XVIII - Jealous

1.2K 56 0
                                    

XVIII|Jealous

UNTI-UNTI kong minulat ang mata ko, medyo magaan na ang pakiramdam ko kumpara kanina.

Tatayo na sana ako ng may maramdamang malambot at malamig na bagay sa noo ko. Ng alisin ko ito ay isang bimpo na mukhang lumamig na dahil sa magdamag na nakalagay sa noo ko.

Napalingon naman ako ng may gumalaw sa tabi ko at nakita si Asha na nakahiga sa higaan ko, mahimbing pa siyang natutulog, mukhang inalagaan niya ako kagabi.

Lumapit ako at pinagmasdan ang maaliwalas niyang mukha. Her fair skin looks more evident because of the sunrise hitting her face. Bumaba naman ang tingin ko sa labi niya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Napalunok ako at agad na napaiwas ng tingin. I'm still sick and I can't afford na mahawa siya.

You mean you'll kiss her if wala kang sakit?

Bulong ng isip ko kaya naman napatayo na ako kaagad sa mula sa kama at binalot siya ng kumot bago magtungo sa banyo at maghilamos.

Kung ano-ano ng naiisip ko dahil sakanya. Buti na lang Sunday ngayon kaya makakapag-pahinga pa ako bago sumabak sa training ulit. Tumingin ako sa salamin para lang mapagtanto na iba na pala ang damit na suot ko.

I'm wearing a shirt and only a boxer?! Napalunok ako, does that mean binihisan niya ako?

Agad na nanginit ang pisngi ko sa isiping 'yun. Alam ko na nakita niya na ang katawan ko pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mahiya. I mean she's a grown gorgeous woman. Malamang marami na siyang nakitang katawan na mas magaganda kesa sa'kin.

Bumalik ako sa kama pero wala na doon si Asha. Inayos ko muna ang medyo magulo kong higaan bago naglakad palabas. Agad namang bumungad sa'kin si Asha na may kausap sa telepono. Mukha ngang masaya siya, dahil nakangiti pa siya sa kausap niya.

"Of course! I haven't seen you for like.. years Marcus, we should hang out." Hindi naman sa nakikinig ako pero hindi ko naman maiwasan dahil may tenga ako.

Marcus huh.

Umiling-iling ako at dumiretso sa kusina para magtimpla ng gatas. I always start my morning with it. Nakasanayan ko na.

Marcus? Hang out? Sino ba 'yun?

Napadaing naman ako dahil sa pagkabigla. I was about to take a sip on my milk pero sa sobrang pag-iisip ay hindi ko napansin na sobrang init pala nito kaya napaso ang labi at dila ko.

"What happened?" Nag-aalalang sumulpot naman si Asha bigla sa kusina, agad niyang binitawan ang teleponong hawak at lumapit sa'kin.

"Wala." Simpleng sagot ko at pinipilit pahupain ang pagkapaso sa labi ko.

"Let me see." Lumapit pa rin siya at hinawakan ang pisngi ko. Hinayaan ko na lang pero agad akong napalunok ng mapagtantong sobrang lapit namin sa isa't-isa. She's trying to ease the burn by blowing cold air on my lips. But it's like she's just making more fire from what she's doing right now.

Naisip ko nanaman  'yung Marcus na tumawag sakanya. Ang aga-aga naman tumawag nun.

"Who's Marcus?" Gusto kong tampalin ang sariling bibig dahil hindi makapagpigil na magtanong. Asha seems to didn't get the tone in my voice though kaya naman pasimple akong nakahinga ng maluwag.

"He's a good friend." Good friend?! Para namang nagpanting ang tenga ko dahil doon. Naaalala kong ganun din ang pakilala niya sa'kin Kayla Trina noon.

So she have another one? May iba pa?

"You okay?" Mukha sigurong napansin niya 'yung pagkunot ng noo ko at bahagyang pagkuyom ng kamao ko.

Inalis niya na ang kamay sa pisngi ko, hindi ko na ramdam ang paso ngayon sa totoo lang dahil may pumalit na mas mabigat na pakiramdam dito. Like something's warning me that someone.. will take away what's mine.

