Ch.3|Lesbian Bar
KABADO at makailang ulit akong napalunok bago tuluyang pumasok sa loob ng Bar.
Ito ang unang ara- gabi ko sa trabaho.
"Relax Justine, madali lang ang trabaho dito. Magsi-serve ka lang or maglilinis ng mga table tas okay na. Madali lang diba?"
Unti-unti namang gumaan ang pakiramdam ko ng tapikin ni ate Elise ang balikat ko at sinabayan niya rin ako papasok sa bar.
Malakas na musika kaagad ang bumungad sa 'kin at kumpol ng mga taong nasasayawan sa ilalim ng iba't- ibang kulay na ilaw.
Sa aming paglalakad ay napansin kong puro kababaihan nga ang nandito sa loob, as in wala ni isang napadpad man lang na kampon ni Adan.
Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang dikit na dikit na katawan ng ilang mga babae. May ilan pang kulang na lang ay maghalikan na.
Hindi naman na sa 'kin bago ang ganito. Kung di ko pa nasasabi ay Isa akong intersex, yun ang tawag sa 'ming mga taong may dalawang kasarian. Tulad ko, Isa akong babae ngunit may parte akong tulad ng isang lalaki. Sabi nina sister special daw ako kaya naman hindi ko kailanman kinahiya ang pagkatao ko, pero gayon pa man takot din akong malaman ito ng ibang tao.
"Isuot mo na 'to Justine."
Ibinigay sa 'kin ni ate Elise ang isang dark brown na apron na mayroong dalawang malaking bulsa at sa loob ay naroon ang pangspray at pamunas sa mga table.
Matapos itong isuot at ipusod na rin ang hanggang balikat kong buhok ay agad na kaming lumabas ng dressing room, marami kasing tao sa bar kaya kailangang magmadali. Naipakilala rin ako ni ate Elise sa ibang magiging katrabaho ko at mukha naman silang mababait pero ako nga talaga ata ang pinakabata sa aming lahat.
"Sa table 6."
Tumango ako sa babaeng nag-aarange ng mga orders, bukod kasi sa mga liquors ay may mangilan-ngilan ding finger foods na sini-serve kasama nito.
"Can I get three more glass of this, cutie?" Tukoy ng babae sa inuming nai-serve ko sakanila at agad naman akong tumango na may ngiti.
Kailangan galingan ko sa trabaho para tumagal ako rito.
"Do you need anything else mam?" Tanong ko sa babae matapos na iserve muli ang hiningi niya, tatlo silang babae dito sa isang private table.
Naramdaman ko naman ang pasimpleng paghaplos niya sa braso ko, pataas sa balikat at may inilagay siya sa maliit na bulsa ng apron ko-- sa may bandang dibdib na 'tila lalagyan ng pera.
"That's your tip babe, thank you for the good service."
Dumampi ang labi niya sa pisngi ko bago niya ako tuluyang bitawan at narinig ko pa ang kantyaw ng mga kaibigan niya bago ako tuluyang lumayo sa table nila.
Una pa lang ay nabanggit na sa 'kin ni ate Elise na may mga ganitong pangyayari talaga kaya inihanda ko na ang sarili ko.
Pinahid ko ang pisngi upang tanggalin ang lipstick stain na iniwan ng babae at binigyan ng sulyap ang maliit na bulsang lalagayan ng tip at nagulat ako ng makitang isang libo ito.
Ang laki naman nito para sa isang tip.
Pinagpatuloy ko ang trabaho at halos lahat ng table na napagsi-serve-an ko ay binibigyan ako ng tip, matapos ang pasimpleng paghaplos sa braso, halik sa pisngi at minsan pa'y may nagtatangkang humalik sa labi ko na agad ko namang iniiwas.
May mangilan-ngilan ding pinauupo ako sa tabi nila pero tumatanggi ako dahil nabanggit din ni ate Elise na pwede kaming tumanggi, dahil ang trabaho lang naman namin ay ang magserve sakanila. Kapag nangyayari yun ay panandaliang lumilingkis na lang sa braso ko ang babae at halos idikit niya na ang katawan niya sa 'kin, agad naman akong umiiwas dahil nararamdaman ko na ang parte ng katawan nitong hindi ko dapat maramdaman.
BINABASA MO ANG
Inner Nympho
RomanceNympho - a woman with very strong sexual desire. Started: August 2021 Continued: October 10, 2021 & March 2022 Finished: ONGOING Book Cover from Canva - https://www.canva.com/