Ch.7|Intoxicating Lips
HINDI ako mapakali at patuloy na pinaglalaruan ang mga daliri ko habang pinagmamasdan si Asha na kasalukyang nagsasalin ng kung anong alak sa baso niya.
Mukha na siyang kalmado kumpara kanina pero ako naman ngayon itong hindi magawang kumalma.. dahil nandito nanaman ako sa condo niya.
Matapos ang tahimik na byahe ay hindi ko namalayan na dito niya ako dinala at nakita na lang ang sariling nakaupo sa couch ng living room niya at katabi pa mismo siya.
Dito.. sa lugar kung saan.. hayss. Ayaw ko na lang isipin kung paano ko nagawa ang bagay na 'yon.
"A-asha, paano 'yung trabaho ko baka hinahanap na ako nila ate Elise--"
"Drink."
Nagulat ako ng itulak niya palapit sa 'kin ang isang basong naglalaman ng 'di ko malamang inumin pero nasisiguro kong nakakalasing 'yun.
"Hindi ako pwedeng uminom, may klase ako bukas."
Napalunok na lang ako ng makitang hinubad niya ang blazer na suot niya at tumambad sa 'kin ang manipis niyang panloob, another silk blouse perfectly hugging her shapes.
"Then just sit here and accompany me."
Hindi na ako nagsalita dahil mukha namang wala siyang balak na kung ano ngayong gabi. Kakaiba rin ang expression ng mukha niya, wala ang nang-aakit na ngisi niya sa tuwing hindi ko maiwas ang tingin sa katawan niya.
Parang gusto niya lang talaga ng makakasama, hindi ko ganoong mabasa kung ano ang nakapaloob sa mga mata niya pero nakakasiguro akong hindi 'yon maganda.
Siguro dahil sa nangyari kanina.. dahil sa pagtatalo nila ng babaeng kasama niya. Hindi ko alam kung anong meron sakanila pero ramdam kong nagkakaganito siya dahil doon.
Napatingin akong muli sa baso ng alak sa harap ko na tinulak niya kanina. Hindi ko alam pero parang nang-aakit ito na inumin ko, hindi pa ako kailanman nakatikim ng anumang alak, pero naisip kong hindi na ako bata para limitahan ang sarili ko sa mga bagay.
Isa pa.. wala namang magulang na magbabawal at mag-aalala sa 'kin.
Sa isiping 'yon ay namalayan ko na lang ang sariling hawak ang baso, napansin ko pang bahagyang napalingon sa 'kin si Asha ng gawin ko 'yon. Tinikman ko muna ito at ng masigurong pasok siya sa panlasa ko ay agad ko ng ininom lahat.
Bakit ganun? Parang gusto ko pa?
Ganito ba talaga ang alak? Kaya ba maraming kabataan ang nahuhumaling dito? Siguro dahil panandalian nilang nakakalimutan ang problema.
"Where's your parents, Justine?"
Napalingon ako kay Asha dahil sa tanong niya. Wala sa sarili akong nagsalin muli ng inumin.
"I don't have one.. I grew up as an orphan."
Napansin kong medyo napatigil siya sa pagsalin ng inumin sa baso niya pero agad niya rin naman itong ipinagpatuloy.
"Ikaw? Why are you alone here? Asan ang mga magulang mo?" Balik tanong ko sakanya.
Bahagya siyang napahintong muli bago tuluyang inumin ang alak sa baso niya.
"They're in France, my family's living there for good."
France. Ano kayang pakiramdam kapag hindi mo kasama ang magulang mo pero alam mong nasa ibang lugar lang sila. Hindi katulad kong walang kaalam-alam kung asan sila.
"Bakit hindi ka nila kasama?" Pinaikot-ikot ko ang basong may alak sa daliri ko habang pinagmamasdan ang yelo sa loob nito.
"I prefer to be alone and independent." Simpleng sagot niya pero pakiramdam ko ay hindi niya lang ito gustong pag-usapan. Kaya naman tumango na lang ako, hudyat na naiintindihan ko.
BINABASA MO ANG
Inner Nympho
RomanceNympho - a woman with very strong sexual desire. Started: August 2021 Continued: October 10, 2021 & March 2022 Finished: ONGOING Book Cover from Canva - https://www.canva.com/