XIV|Dare
"Okay girls great teamwork!" Palakpak ni coach dahil ng magkaroon kami ng practice play ay wala ng nagkapikunan at naging maganda ang takbo nito.
Tomorrow morning ay babalik na kami sa school at babalik sa normal na pag-aaral at practice. Hinihingal akong naglakad papunta sa mga gamit ko at nagpunas ng pawis. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nangyari kagabi, kapag naalala ko Ito ay tila nanginginig ang katawan ko sa takot, sa isiping nasa paligid lang ang taong gustong pumatay sa'kin.
"I'll dismissed you today, you can have your free day girls, have fun!"
Bumalik ako sa kwarto para magbihis dahil sobrang pawisan na ang damit ko. May plano na ang ibang magshopping at bar hopping. Sinabi na nila kung saan ang lugar at kanya-kanya na lang kaming pupunta Doon. I guess Brie has already gone with my other teammates habang sila Lian ay hinihintay ako sa labas.
"Let's go?" Tumango ako kayla Trina, oras na makalabas ako ng mansion ay naghihintay na sila.
Napansin ko pa si Coach Jonathan at Coach Kris na nag-uusap sa field. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Patuloy ko lang silang pinagmasdan hanggang mawala na sila sa paningin ko dahil hinila na ako ni Lian paalis sa Mansion.
"This is gonna be fun, bet there's many hot boys in the bar." Trina excitedly uttered. Napatawa naman kami ni Lian dahil doon.
Pasado alas syete na din ng Gabi kaya madilim na talaga ang paligid. Sigurado ay nagsasaya na ang iba naming ka-team.
Papasok na sana ako sa bar ng biglang mag-vibrate ang phone sa bulsa ko kaya naman pinauna ko na sila sa loob.
'Hello?'
I look at the screen ng walang magsalita dito, pero nasa kabilang linya pa naman ang tawag. Unknown number siya kaya hindi ko alam kung sa'n nito nakuha ang number ko.
Ng walang nagsalita ay agad ko ng pinatay ang tawag, baka scam lang 'yun. Uso pa naman ito ngayon. Nag-umpisa na akong maglakad palapit sa bar, Hindi ko napansing medyo naglakad-lakad pa pala ako palayo dito dahil sa inaakalang signal ang may problema kaya hindi ko marinig ang nasa kabilang linya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, bigla akong kinabahan ng makarinig ng mga yapak sa likuran ko, na tila ba may sumusunod sa'kin. Hindi ko magawang lumingon dahil sa takot. Sobrang dilim na ng paligid at walang ibang tao sa labas kundi ako lang, mukha kasing private property ang lugar na 'to.
Habang palapit ako sa bar ay palapit rin ang mga yapak kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad, ramdam ko ang malamig na pawis na tumatagaktak sa pisngi ko.
Isang hakbang na lang.
Isang hakbang na lang.
Napapitlag ako ng may mga kamay na humawak sa balikat ko at agad na naitulak ang kamay niya sa pag-aakalang ito ang sumusunod sa'kin pero naguguluhang mukha ni Lian ang bumungad sa'kin.
"Justine okay ka lang? Ba't para kang nakakita ng multo?" Biro ni Lian dahil siguro sa panlalaki ng mga mata ko at mabilis na paghinga.
Napatingin ako sa may likuran niya ngunit wala naman doong ibang tao. Imahinasyon ko lang ba 'yun? Pero hindi malakas ang kutob kong may sumusunod talaga sa'kin.
"Ang tagal mo kasing bumalik kaya sinundo na kita. Tara na naghihintay sila."
Tumango ako at sumunod na rin sakanya, palinga-linga pa rin sa paligid. Napapraning na ata ako.
Malakas na musika ang bumungad sa'kin at iba't-ibang makukulay na ilaw, mga taong nagsasayawan na para bang ngayon lang sila ulit nakalaya sa kung ano mang problema nila.
BINABASA MO ANG
Inner Nympho
RomanceNympho - a woman with very strong sexual desire. Started: August 2021 Continued: October 10, 2021 & March 2022 Finished: ONGOING Book Cover from Canva - https://www.canva.com/