IX - Unexpected Despair

1.1K 65 5
                                    

Ch.9|Unexpected Despair

"Salamat sa paghatid Nat."

NGUMITI ako bago bumaba ng sasakyan niya. Kakauwi lang namin matapos ang dinner sa restaurant.

Nagprisinta si Natasha na sumabay na ako sakanya dahil madadaanan din naman nila ang apartment na tinutuluyan ko. Actually si Asha din nagprisinta, nagpupumilit pa nga siya na siya na ang maghahatid sa 'kin pero biglang may tumawag sakanya at mukhang importante kaya nagmamadali siyang umalis.

Mabuti na 'yun dahil hindi pa ako handang makasama siya ng kaming dalawa lang.

Nagpasalamat din ako sa family driver nila bago tuluyang umalis ng sasakyan. Nagsimula na akong maglakad palapit sa apartment na inuupahan ko-- namin ni Ate Elise.

Anong nangyari?

Bulong ko at napatigil sa paglalakad. Oras kasi na makarating ako sa apartment ay may mangilan-ngilang pulis sa labas, na para bang may kung anong krimen na nangyari sa loob.

Dali-dali akong tumakbo papasok ng silid namin at naabutan ko si ate Elise na, nakaupo sakanyang kama.. umiiyak.

"A-ate.. anong nangyari?"

Napa-angat siya ng tingin sa'kin at para bang mas lalo pa siyang napaiyak ng makita ako.

"J-justine, I'm sorry.. " umiiling-iling siya habang humihikbi. Pansin ko ring mayroon siyang pasa sa gilid ng labi kaya hindi ko na maiwasang mag-alala.

Nagawi naman ang tingin ko sa buong apartment. Magulo ito na para bang hinalungkat ng kung sino. Nagkalat ang mga gamit ni ate Elise pati na rin ang mga gamit ko.

Napalunok ako ng makita sa sahig ang maliit na supot na mula pa sa kumbento, kung saan nakalagay noon ang limang libong pisong ibinigay nila. Doon ko inilalagay ang mga ipon ko..

Agad ko 'yung pinulot at binuksan, ngunit gusto kong maiyak ng makitang wala na doon ang perang naipon ko. Perang pinaghirapan ko na sana ay gagamitin ko sa pag-aaral.

"Miss.. palagay ko'y mas makabubuti kung aalis muna kayo sa lugar na ito. Pwedeng bumalik ang kapatid mo para gawin ulit ito. Palagay ko'y hindi lang pagnanakaw ang pakay niya ng pumunta siya." Mahabang paliwanag ng pulis na biglang pumasok sa aming silid. Mukhang nakuha na nila ang statement ni ate Elise.

Kapatid?

"Ate anong nangyayari? H-hindi ko maintindihan."

Naupo ako sa tabi niya at tiningnan siya, puno ng tanong ang aking mga mata. Nagpakawala ng buntong hininga si ate Elise bago ako hinarap.

"Nabanggit ko sa'yo noon na, may pamilya ako sa tondo Hindi ba?" Tumango ako.

"Umalis ako sa amin hindi lang dahil sa gusto kong maghanap ng trabaho. Kundi gusto kong makalayo sa nakatatanda kong kapatid na lalaki, nalulong siya sa droga at.. at parati niya akong sinasaktan, binubogbog.. hindi ko na kayang manatili doon. Kaya naman ng pumanaw ang mga magulang namin, iniwan ko siya at nagsimula akong muli dito. Pero ngayon natunton niya na ako, ninakaw niya ang lahat ng naipon ko pati na rin ang sa'yo Justine.. kaya nahihiya ako sa'yo."

Mangiyak-ngiyak na sambit niya. Ngayon ay mas pansin ko na ang mga pasa sa katawan niya, kaya wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya.

"Hindi mo kasalanan 'to ate Elise, wag mong sisihin ang sarili mo." Pag-aalo ko habang hinahaplos ang likod niya na mas lalong nagpaiyak sakanya. Para bang nakahanap siya ng kakampi at yumakap sa'kin ng mahigpit.

"T-tama ang mga pulis Justine, kailangan ko na munang lumayo, kailangan ko munang lumipat ng tirahan, ganun din ikaw." Kumalas siya sa yakap at tiningnan ako.

Inner NymphoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon