CHAPTER 15 (Siena Part Two)

923 16 3
                                    

Heyaa guys. Mag uupdate muna ako then after nito gagawan ko yung story ko ng video ng mga characters okay? :))

Well! Enjoy po!!

Siena College of Taytay (St. Thomas Aquinas Building) --------->

--

CHAPTER 15 (Siena Part Two)

Miguel's POV

"Wow manang ang dami po palang mga court dito ng iba't ibang sports."

"Ah oo hijo. Ayang mga nakikita mong naggwawapuhang mga players na kay gagaling magsilaro, sila ang mga varsity players na nagrerepresent ng school sa tuwing may laban mapa regional o kahit sa ibang bansa pa."

"Ahhh. Meron po ba ditong grupo na sumasayaw, I mean yung dance troupe?" Tanong ko, wala lang, kasi mahilig akong sumayaw eh. Bukod sa gwapo ako syempre may talento rin naman ako.

"Hijo bakit interesado ka ba sa pagsasayaw?"

"Ahh manang may talento naman po ako sa pagsayaw kahit paano pero mahiyain po kasi akong tao eh. Hindi po ako yung mataas ang self-confidence."

"Ganun ba."

"Hehe. Opo manang. I don't have the guts to join those kind of groups pero willing naman po akong makisali sa kanila if I'm given a chance." Nginitian ko nalang si manang.

Totoo naman kasi, mahiyain talaga akong tao. Ayoko nang ako yung sasali ang gusto ko yayayain nila ako bago ako sumama sa kanila. Kasi nakakahiya kung sumama nga ako tapos ayaw naman pala nila sakin.

"Halika dun naman tayo sa iba't ibang buildings ng school pati na rin mga offices dito."

Ayun niyaya na nya ako paalis dun sa St. Martin Sports Complex.

Hindi obvious na Catholic School ang pinasukan ko noh? Hahaha. Puro Saints ba naman ang mga facilities eh. Haha.

Lakad...

Lakad...

"Hijo nandito tayo sa St. Catherine Gymnasium. Kung nakikita mo nanjan ang mga badminton players at dun naman sa taas ang mga table tennis players natin. At kung mapapansin mo rin, sa harap nitong gym na ito may stage. Dito ginaganap ang mga mass ng school at dito rin ginaganap ang iba't ibang events natin dito."

Naks nakakuha ako ng tour guide (^____^)

Napatango nalang ako kay manang habang nililibot ang buong gym, isang basketball court lang sya na napapaligiran ng mga bleachers, sa baba at sa itaas.

Pagtapos namin sa Gym pumunta kami sa Mo. Francisca Hall gamit ang hagdan.

Binuksan nya ang glass door nito at nagtuloy na kami sa loob nito.

"Oh hijo ito naman ang auditorium ng school, dito rin ginaganap yung ibang mass at mga events. Eto rin yung theatre ng mga estudyante. Dito ginaganap ang coronation ng Mr. and Ms. Siena taon- taon."

"Ahh. Ang ganda, fully airconditioned."

Pagtapos nun pumunta na kami sa isang building kung saan nandun ang mga rooms ng mga highschool students.

"Ito naman ang St. Dominic Building. Nandito ang mga offices natin, ang Registrar's office, Finance at iba't iba pang mga offices, pati ang ating gradeschool and highschool library. Kaya pag mag eenroll ka dito ka pupunta."

Yeah tama. Dito ako galing kanina pero sa likod kami dumaan ngayon kaya medyo nanibago ako.

"Nga pala hindi lahat dito ay rooms ng highschool sa 2nd floor kasi mayroon din dun para sa college students."

My Fake Boyfriend (Season 1 FIN) RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon