XVII|Taking Things Slow
PAWISAN akong lumabas ng kwarto dahil nakasanayan ko ng mag-exercise tuwing umaga dahil isa 'yun sa bilin ni coach. Dapat daw kahit wala sa training o gym ay may disiplina kami sa sariling katawan.
It's six in the morning kaya panigurado kong tulog pa si Asha, she usually wake up at 7 or 8 in the morning. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig dahil sa hinihingal pa ako.
Today is Saturday at wala akong pasok, well except sa bar mamaya. Medyo matagal-tagal na rin akong nagtatrabaho doon kaya sanay na sanay na ako. Kahit may ilang absences ako na dahil din naman sa magaling kong boss.
Nagsimula na akong magluto ng almusal. Dahil sa wala namang pasok ay heavy breakfast ang magaganap today.
Isa-isa kong inilapag ang sinangag, hotdogs, bacon and egg sa mesa. Bumalik ako sa kitchen counter para magtimpla ng coffee para kay Asha. Hindi kasi ako umiinom nito, gatas ang gusto ng katawan ko kaya iyon lagi ang itinitimpla ko sa sarili.
"Good morning.." Napalingon ako sa likuran ng marinig ang boses ni Asha. Kakapasok niya lang sa kusina at mukhang kakagising niya lang din dahil sa medyo magulo pa ang buhok niya at humihikab.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa itsura niya. She usually look very classy and elegant when she's outside. Pero mas paborito ko 'yung ganitong ayos niya. Siguro dahil ako lang ang nakakakita nito?
"Good morning.." bati ko rin at naglakad na pabalik sa hapag bitbit ang kape niya at gatas ko.
"Oh.. this looks yum." She tie her hair into a messy bun at hindi ko alam pero napaiwas ako ng tingin. She's wearing her usual oversized shirt and very short shorts and without bra as usual.
I clear my throat.. "let's eat."
Ngumiti siya at naupo na sa hapag kaya ganoon na din ang ginawa ko. I sip some milk first.
"You drink milk instead?" Napatingin naman ako sakanya dahil para siyang natatawa ng tanungin niya 'yun.
"Yeah." Naguguluhang balik ko sakanya. Ano namang problema dun?
"You're really still a baby Justine." She replied chuckling kaya naman namula ang pisngi ko dahil doon. Parang bigla akong nakaramdam ng hiya.
"I'm not! This is H-healthy kumpara sa kape and I'm i-im an athlete so I need to be healthy." Natahimik ako ng tahimik lang siyang nakatingin sa'kin at tila amused na amused dahil para akong Bata na pinagtatanggol ang sarili ko.
"Okay okay.. it's cool baby, it's fine." She pat my cheek lightly, na pansin kong nakasanayan niya ng gawin kapag magpapa-alam na siya or if she's enjoying my reaction tuwing inaasar niya ako.
Pero hindi kasi 'yun ang tumatak sa isip ko eh. Kun'di ang salitang tinawag niya sa'kin. I know we have something but I don't know yet what it is.
She's just waiting for your answer idiot!
Oo nga naman. We don't have a label because of me. I'm still trying to figure out what I feel about her... or am I just being in denial?
"Why aren't you eating?" Bumalik ako sa ulirat ng hawakan ni Asha ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa.
"You okay?" She looks worried kaya naman tumango ako at tiningnan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at mukha namang napansin niya 'yun kaya agad niyang inilayo ang kamay niya.
"Sorry." Napa-angat ako ng tingin ng marinig ang biglaang pagkabalisa not boses niya. Bumuntong hininga ako at nag-focus na lang sa pagkain.
Naging tahimik na si Asha sa buong pagkain namin. Parang bigla siyang nawala sa mood. Hindi ko alam pero medyo na-guilty ako kahit na wala naman akong ginagawa.
BINABASA MO ANG
Inner Nympho
RomanceNympho - a woman with very strong sexual desire. Started: August 2021 Continued: October 10, 2021 & March 2022 Finished: ONGOING Book Cover from Canva - https://www.canva.com/