Ch.8| Try Out
MABILIS kong 'tinali ang sintas ng sapatos ko at pinagmasdan ito.
Lumang-luma at halos tuklap na ang balat nito, nakuha ko pa ito bilang regalo mula sa isang babaeng palaging nagpupunta sa kumbento tuwing araw ng kapaskuhan at nagbibigay ng regalo sa mga bata sa ampunan.
Araw ngayon ng try out sa basketball at ito lang ang tanging sapatos na meron ako, nakasuot ako ng isang T-shirt at jersey shorts na binili ko sa murang halaga gamit ang konting naipon ko sa pagtatrabaho sa bar. Ito raw kasi ang kailangang suotin ngayon, at kapag naman nakapasa sa try out ay libre nilang ibibigay ang uniform dito.
Napahinga ako ng malalim, hindi naman nagkulang sina Lian sa pagtuturo sa akin. Tinulungan nila akong mag-improve, physically and mentally. Masasabi ko namang nakukuha ko at natutunan ko lahat ng itinuro nila sa practice, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan, habang pinagmamasdan ngayon ang iba pang kasama ko sa pagtry out, mukha silang magagaling at eksperto na.
Mas lalong sumibol ang kaba ko ng lumabas na ang babaeng coach, ng women's basketball team, mula sa dressing room at ginamit ang sipol niya, para tipunin kami. Wala pa sina Lian dahil may inaasikaso lang daw pero susunod din sila agad para manood. Agad kaming pumila sa harap ni coach na parang mga sundalo.
"I'm Veronica Kris Sebastian, call me Coach Kris. Okay, we have ten, yeah ten of you here, who wants to be a part of our team but.. we only need five, five new members so.. good luck sa mapipili today."
Five? Mas lalo akong kinabahan, paano kung hindi ako makapasok? Sayang naman 'yung effort nina Trina sa pagtuturo sa'kin.
Paglingon ko pa sa paligid ay halos lahat ng magta-try out ngayon ay kasama ang mga kamag-anak nila para suportahan sila. Ang iba ay kasama ang kapatid at mga pinsan nila, may iba pang kasama ang magulang nila. Napayuko ako sa isiping ako lang ang nag-iisang walang kasama at sumusuporta sa'k--
"Good luck Justine!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yun at nagulat ako ng makitang si Natasha ang sumigaw, kasama niya na rin si Lian at Trina pati na rin si Kate ay kasama nila. Nag-thumbs up silang apat ng may ngiti, kaya naman sinuklian ko ang ngiting iyon. Hindi mapaglagyan ang saya ko. Wala man akong pamilyang kasama ay meron naman akong mga kaibigan.
Binigyan nila ako ng lakas ng loob.
Dahil doon ay huminga ako ng malalim at taas noong pumwesto sa court. Hinati nila sa dalawa ang court, ang kalahati ay para sa shooting at rebounding skills while the other half was for dribbling and defense.
Sinalo ko ang bolang ipinasa sa 'kin at sinimulan ang shooting sa three-point shots, hindi ka naging ganun kaganda ang resulta. Out of 50 balls ay 26 lang ang naipasok ko. Ito rin ang napansin ko sa mga practice namin nina Lian, na mahina ako sa shooting, pero sinabi naman nila na mag-iimprove pa ito at baka sa ibang aspeto lang ako magaling.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang pawis sa noo ko, umpisa pa lang ito. Tumakbo ako para sa rebound skills, dalawa kaming nasa magkabilang gilid na tatakbo palapit sa basket, pagalingan sa pag-rebound kumbaga.
Ng marinig ko ang pagpito ay agad akong tumakbo, mas matangkad ng konti sa 'kin ang kalaban ko kaya't lamang siya roon, pero kung sa pangagatawan lang ay advantage ko ang mala-atleta kong katawan, medyo may katabaan kasi ito kaya't hindi siya ganun kabilis tumalon.
Napangiti ako ng makuha ko ang bola sa rebound ng paulit-ulit sa mga nakalaban ko, hindi ko inaasahan na ganoon ako kataas tumalon.
Sumunod na ang dribbling at defense, naging maayos naman ang performance ko sa aspetong iyon dahil sa shooting lang naman talaga ang kailangan kong iimprove.
BINABASA MO ANG
Inner Nympho
RomanceNympho - a woman with very strong sexual desire. Started: August 2021 Continued: October 10, 2021 & March 2022 Finished: ONGOING Book Cover from Canva - https://www.canva.com/