I. New Life

2.4K 56 0
                                    

Ch.1| New Life

NGAYON ay nakatayo ako sa tapat ng bahay-ampunan na ilang taon ko ring naging tahanan. Bitbit ang nag-iisang hindi kalakihang bag na naglalaman ng konting damit na nakuha ko pa mula sa mga donasyong ipinapadala ng mga taong may mabuting kalooban.

"Pasensya na anak pero ikaw ay nasa tamang edad na."

Iwinaksi ko sa isipan ang namumuong galit sakanila, malaki ang utang na loob ko sa bahay-ampunan dahil sila ang nagpakain at nagpalaki sa'kin, sila rin ang dahilan kung bakit nakapagtapos ako ng senior high school kaya hindi dapat ako magtanim ng anumang galit sakanila.

Huminga ako ng malalim at sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ang kumbentong naging tahanan ko sa labing-tatlong taon bago unti-unting humakbang palayo.

Limang taong gulang ako noon ng iwan ng aking ina sa kumbento. Bilang musmos pa lamang ay hindi ko na magawang alalahanin kung ano ba ang itsura niya maging ang rason kung bakit niya ako iniwan.

Hindi mawawala sa akin ang galit dahil ang sarili kong ina ay hindi ako nagawang palakihin at basta na lamang iniwan sa kumbento. Pero sa mga lumilipas na taon, tumigil na ako sa pag-iisip tungkol sakanya. Wala namang dahilan para isipin pa ang taong nagawa kang abandonahin.

Beep!!!

Tila nagising ako sa katotohanan matapos makarinig ng malakas na busina.

"Ano ba naman 'yan miss sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo, kung gusto mong magpakamatay 'wag mo 'kong idamay."

Napayuko na lang ako sa hiya at kaba matapos akong sigawan ng jeepney driver na muntik ng makahagip sa'kin. Mabuti na lang at wala masyadong tao kun'di mas nakakahiya.

Napalingon ako sa paligid at napansing dumidilim na pala, kaya nakakaramdam na ako ng gutom.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ko na lang ang sarili sa tapat ng isang food stall. Tumunog ang tiyan ko hudyat ng gutom lalo pa ng maamoy ko ang bango ng tinda ritong burger.

Hinugot ko mula sa bag ang supot ng papel na parihaba ang sukat, na naglalaman ng limang libong ibinibigay ng bahay-ampunan sa mga katulad kong eighteen years old na at kailangan ng umalis ng kumbento.

Ang limang libong ito kumbaga ay ang magiging panimula namin at pang-gastos sa pangunahing pangangailangan katulad ng pagkain.

Pero kulang na kulang ito lalo na sa paghahanap ng mauupahan, kaya naman iniwas ko na lang ang tingin sa food stall at nagpatuloy sa paglalakad. Mas kailangan ko muna ng matutuluyan lalo na't gabi na.

----

"O ayan eto na lang ang available na bedroom dito. Maayos naman diyan tatlong libo isang kwarto at dahil may ka-share ka naman eh one-five na lang. Ayos na ba?"

Tumango ako at nagpasalamat matapos kong i-abot ang pera sa babaeng nagmamay-ari nitong apartment.

Matapos ang walang katapusang paglalakad.. sa wakas ay nakahanap din ako ng mauupahan. Ito na ang pinakamura sa lahat ng napagtanungan ko kung kaya't ito na kaagad ang kinuha ko.

Pasado alas-otso na rin ng gabi kaya sobrang dilim na. Dahan-dahan kong pinihit ang pinto ng kwarto at bumungad kaagad sa 'kin ang dalawang kama sa magkabilang gilid.

Medyo makalat at puno ng gamit ang kaliwang kama kaya nasisiguro kong doon ito sa babaeng kahati ko sa renta. Sinara ko ang pinto at inilapag ang bag ko sa magiging higaan ko bago nagpatuloy sa pagtingin-tingin sa paligid.

Mayroong maliit na kitchen sa isang sulok nitong kwarto na halos walang kahit na ano mang kagamitan bukod sa isang plato kutsara't tinidor at baso. Siguro dahil isa lang naman ang nakatira dito kaya ganun.

Inner NymphoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon