VI. Try and Train

1.3K 46 0
                                    

Ch. 6|Try and Train

"When passing the ball, you should form your hands like this.. like your gonna push something heavy off ur chest but instead, it is the ball that you'll push. Do you get me?"

TUMANGO ako kay Lian at sinubukang gawin ang sinabi niya. I hold the ball at nilagay ko ang magkabilang kamay in front of my chest like I'm gonna push something heavy and with a right amount of force na ipinaliwanag niya rin kanina. I pass the ball to her and she thumbs up ng magawa ko 'yun ng maayos.

We're currently here sa gym ng school, medyo dumidilim na rin kaya bilang na lang ang mga taong nandito sa loob ng school dahil kanina pa nagsi-uwian.

For the past two weeks Trina and Lian has been teaching me basketball. Actually nag-start kami sa physical strength ko dahil halos isang linggo muna nila akong pinatakbo or jogging everyday then may push ups, curl ups and ibang exercises na makakapagpalakas ng muscles ko.

And now.. we're on the point ng mismong pagtuturo na nila sa 'kin ng mga basics at techniques sa baskteball. Fast learner naman ako kaya agad ko ring nakukuha ang mga itinuturo nila. Ngayon ay si Lian na lang ang kasama ko dahil maagang nagpaalam si Trina, may family dinner daw.

"I think hanggang dito na muna tayo Justine, you're really great. Ang bilis mong matuto at siguradong once na magkaroon na ng try outs ay magaling ka na at makakapasok kaagad."

Ngumiti ako kay Lian habang nagpupunas ng pawis.

"Ang galing niyo magturo eh."

Kinuha na namin ang mga gamit namin at nag-umpisa ng maglakad palabas ng gym. Yung invitation nila ni Trina sa 'kin na maging part ng team ay hindi nawala-wala sa isip ko, hanggang sa tuluyan na rin akong pumayag because they reassure me na tutulungan nila ako sa pagti-train.

"Naku.. Justine sorry ha pero kailangan ko ng mauna. Dumating kasi si Mom ngayon and I'm excited to see her."

"Okay lang Lian you can go, Thank you ha."

Tumango siya at tinapik ang braso ko bago nagmamadaling naglakad palabas ng gate, tanaw ko pang may isang may edad na babaeng nakatayo sa tabi ng kotse ang nilapitan niya, mukha pang gulat si Lian. Siguro, 'yun ang Mom na tinutukoy niya at sinorpresa siya nito.

Nakita ko kung paano sila nagyakapan ng mahigpit, halatang miss na miss nila ang isa't-isa.

Naisip ko tuloy.. ganyan din kaya kami ng mama ko kapag nagkita kami? Napangiti na lang ako ng mapait, parang bigla akong nalungkot ng maisip ko siya.

Para kasing ang sarap sa pakiramdam ng yakap ng ina.

"Justine? "

Nagbalik ako sa reyalidad ng may humawak sa braso ko. It was Natasha at mukhang pauwi na rin siya.

"Why are you still here?"

"Ano, nagpractice kami ng basketball ni Lian."

Tumango naman siya ng may ngiti at inilingkis ang braso niya sa 'kin.

Natasha's really clingy, madalas niyang gawin ito sa tuwing nagkakasama kami.

"Ikaw ba't nandito ka pa?"

Puna ko ng makalabas kami sa gate ng school at ngayon ay naglalakad papunta sa waiting shed.

"Pinatawag kami for a meeting regarding the cheering squad."

Tumango naman ako, member nga pala si Natasha ng Cheering squad, silang dalawa ni Kate.

"Hey Justine.. how 'bout let's hang out for a bit?"

"Naku Nat sorry pero kailangan ko nang umuwi, may trabaho pa 'ko eh."

Agad na tanggi ko, dahil halos dalawang oras na lang din ay mag-uumpisa na ang trabaho ko sa bar.

Speaking of.. two weeks na rin ang nakalilipas matapos ang mga pangyayari sa bahay ni Asha at two weeks ko na ring ginagawa lahat ng pwede kong gawin para iwasan siya.

Nagtagal pa ako sa banyo ng ilang minuto nang araw na 'yun bago ko naisipang sumilip sa labas at nang makita kong walang tao ay lumabas na ako ng banyo, sumilip ulit ako sa labas para makita kung asan sila pero hindi ko sila nakita kaya ginamit ko ang pagkakataong 'yun para tumakas. Wala na rin kasi akong mukhang maihaharap kay Asha dahil sa nangyari.

"Oh, you work?"

I shake off the thought about her again and focus back on Natasha. Andito na rin naman kami sa waiting shed at paniguradong may sundo 'to si Natasha.

"Oo."

Tumingin ako sakanya ng unti-unti niyang ibaba ang kamay niyang nakalingkis sa 'kin at pinagsaklop ang mga kamay namin. Mukha namang wala lang 'yun sakanya kaya hindi ko na rin pinansin. Baka ganto lang talaga siya sa mga kaibigan niya.

"Justine can you accompany me muna dito habang wala pa ang sundo ko?"

Iyon naman talaga ang balak ko dahil nga sa madilim na, baka kung ano pang mangyari sakanya at hindi naman 'yun kakayanin ng konsensiya ko. Tumango ako at pareho naming tahimik na pinagmasdan ang iilang taong dumadaan at mga ilaw sa paligid.

Napadako naman ang tingin ko sa kabilang banda at ganun na lang ang kabog ng dibdib ko ng makita ang babaeng pilit kong iniiwasan sa nakaraang dalawang linggo.

Asha..

She's talking to a woman.. mukha ngang nagtatalo sila sa kung ano eh. Nakikita ko ang frustrations sa mukha ni Asha, hindi ko lang alam doon sa kausap niya dahil nakatalikod ito sa 'kin.

They are beside Asha's car throwing words to each other na Hindi ko marinig dahil medyo malayo naman sila.

I was about to look away pero huli na dahil agad na nagtama ang mga mata namin ng mapalingon siya sa direksyon ko.

"Oh, there's my car Justine."

Napalingon ako saglit kay Natasha ng bahagya niyang pisilin ang kamay kong hawak niya at wala sa wisyong napatango. Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa pisngi ko bago tuluyang magpaalam at pumasok sa sasakyan niya.

Hindi ko agad nairehistro ang pangyayari dahil ibinalik ko kaagad ang tingin kay Asha.. she's looking at me with something in her gaze and I'm positive that she's not amused on what she saw.

Nakita ko kung pano niya talikuran ang kausap at sumakay ng kotse, hudyat ng pagtatapos ng argumento nila ng kung sino mang kausap niya.

Napatulala pa ako ng ilang minuto sa kawalan hanggang sa tumigil na lang ang sasakyan niya sa tapat ko. She roll down the window and look at me.

"Get in."

May diin niyang saad pero hindi ko nakakalimutang dapat akong umiwas sakanya.

"Hindi a-no, m-maglalakad na lang ako. Malapit lang naman eh--"

"Just get the fuck in, Justine!"

Nang bahagyang tumaas ang boses niya ay wala akong nagawa kundi sundin siya. Alam kong galit siya dahil sa hindi ko malamang dahilan at natatakot akong sa 'kin niya iyon ibunton kapag hindi ko pa siya sinunod.

Tahimik ang naging byahe namin, wala ni isang nagsasalita. Hindi ko rin alam kung san niya ba ako balak dalhin dahil hindi ito ang daan papunta sa bar.

"A-asha, saan ba tayo pupunta? May trabaho pa ako sa bar mo--"

"You'll accompany me tonight."

Inner NymphoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon