Ch.2|Asha
"Sandali ah. Tingnan ko lang kung nandyan si boss tapos balikan kita."
Tumango ako kay ate Elise ng may ngiti at pinanood ang pigura niyang pumasok sa isang pinto-- sa isang sulok nitong bar, na sa tingin ko'y opisina ng tinatawag niyang boss.
Umaga pa lang kaya't sarado pa ang bar at walang katao-tao bukod sa mga babaeng sa tingin ko'y namamasukan din dito.
Hindi ko rin alam kung ako lang ba.. pero nahuhuli ko ang panaka-nakang pagsulyap nila sa 'kin na para bang kinikilatis nila ako mula ulo hanggang paa, kaya naman agad kong pinagsaklop ang mga kamay ko sa may bandang harap dahil sa pagkailang.
Napalingon muli ako sa pinto ng bumukas ito at iniluwa si ate Elise na may ngiti.
"Pumasok ka na Justine, wag kang mag-alala dahil pasok ka na. Gusto ka lang makita ni Miss at para na rin masabi ang schedule mo."
Ngumiti ako kay ate Elise at nagpasalamat bago naglakad patungo sa pinto. Kumatok muna ako bago pumasok at bumungad sa 'kin ang malinis na silid.
Mayroong couch sa isang gilid at ilang hakbang pa ay isang babaeng nakayuko na 'tila may inaasikasong mga papeles.
"G-good morning po."
Agad na nag-angat ng tingin ang babae at 'tila ba sumibol bigla ang kaba sa dibdib ko sa 'di mawaring dahilan. Mukha kasing napakasungit nito.
"Good morning, you can have your seat." Tukoy nito sa upuang nasa kabilang banda ng table niya na agad ko namang sinunod.
Kahit na hindi ito ngumiti ay litaw pa rin ang gandang taglay niya. Itim na itim ang ang mahaba at bagsak niyang buhok na dumadagdag sa attractive niyang mukha.
"What's your name again?"
Tumayo ito na 'tila may kinukuha sa isang cabinet sa di kalayuan kaya napagmasdan ko ang kabuuan niya.
Nakasuot siya ng isang thin silk sleeveless blouse at skirt na hapit na hapit sa hubog ng katawan niya, hindi siya katangkaran pero nakatulong ang heels na suot niya. Bigla namang nag-init ang mukha ko ng mapalingon siya sa 'kin at bumalik sa upuan niya.
Siguradong nahuli niya kung paano ko siya pasadahan ng tingin!
"Uh.. I'm Justine Fei Castro po."
"Age?"
"Eighteen."
Sumibol nanaman ang kaba sa 'kin ng bigla siyang mapahinto sa pagbuklat ng papeles at napatingin sa 'kin. Pero agad din akong nakahinga ng tumango-tango ito.
"Are you a student?"
Napalunok ako ng tumayo ito at naglakad palapit sa 'kin. Ewan ko ba, napapansin kong kanina pa siya titig na titig sa mukha ko simula ng banggitin ko ang edad ko.
"Uh.. yes magka-college po next week. That's why kailangan ko po talaga nitong trabaho."
"Relax Justine."
Bahagya akong napapitlag ng dumapo ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko hanggang sa nararamdaman ko ang makukulay at mahahaba niyang kuko sa leeg ko.
"And don't use 'po', no need for that."
Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ang hininga niya sa tenga ko, amoy na amoy ko ang gamit niyang pabango na humahalo sa mabangong shampoo niya.
Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Nakahinga ako ng maluwag ng naramdaman kong lumayo na siya pero 'yun ay para lamang pala umupo sa harapan ko. Mayroon din kasing upuan kaharap nitong sa 'kin. Parang sa guidance counselor lang.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa may bandang dibdib niya ng bahagya siyang yumuko para pulutin ang papel na nahulog. Ako na sana gagawa pero naunahan niya ko.
Shit!
Napakamaling galaw pa dahil naging sobrang lapit ng mukha namin at kitang kita ng Mata ko kung pano niya tingnan ang labi ko at pagkatabos ay marahang kinagat ang ibabang labi niya. Agad akong bumalik sa maayos na pagkakaupo at umiwas ng tingin sa mga tanawing hindi tamang tingnan.
Hindi rin nakaligtas sa 'kin ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi niya bago ako tuluyang mapaiwas ng tingin.
Nanadya ba siya?
"Here, this is your work schedule and don't worry.. hindi 'yan makakasagabal sa studies mo."
"Thank you Miss—"
"Asha.. just call me Asha when we're alone."
Napatango na lang ako at tinanggap ang papel na naglalaman ng schedule ko bago dali-daling lumabas ng opisina niya. Parang kapag tumagal pa 'ko dun may hindi magandang mangyayari eh.
"Oh Justine, kumusta?"
"Ha? Ah.. o-okay na ate, nakuha ko na schedule ko."
Ngumiti naman siya at umakbay sa 'kin upang hilahin na ako palabas ng bar.
"Bakit nga pala parang pawisan ka ata?"
"W-wala ate.. ano kinabahan lang."
Napahagikhik naman siya at medyo ginulo pa ang buhok ko. Nitong mga nakaraang araw si ate Elise ginagawa akong Bata, pero masaya naman dahil parang nagkaroon na ako ng nakatatandang kapatid sakanya.
"Wag kang kabahan mabait naman 'yun si Miss Veron eh."
"Veron? Hindi ba Asha ang pangalan niya?"
Naguguluhang tanong ko habang patuloy kaming naglalakad.
"Asha Veron Castillo ang full name niya, Veron ang ginagamit namin dahil ayaw niyang magpatawag sa first name niya." Kibit balikat na sambit nito.
Eh bakit sinabi niyang 'yun ang itawag ko sakanya?
"Tamang-tama, mananghalian na muna tayo Justine. Sagot ko."
Napadaan kasi kami sa tapat ng isang karinderya at saktong oras na din ng tanghalian.
"Naku wag na ate, nakakahiya." Pagtanggi ko.
"Ano ka ba, wag ka ng mahiya sa 'kin, masanay na tayo sa isa't-isa simula ngayon, okay?"
Ngumiti ako dahil doon at tumango kaya naman tuluyan na akong hinila ni ate Elise sa loob ng karinderya.
"Ate, ilang taon na nga pala si Ash- Miss Veron?"
Umpisa ko habang naghihintay kami ng inorder naming kanin at ulam.
"Ang alam ko twenty-five na siya, bakit?"
"Ah.. wala naman, mukha kasi siyang bata."
"Nagagandahan ka sakanya 'no?"
Agad namang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya at umiwas ng tingin, kaya narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Maganda naman kasi talaga si Miss Veron, mabait pa."
Naisip ko naman ang masungit na mukha nito at ang ginawa niya kanina sa opisina. Siguro kailangan ko na lang siyang mas kilalanin pa para makita ko ang kabutihang meron siya.
"Pero ikaw ah, iba talaga ang dating mo. Unang beses mo pa lang na pasok sa bar nahakot mo na agad mata ng mga babae doon."
Muntik na akong masamid sa sariling laway dahil sa sinabi ni ate Elise, siguro ay napansin niya rin ang titig sa 'kin ng mga nag-aayos doon kanina.
"Bakit nga pala nila ako tinitingnan ng ganun ate?"
Nagulat naman ako ng kurutin niya nanaman ang magkabilang pisngi ko. Palagi niyang ginagawa 'to.
"Alam mo napakainosente mo Justine at nakakadagdag 'yun sa appeal mo."
Naguguluhan naman akong napatingin Kay ate.
Inosente? Appeal? Ako?
Itinuon ko na lang ang iniisip sa kadarating lang na pagkain dahil naramdaman ko na rin ang gutom at mukhang ganun din naman si Ate Elise kaya tahimik kaming kumain.
"Nga pala para hindi ka na mabigla sasabihin ko na. Lesbian Bar ang pagtatrabahuhan mo Justine."
----
BINABASA MO ANG
Inner Nympho
RomanceNympho - a woman with very strong sexual desire. Started: August 2021 Continued: October 10, 2021 & March 2022 Finished: ONGOING Book Cover from Canva - https://www.canva.com/