"I'll go get ready na, you don't need to cook lunch for me. I might not be home by that ti-"

"Wait.." Napalingon naman siya agad sa'kin ng hawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya sa'kin naghihintay ng Susunod kong sasabihin kaya napalunok ako.

"Uh.. ano.. medyo masama pa kasi ang pakiramdam ko eh." Nagkunwari naman akong masakit ang ulo kaya bigla siyang lumapit sa'kin ng may pag-aalala sa mukha.

"Oh, you do?" Sinalat niya ang noo at leeg ko.

"You don't have fever though..maybe it's just a headache, I'll go get you some medicine before I go, okay?" Napakagat na lang ako sa labi. Ano ba 'tong ginagawa ko? Ano naman ngayon kung aalis siya?

Tumango ako kaya naman nagsimula na ulit siyang maglakad palayo pero nakakadalawang hakbang pa lang siya ng bumalik siya ulit.

"I'll see you later." Banggit niya matapos dumampi ang labi niya sa labi ko. It was just for two seconds but I feel like my heart will gonna burst.

Tuloy-tuloy lang siyang naglakad palayo hanggang mawala siya sa paningin ko, napahawak naman ako sa labi ko at parang tangang biglang napangiti.

Maybe I really am jealous?

Iwinaglit ko na lang iyon sa isipan dahil hindi ko man aminin, her kiss some kind of reassured me.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng bigla itong magvibrate. Nag-chat si Lian, nag-aaya sa mall dahil bihira daw kaming magkaroon ng free time.

Napaisip naman ako. Ayaw kong maiwan dito sa bahay at magmukmok. Isipin kung ano bang ginagawa ni Asha at ng Marcus na 'yun kaya naman nag-reply ako na sasama ako. Nag-send naman siya ng location kung saan ata agad na rin akong nag-ayos.

At least I have something to do today.

----

"Oh, where are you going?" Tanong ni Asha ng magkasabay kaming lumabas ng condo unit niya. Kasalukuyan kaming nasa elevator ngayon.

"Inaya ako nila Lian lumabas." She nodded at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na kanina ko pa ginagawa sakanya. I'm wearing a casual high waisted jeans and a simple shirt with denim jacket. While asha's wearing a silk black blouse tucked in her fitted black jeans with a paired of heels kaya tumangkad siya ng konti at abot sa balikat ko.

"Let's go, I'll give you a ride." Hindi na ako nakapalag ng hawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad patungo sa sasakyan niya.

Tahimik lang akong naupo sa passenger seat at agad naman siyang nagsimulang magmaneho. Pinaglaruan ko na lang ang nakadisplay na mga bagay sa kotse niya para libangin ang sarili ko.

"What time will you be back home? I'll fetch you."

"Hindi na kailangan.." tumikhim ako.. "You should enjoy your time with that.. Marcus."

Agad niya naman akong nilingon matapos mai-park ang sasakyan sa mall kung saan kami magkikita nina Lian.

"What's with you Justine?" Tila amused siya sa inaasal ko ngayon hanggang sa parang may namuong idea sa utak niya na nagpasilay ng ngiti sa labi niya.

"Hindi ako nagseselos." Defensive ko agad na bira na pinagsisihan ko rin. Fuck.

Mas lalo pang lumawak ang ngiti niya dahil sa sinabi ko at humarap na sa'kin ng tuluyan.

"Marcus is my best friend in college, who's now my cousin's husband. Actually kababalik lang nila from their honeymoon and they're asking to meet me, both of them." Marami pa  siyang sinabi tungkol kay Marcus at sa pinsan niya na asawa nito pero halos parang nabingi na ako ng marinig ko 'yung salitang husband.

All this time I'm..nevermind.

"T-thank you sa paghatid." Nauutal na sambit ko at hindi makatingin ng diretso sakanya dahil sa inasal ko. Nakakahiya!

"Where's my goodbye kiss?" Nakangiting sambit niya at inilapit Ang mukha sa'kin kaya mas lalong namula ang pisngi ko.

"Asha.."

"You don't have to be jealous of anyone Justine because I only want you." Then she give a quick kiss on my lips na nagpatulala nanaman sa'kin

Langya.

------

Happy Friday everyone! I hope y'all are doing okay, be safe hoomans (^^)

Inner NymphoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon