XIX|Feelings
KASALUKUYAN kaming tumatakbo sa field ni Lian bilang parusa sa pagkalate namin sa practice.
Next week ay magaganap na ang Inter-High it's Friday today so techinically it's in two days, kaya naman halos wala na kaming ibang ginawa kundi magpractice ng magpractice.
Umaga pa lang kaya medyo may kalamigan pa, mukhang magiging malamig ang panahon. Sana naman 'wag umulan mamaya.
Bigla namang sumagi sa isip ko si Asha pagkagising ko kasi wala na siya sa condo, pero hindi ko inaasahan na nagluto siya ng breakfast at nag-iwan lang ng sulat na kailangan niya raw pumunta sa trabaho, sa office niya, sa main branch ng perfume shop niya dahil may importanteng tao daw siyang kakausapin.
Nagluto siya ng hotdogs and eggs actually muntik ng masunog, pero okay pa naman ito. Nakakain pa naman at nag-effort siyang magluto para sa'kin kaya inubos ko ang breakfast ko.
Pero sino kaya 'yung importanteng taong imi-meet niya?
"Justine.."
Ngayon lang kasi siya pumasok ng sobrang aga.
"Justine!" Napatigil ako at agad na napalingon kay Lian ng hilahin niya ako dahil muntik na pala akong bumangga sa poste.
"Are you okay? You seem distracted this past few days." Agad na tanong ni Lian, naupo kami sa isang bench at hinihingal na nagpunas ng pawis.
I'm distracted by one person in my mind.
"Come on Justine, spill it."
Napatingin naman ako kay Lian, kaibigan ko siya at siguro naman walang masama kung sasabihin ko sakanya ang tungkol sa'min ni Asha.
"Uh.. paano mo malalaman kapag gusto mo ang isang tao?"
She chuckles.."I see.. you know what Justine the fact that you're asking about this right now means.. that it bothers you.. and you constantly think about it. Which means that person is always on your mind. Dahil kung hindi mo naman siya gusto hindi dapat siya ganun kadalas tumambay sa isip mo at Hindi ka sana namomroblema ng ganiyan."
Napaisip naman ako sa sinabi ni Lian. Oo nga naman, kung hindi ko gusto si Asha, hindi ako mag-aaksaya ng panahon at agad sasabihin 'yun sakanya para wala na akong iisipin pa.
"Do you think about this person alot?" Tumango ako.
"Do you get jealous when someone's trying to get his attention?" Tumango ako.
"She's a her actually." Gulat naman siyang napatingin sa'kin.
"Oh.. really? Who's she Justine?" Napalunok ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.
"It's.. Veron." Ilang minuto siyang naging tahimik bago bigla na lang tinapik ang braso ko at parang timang na tumili.
"I knew it! I can sense na may iba sa mga tinginan niyo sa tuwing magkasama kayo eh." Pinamulahan naman ako ng pisngi dahil doon. Ganoon ba kami kahalata?
"She wants to be my girlfriend and I think.. I-I like her too." Pag-amin ko sakanya kaya naman napatango siya.
"Then go get her Justine, Isa pa the inter-high is in two days and we don't want you distracted throughout the game." Tama siya, kung ganitong gumugulo sa isip ko si Asha mawawala ako sa focus at hindi 'yun maganda.
I'll tell her about it later.
----
"Okay dismissed! Remember Rest for two days, understood?"
BINABASA MO ANG
Inner Nympho
RomanceNympho - a woman with very strong sexual desire. Started: August 2021 Continued: October 10, 2021 & March 2022 Finished: ONGOING Book Cover from Canva - https://www.canva.com/