa wakas sya naman ang sumusunod sayo hindi na ikaw at sinasama mo pa kami ha." - Hannah

"Alam nyo namang ayoko na sa kanya eh"

"Ano pa bang ayaw mo sa papable na iyon ha?" - Karen

"Oo nga. Mayaman na, gwapo pa, mabait pa. Oh diba? Ano bang problema?" - Hannah

"Ayoko sa kanya. Sino bang nagsabing mabait yung mahanging lalaking 'yon?" - Karen

"Hahahaha! Mamamhalin mo rin sya. Sagutin mo na kasi!" -Hannah

"Hindi natuturuan ang puso pagdating sa pagmamahal Hannah."

"Sayang naman yung mga efforts nya lalo na yung chocolates na iniiwan nya sa upuan mo sa tuwing babalik tayo sa room. Yung flowers every Masquerade party, sayang naman. Kung ayaw mo lang dun sa mga yun edi sana binigay mo na lang sa'kin. Like ko si Papa Clark noh, ang gwapo gwapo at ang yummy yummy. Hmmm!" - Hannah

"Akin pa rin yung mga chocolates na binigay nya noh pati flowers. Oh sige sa inyo na si Clark basta akin yung mga tsokolate at bulaklak na ibibigay nya. Kung gusto nyo kayo na rin yung sumagot ng oo sa kanya."

"Sus. Eto naman oh. Give him a second chance na kasi." - Karen

"Second chance? Para san pa? Wala nang dapat pang pagbigyan."

"Sus ka! Ang bitter ni ate! Hahahahahaha!" - Hannah

"Basta ayoko na sa kanya. Tsk"

"Kung dati lang gustung gusto mo sya. Halos masira mo na nga yung uniform namin eh."

*flashback*

"Tara na kasi! Baka umalis na sya!" Eto kami nagiistalk kay papa Clark, uwian na kasi saka tapos na practice nila ng Tennis. Syeeet! Ang gwapo nya grabe! >___< Manligaw ka lang sakin sasagot ako kaagad!

"Ano ba Bianca! Saan ba tayo pupunta? Bakit ka ba nagmamadali?" Si Karen  hawak hawak ko sa manggas ng uniform nya habang patakbong bumababa ng hagdan.

"As usual saan pa ba? Edi aabangan nanaman nya yung papa Clark nya. Naku sinasabi ko lang sa'yo, imposibleng mapapansin ka nyan sa dami dami ng babaeng pumipila jan at nagdadala ng bio data halos matalo pa yung pila ng NFA dun sa palengke eh."

"Hannah naman kontra ka talaga lagi! Nakakainis! Basta pag nagkagusto lang talaga sakin yan hindi ko na papakawalan."

"Talaga lang?" Tanong tanong pa, oo naman sa gwapo nyang yan sino ba ang hindi magkakandarapa jan lalo na ako, halos punuin ko na ng pictures nya ang wallet ko. Super crush ko talaga syaaaaaaaa! Kyaaaah!

"Oo nam---- Awwww! Sorry!" Hindi tumitingin sa dinadaanan nalaglag tuloy yung bag ko nagkalaglagan yung mga gami ko. Pinulot ko muna tuloy. Tsk >____<

"Owwww! Speaking of, sige sis una na kami" Napatingala ako at napatigil sa pagkuha ng mga gamit ko na nahulog.

"C-clark? W-wait saan kayo pupunta? W-wag nyo akong iwan"

"Mauuna na kaming gumawa ng homework sige jan ka na! ^____^v"

"S-sorry miss. Sige ako na" Ngumiti sya sakin. Pwede na ba akong matunaw? OHH MAAAY! SIOMAIIII! >_____< Bakit ba nakakahiya pag malapitan na. Weeee.

"W-wag na. Okay lang ako. He-he-he" Pinulot ko yung ballpen ko.....

 O_______________O

>///////////////<

"A-ay Sorry." Namumula yata ako, Shocks >____< Hindi ko kaya ito! Nahawakan ko yung kamay nya, kasi nagkasabay kaming kunin yung ballpen ko. Ang lambot lambot Syet! Hindi ko na to huhugasan promise!

"Aahh. Sorry din. M-may gagawin ka ba mamaya?"

"W-wala naman. Bakit?"

"As a sorry ililibre kita ng meryenda. :D"

Waaaaaaaaaa! Ililibre ako ni Clark Torres?! Totoo ba to?

"Pakikurot naman ako oh." Bulong ko.

"H-ha? May sinasabi ka ba?"

"W-wala. O-okay sige, free ako mamaya" Gaga ka talaga Bianca! Bakit ka nagpapakurot sa kanya! Pati bakit ka pumayag agad? Hindi ka manlang nagpakipot kahit kaunti. Tsk

Simula nun, madalas na kaming magmeryenda. Kaya nagkaroon ng issue between the two of us. Tapos, sinabi na lang nya sakin na manliligaw sya. Pumayag ako kasi gusto ko nanaman sya eh. Pinadalhan nya ako ng kung anu anong love letters, chocolates at flowers.

 Pero sapat na yung usapang narinig ko para kamuhian ko sya, narinig ng dalawang tenga ko yung pinag usapan nila nung babae na pinagtitripan lang daw nya ako, at alam nyo ang kapalit nun? Na halikan sya nung babae. Ganyan ba kapurol ang utak nya? Basta makahingi lang ng halik? Syet! Napagtripan pa ako ang tanga tanga ko, kung simula palang hindi na ako umasa edi sana wala nang ganto.

Mula ngayon hindi na kita gugustuhin Clark Torres! Perv ka! Manyak! Malandi! Tsk. Ang babaw nya! Hmp. Akala ko ang bait bait nya, pag pala nakatalikod ako, ganun sya. Ano ba yan!

Kaso hinarang nya ako habang naglalakad ako kasama nya mga kabarkada nya. Hindi ko napigilang umiyak dahil naalala ko lang yung ginawa nya. Nagsosorry sya pero malinaw yung pandinig ko. Hanggang samay dumating at iniligtas ako mula sa mga demonyong nakapaligid sa'kin. Napaka Angelic ng face nya, ang bait bait nya, ang gwapo gwapo iniligtas nya ako. Pinatakas nya ako.

Kaso....

Sino sya?

*end of flashback*

Sa tuwing naaalala kong iniligtas ako ng isang San Miguel, kung sino man sya hindi ko maiwasang mangiti mag-isa. Ang saya saya kasi may ganun pa pala. Destiny nga ba toh? Ang masasabi ko lang eh, ang galing galing ni destiny, nawala man si Clark may pumalit namang mas better sa kanya. Haaaay :))))))))))

"Hoy Bianca! Kanina ka pa pangiti ngiti jan ah! Ano bang iniisip mo?! Snob ka ha" Ang ingay ingay talaga nitong si Hannah!

"A-ay Sorry. May naalala lang."

"Ano naman yun! Ikwento mo naman sa'min!" - Karen

"Ano ba yun?" Sabay pindot pindot ni Hannah yung tagiliran ko.

"Hahaha. Wala wala! Tama na! Nakikiliti ako X)))))"

"Ikwento mo na kasi."

"Kasi ganto yun............asdsadfdsgskjghskfgsdugd"

Ayun ikinuwento ko na sa kanila. Grabe tong mga to! Parang hindi mga babae! Tsk Hahahaha

Ang kailangan ko nalang malaman.......

Kung ano ang pangalan ni San Miguel.

Sana magkita ulit tayo. Pag nagkita tayo, sigurado akong destined tayo sa isa't isa. ^______^ Ayan hinihingi kong sign :)))

--

A/N: Vote po! Comment, like and be a fan. Anong masasabi nyo sa update ko? Panget ba? Reply naman kayo oh :((((( Baka po sa Saturday na ulit ako makapagupdate kasi may exam pa po kami, kailangan kong magreview :D Sana maintindihan nyo! Thank you! :*

My Fake Boyfriend (Season 1 FIN) RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon