XII - Frustrated

1.1K 62 7
                                    

XII - Frustrated

"I'm doing this.. because I like you."

"Ewan ko sa'yo." Tanging sagot ko lang at narinig ko pa ang mabining pagtawa niya bago ako tuluyang pumasok sa passenger seat ng kotse niya.

Gusto ko na lang matapos ang araw na 'to.

"Pano ang trabaho ko?" Tanong ko habang nagmamaneho siya papunta sa lugar na hindi ko alam.

"I'm the boss kaya ako ang masusunod." Parang wala lang na sagot niya kaya napabuntong-hininga na lang ako at pinagmasdan ang tanawin sa labas ng bintana ng kotse niya.

"You look hot when you're all sweaty by the way, also when you're wearing your uniform just like now." I act like I didn't heard what she said and put my bag on my lap, covering something in case she's staring.

I heard her laugh bago natahimik na ang paligid at patuloy na siyang nagmaneho. Yeah, i'm still wearing my jersey shorts and a hoodie na kasama rin ng basketball uniform na ibinigay ni coach. My socks are also quite long, covering half of my legs.

Napatingin ako sa labas ng tumigil na siya sa pagmamaneho. Tama nga ako ng iniisip na sa isang kilalang mall niya ako dadalhin. Balita ko rin na may branch dito ng perfume store niya. Alam ko lang dahil marami akong kaklase na humaling na humaling sa pabango sa store niya. Idol nga raw nila si Asha eh.

She always smell nice no?

Tudyo ng utak ko pero hindi ko na lang ito pinansin at bumaba na ng sasakyan. Asha's walking beside me na parang siya ang reyna ng daan. Hanggang sa nagulat na lang ako ng matapilok siya and so out of reflexes I catch her.

My hands are firmly holding her hips habang ang braso niya naman ay nakatukod sa may dibdib ko. My heart's racing dahil sa pagkagulat at takot, alam kong ganoon din siya dahil hanggang ngayon ay nakapikit pa rin ang mga mata niya.

She slowly open her eyes na agad na nagpalunok sa'kin. Halos isang linggo na kaming magkasama sa iisang bubong pero ni hindi ko siya tiningnan sa mata kahit isang beses. Iyon ay dahil alam kong mangyayari 'to. Na malulunod ako at hindi makakapag-isip ng tama.

Ayaw mo lang kasing aminin but you're crushing on her hard that you even steal glances kapag hindi siya nakatingin!

Dahil sa naisip ay agad akong napakalas at lumayo sakanya, muntik pa siyang mapatumba dahil doon, mabuti na lang at nakatayo siya agad ng maayos.

"L-let's go." Nauna na akong maglakad habang dinadama ang mabilis na tibok ng puso ko, pinagpapawisan din ako ng sobra sa hindi ko malamang dahilan.

Una kaming pumasok sa clothing area at malamang sandamakmak na damit ang ibibili niya sa'kin kung hindi ko pa binalik ang iba.

"Why do you hate me buying you stuffs anyway?" Panimula niya habang papasok kami sa shoe store. Kanina pa ako tahimik at tanging tango lang at iling ang sagot kapag nagtatanong siya.

Mabuti na lang at biglang sumulpot 'yung saleslady at nagsalita kaya naman nakuha nito ang atensyon ni Asha. Ngumiti sa'kin ng pagkatamis-tamis ang saleslady kaya naman sinuklian ko ito ng tipid na ngiti. Nakaramdam pa ako ng kurot sa tiyan ko dahil doon at pinagmasdan si Asha na namimili na ngayon sa mga sapatos na naka-display.

Namangha naman ako kaya agad akong sumunod sakanya. Napako ang tingin ko sa isang kulay asul na sapatos. Sobrang ganda kaso ng makita ko ang presyo ay nanghina ako agad. Sobrang mahal naman nito.

"Miss.. we're getting this." Nagulat ako ng biglang ituro ni Asha ang sapatos na tinititigan ko kaya agad akong napatingin sakanya.

"Asha Hindi!" Sinubukan kong umalma pero hindi niya ako pinakinggan.

Inner NymphoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon