XIII - Training Camp

1K 52 0
                                    

XIII|Training Camp

DALI-DALI akong tumakbo papasok ng University. Bitbit ang gym bag ko na naglalaman ng mga gamit ko para sa tatlong araw na Training Camp namin sa isang private property ng kaibigan ni Coach Kris. Sinasabi ring renowned Coach Ito ng basketball team na nakapaglaro na Internationally. Kaya naman lahat ay namamangha.

"Justine! Finally you're here." Para namang nakahinga ng maluwag si Lian ng makita ako.

Pagkagising ko kasi matapos ang.. panaginip na 'yun sinigurado ko munang wala na si Asha bago ako tuluyang kumaripas ng takbo palabas ng condo niya. Wala kasi akong mukhang maihaharap sakanya. Panigurado babalik lang sa isip ko ang panaginip na 'yun kapag nakita ko siya.

"Pasensya na hindi ko namalayan ang oras." Palusot ko na lang at agad naman na kaming nagtungo sa school bus na gagamitin namin. Mabuti na lang at provided naman ng School lahat ng gastusin.

'Yung fee na sinasabi ni Coach Kris ay babayaran ko na sana gamit ang naipon ko sa pagtatrabaho sa bar, pero it's already paid at alam ko kung sinong nagbayad. Asha's a friend of Coach Kris kaya malamang siya ang nagbayad ng hindi sinasabi sa'kin.

Pagkarating namin sa kinalalagyan ng school bus ay nandun na lahat, kami na lang ni Lian ang wala. Si Trina kasi Kung hindi ko pa nababanggit ay siya ang aming Team Captain at kailangan nauna siya talaga sa loob ng Bus para siguraduhing andun ang lahat kaya naman si Lian lang ang naghintay sa'kin.

Inabot namin kay Coach Kris ang papel na may pirma ng guardian namin bago pumasok sa bus. Pagkagising ko ay nakita ko na lang sa bedside table ito na may pirma na. Siguro maagang pumasok si Asha or may importanteng pinuntahan.

Ngumiti ako kay Trina at sa iba naming teammates bago naupo sa pinakalikod, dahil iyon na lang ang bakante. Katabi ang baguhan ko ring ka-team habang si Lian naman ay katabi si Trina.

"Hi Brie." Bati ko ng may ngiti sakanya na sinuklian niya naman ng ngiti. Pansin ko ring hindi siya makatingin ng maayos sa'kin.

Nakalaro ko na as a team and rival si Brie dahil sa mga practice namin kapag hinahati ang team sa dalawa, she's really good specially sa defense hirap akong lusutan siya.

Agad namang umandar ang bus matapos ang ilang minuto at sinumulan na ang biyahe patungo sa training area namin. Dahil nakaramdam ako ng antok ay mas pinili ko na lang na matulog muna.

Naalimpungatan ako dahil sa mahihinang tapik na naramdaman ko sa pisngi ko. Once na imulat ko ang mata ko ay mukha kaagad ni Brie ang bumungad sa'kin. Mukhang nakatulog pala ako sa balikat niya.

"We're here Justine." Agad naman akong umayos ng upo.

"Sorry Brie, dapat ginising mo 'ko nangalay ka pa tuloy." Umiling-iling naman siya ng medyo namumula ang pisngi.

Tinawag na kami ni Trina kaya agad na kaming bumaba at bumungad kaagad sa'min ang magandang tanawin. It's like a forest but more of a garden, a private one dahil halatang alaga ito dahil properly trimmed ang mga halaman dito. Nagmukha lang siyang forest dahil sa mga naglalakihang puno. Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa narating namin ang isang bahay, actually matatawag na siyang mansion.. dahil sobrang laki nito as in.

Isang matangkad na lalaking mukhang nasa mid-20's naman ang lumabas mula dito.

"Kris, I'm glad that you all got here safe." Baritone ang boses nito at napakamanly niya. Yung tipo ng mga babae, gwapo at malaki ang pangagatawan, halatang alaga sa gym.

"Yeah, I haven't seen you in a while Jonathan. Girls this is Jonathan Dawn, he owned this property so be good okay?" Yumuko naman kami bilang pagbati sakanya na tinugunan niya naman ng ngiti. Mukha naman siyang mabait. Meron lang something sa aura niya na parang nagsasabi sa'kin na lumayo ako. Pero hindi ko na lang iyon pinansin at sumunod sakanila ng patuluyin niya kami sa loob ng mansion.

"I know I said this will be a training camp, but sadly nagkaproblema sa materials sa ating camping kaya naman I asked a favor for Ethan para bigyan tayo ng rooms for 2 nights and gladly they have alot of guest rooms here."

Marami pang ipinaliwanag si Coach pero sa huli ay nakarating din kami sa kanya-kanya naming kwarto. Si Brie ang roommate ko dahil kung sino ang katabi namin sa Bus ay 'yun na rin ang naging roommate namin.

Mabuti na lang separate single beds naman ang meron and the room is really spacious. Basta nag-iingat lang ako, siguro ay hindi naman malalaman ni Brie ang tungkol sa sikreto ko.

3 days and 2 nights kaming mananatili dito. Sabi ni Coach ang 2 days doon ay real trainings, sa field dito sa lugar na to habang ang natitirang isang araw ay pwede naming gawin kung ano ang gusto namin. Free day kumbaga.

"Okay." Bumalik na ang striktong aura ni Coach kaya alam naming magsisimula nanaman ang totoong training.

"Since the main purpose of this is to improve the teamwork, we will gonna do a partnered drills today."

Nagsimula na ang sinasabi ni Coach na partnered drills, halos lahat ng ka-team ay nakapartner namin sa iba't-ibang drills dahil nirarandom ni coach Ito, para daw lahat ay makilala namin.

Minsan pa ay nakatali ang Isa sa mga paa namin sa paa ng kapartner namin saka kami tatakbo at lalampasan ang mga butas ng gulong at obstacles sa pagtakbo namin.

Hingal na hingal akong napaupo sa field matapos ang buong araw na pratice. Pinatigil naman kami ni coach para kumain at may mga ilang water breaks din. Pero sobrang pagod pa rin.

"You can take a shower first Justine, I need to call my mom pa eh." Banggit ni Brie ng makapasok kami sa room namin kaya tumango na lang ako. Sa sobrang pagod ay gusto ko na lang makaligo at makahiga na sa kama pagkatapos.

Habang nagsa-shower ay naririnig ko ang mumunting  tawa ni Brie habang kausap ang mommy niya sa telepono. Hindi ko maiwasang hindi mainggit dahil may magulang siya na nagungumusta sakanya, na sinisigurong ligtas siya ngayon.

I turn off the shower and wipe myself at nagbihis ng komportableng damit, I'm not wearing my compression shorts but a boxer instead at siniguro kong makapal ito at hindi mahahalata, bago tuluyang lumabas ng banyo at nagpatuyo ng buhok.

Matapos makapagpatuyo ng buhok ay sumalampak ako sa kama at balak na sanang matulog ng may tumunog sa bulsa ng bag ko kaya agad ko naman iyong tiningnan.

A phone?

Kailan pa ako nagkaroon nito? Tanong ko sa sarili, wala akong phone dahil hindi ko pa afford na bumili nito. Halatang bago lang, binuksan ko ito at agad na bumungad sa'kin ang pangalan ni Asha. Isang text message pala ito galing sakanya.

Asha.

I hope you like the phone. I put this in your bag to make sure I can contact you in case something happen.

Ibang klase talaga siya. Dahil sa pagod na rin ay hinayaan ko na lang at hindi na nagreply pa, nahiga akong muli sa kama at agad na dinalaw ng antok dahil sa maghapong pagod sa training.

---

Naalimpungatan ako dahil sa biglang pagkatok ng kung sino sa kwarto. Pupungas-pungas na naglakad ako patungo sa pinto at hinawakan ang door knob.

Sobrang dilim na ng paligid at tanging malakas na hangin lang mula sa labas ang maririnig. Iwinaksi ko sa isipan ang takot na namumuo dito ata dahan-dahang binuksan ang pinto. Pero walang taong bumungad sa'kin.

Babalik na sana ako sa loob para matulog muli ng tumama ang paa ko sa isang bagay at ng tingnan ko ay isa itong maliit na kahon. Curious na kinuha ko Ito at binuksan pero agad na nabalot ako ng takot ng makita ang sarili kong litrato sa loob nito.. litrato kong may bahid ng dugo.

I'll kill you.

Nabitawan ko ang kahon dahil sa nabasa, nakasulat ang mga salitang iyon sa litrato ko gamit ang malansang dugo na talaga namang nagpabigat sa sikmura ko. Tumingin ako sa paligid pero wala ni isang tao sa labas. Nararamdaman ko ang panlalamig ng buo kong katawan.

Nanginginig man ang mga kamay dahil sa takot ay agad kong pinulot muli ang kahon at itinago Ito sa isang gilid kung saan alam kong walang makakakita dito bago ako bumalik sa higaan. Binalot man ng takot ay pinili ko na lang itong iwaglit sa aking isipan at pinilit ang sariling matulog.

Sino ang may balak pumatay sa'kin at bakit?

Inner NymphoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon