IV. University

1.4K 56 4
                                    

Ch.4| University

ARAW NGAYON ng lunes at kasalukuyan akong naglalakad papasok sa Unibersidad na napili kong pasukan.

Sinubukan ko kasing mag-entrance exam sa lahat ng malapit na University sa apartment na tinutuluyan ko and gladly nakapasa ako sa halos lahat.

Napili ko itong University dahil bukod sa walking distance lang sa apartment, nakapasok din ako bilang scholar dahil sa mataas na markang nakuha ko sa examination nila.

Nakakatuwa dahil malaking tulong 'yun sa pag-aaral ko dahil malaking kabawasan 'yun sa magiging tuition fee ko habang nag-aaral dito.

Hindi ko pinansin ang tinging ipinupukol sa 'kin ng ilang estudyanteng madadaanan ko at binibigyan na lamang na maliit na ngiti ang mangilan-ngilang ngumingiti sa 'kin.

Kapansin-pansin kasi ang katangkaran at maputing balat ko. Minsan nga iniisip ko kung may lahi ba akong banyaga dahil sa kulay brown kong mata at matangos na ilong. Isama mo pa ang kutis at tangkad ko. Ngunit ipinagsasa-walang bahala ko na lang, dahil wala naman akong balak alamin kung sino ang mga magulang ko.

Matagal ng natapos ang pagkasabik kong makilala sila.

"Ikaw.. ikaw na ata ang hinahanap namin!"

Nagulat ako ng lumapit sa 'kin ang dalawang matangkad na babae, sa palagay ko'y halos kasing tangkad ko lang sila.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"Do you play basketball?"

The long-haired girl ask at sandaling pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Uh.. sorry but no. Hindi ako marunong."

Tanggi ko at ipagpapatuloy na Sana ang paglalakad pero hinarangan nilang muli ang dadaanan ko.

"It's okay.. just think about it. Pwede ka namang matuto."

Binigay nila sa akin ang isang maliit na parang calling card, nakalagay doon ang location ng gym at contact number.

"I'm Trina btw, and this is Lian.." turo niya sa kasama. "Part kami ng women's basketball team and habang maaga pa we're searching sa mga gustong sumali and.. we happens to see you. You have a perfect body and height so.."

Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin, besides hindi ito ang unang beses na nangyari ito pero hanggang ngayon kasi wala akong lakas ng loob na sumali sa mga ganyan.

"I understand.. pag-iisipan ko."

Ngumiti naman ako at nagpakilala na rin bago tuluyang nagpaalam sakanila. Mahirap na baka malate pa ko, unang araw pa man din.

"Justine? Classmate pala tayo eh."

Nakangiting umupo si Lian sa katabing upuan ko, nauna na kasi akong pumasok dahil nahanap ko rin naman agad 'yung classroom.

Bachelor of Science in Psychology nga pala ang kinuha kong kurso dahil iyon naman talaga ang gusto ko noon pa.

"Oo nga eh, buti may kakilala na ako agad."

Agad na natapos ang pag-uusap namin ni Lian dahil dumating na ang professor namin. Dahil nga sa unang araw pa lang naman ng klase ay puro introduction and rules and regulations pa lang, pati na rin ang syllabus ng magiging takbo ng pag-aaral sa buong semester.

"Justine, sabay na tayong maglunch papakilala kita sa mga friends ko."

Balak ko sanang tumanggi pero nahila na ako ni Lian palabas ng classroom kaya wala na akong nagawa.

Inner NymphoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon