CHAPTER 13 (Rich Kiddo)

1K 16 8
                                    

Wag muna tayo sa POV ni Harvey, wala pa akong maisip eh. Pati kaka nosebleed sya eh. xD

Sa point of view muna ni papa Miguel :) Hindi nyo pa sya na eencounter xD First POV nya ito ever. Makikilala nyo na rin yan dito.

--

CHAPTER 13 (Rich Kiddo)

Miguel's POV

"Sir Gab magready na daw po kayo sabi ni ma'am Margarette. Paki labas nyo na po yung mga gamit na dadalhin nyo po. Ako na po ang mag eempake." - Aling Shiela, yung katiwala namin dito sa bahay namin.

"Oh sige po. Tatawagin ko nalang po kayo kapag okay na." Lumabas na si Aling Shiela ng kwarto ko.

Nasa California kami, dito kami nakatira for how many years na ba? Simula kasi nag grade 3 ako lumipat na kami dito for business. Si papa kasi dito nakadestino kaya bumili na rin kami ng bahay namin dito para hindi na pabalik balik pa sa Pilipinas.

Isinama na namin si Aling Shiela, yung pinakapinagkakatiwalaan namin sa lahat ng katulong namin dun sa bahay namin sa Manila. Nagtataka ba kayo kung bakit tagalog ang pagsasalita namin? Si mama, ayaw nyang makalimutan namin ang pagtatagalog kaya hangga't maaari pag nasa bahay kami hindi kami mag iEnglish.

Well, I'm Miguel Gabriel P. (Pascual) Fernandez. Migz ang tawag sakin sa akin sa school pero Gab ang tawag nila sakin dito sa bahay. Bahala na kayo kung anong gusto nyo itawag sakin. 17 years old na ako, tall, fair and handsome. Mayaman kami, we owned different businesses and ang main namin ay yung Catering business. Yug ibang business, kina Tito na pinaubaya nila Mama. Yan ang hawak namin. Ako nga pala ang nag-iisang lalaking anak nila kaya ako ang future na mag mamay-ari nun. Wala pa sa bokabularyo ko ang pag bubusiness. Matalino naman ako eh, I think so? Nagtotop ako sa school namin.

Miguel Gabriel Fernandez -------------->

Ang ayoko sa pagiging mayaman ay ang dahilan ng pagbalik namin sa Pilipinas at dun na ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Nakafixed marriage na ako. At pagbalik ko daw dun, makikilala ko na yung future wife ko or yung fiancee ko. Pfft. Iniisip ko palang na hindi na ako malaya parang gusto ko ng tumalon sa building. Hindi manlang nila ipinaranas sakin yung magmahal ng babae. Wala pa kasi akong nagiging girlfriend, may mag attempt man, ayoko naman din.

Sana nga tumanggi yung babae eh, para tatanggi na rin ako at ayun tapos ang problema! Wala nang kasalang magaganap. Pero out of curiosity na rin, gusto ko ring makita yung babaeng yun. Ewan ko ba, ayaw ko pero parang may nagtutulak sakin na lumipad na agad pabalik ng Pilipinas para makilala yung babaeng yun. Maganda kaya sya? Maputi? Matangkad? Ano kayang itsura nya? Gusto kong malaman.

Matapos kong mag empake tinawag ko na si Aling Shiela gamit yung teleponong nagkukunekta sa buong bahay.

*ring ring*

"Aling Shiela. Okay na po. Nakalatag na po sa kama ko yung mga damit na dadalhin ko." Sabi ko kay Aling Shiela

"Sige po Sir. Papanhik na po ako jan."

At binaba ko na yung telepono.

Dumating naman agad si Aling Shiela at nilagay na sa maleta ko yung mga gamit na gagamitin ko.

*****

"Gab are you ready?"

"Yes Pa."

"Good Boy." Pinat nya ako sa balikat ko at ngumiti sya.

Siguradong natutuwa yan kasi pumayag ako dun sa pagpapakasal na yun. Wala na rin naman akong magagawa eh, para sa future ko rin naman yun.

Pababa na kami ng private jet namin. Nabanggit ko ba? May sarili kaming airport, si mama naman ang nagpapatakbo nito. Ewan ko jan kina mama at papa parang baliktad sila ng pinapatakbong negosyo. Kay papa Catering kay mama naman Airport. Haha. Bahala sila.

My Fake Boyfriend (Season 1 FIN) RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon