[ PROLOGUE ]" Manatili po ang lahat na nakaupo sa kanilang mga upuan habang inaalam po natin ang kalagayan sa labas"
Malakas na buntong hininga ang narinig ko mula sa kapatid ko na katabi ko lang
Narinig ko ang announce nayun na nagmula sa speaker na nasa taas na bahagi ng sinasakyan namin
"Buksan mo nga yun TV" sabi ng matandang babae na nasa likuran lang namin
Ramdam mo ang inis sa kanyang boses dahil sa nangyayari
May matandang lalaki naman ang nagbukas ng TV at halos kumabog ng malakas ang dibdib ko ng makita ko kung ano ang binabalita
"Inaabisuhan namin ang lahat ng mamayan ng Korea na manatili sa kanilang mga bahay upang maiwasan ang pagkalat ng virus na kinakaharap natin ngayon.Mag imbak ng maraming pagkain at panatilihing ligtas ang lahat..." mahabang litanya ng isang reporter
Isang kamay nalang ang humawak sa braso ko, ang kapatid ko.Hindi ko na nilingon yun dahil mas nakatutok ang atensyon ko sa pinapanood ko
"Hindi pa alam ng mga awtoridad kung ano ba ang nangyayari pero asahan nyo na gagawin ng Gobyerno ang lahat upang maging maayos ang lahat" napatingin ako sa mga video na pinapakita ng mga reporter na nakapagpanindig ng balahibo ko
Mga video na kung saan nagpupumilit ang mga tao na pasukin ang isang bahay at mga taong tumatakbo habang nakatutok ang mga camera nila sa isang taong hinahabol sila habang pagewang gewang ang humahabol sa kanila
Hindi malinaw ang video nayun dahil naputol ito
"Anong nangyayare?" tanong ng kung sino man
Ano nga ba talaga ang nangyayari sa bansa namin?
"A-ate natatakot ako" ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ng kapatid ko habang nakapatong ito sa braso ko
Lakas loob ng nasa unahan namin na patayin ang TV dahil ramdam na ang tensyon at takot sa pagitan ng apat na sulok ng cabin na sinasakyan namin
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil aaminin kong natatakot ako para sa amin ng kapatid ko
Halos tumalon ang pwet ko dahil bigla nalang may tumawag sa cellphone ko, dali dali ko itong kinuha
Nanginginig ang kamay ko habang nagmamadaling sagutin ito kahit na hindi ko kilala ang taong tumatawag sa akin
Wala na akong oras pa para alamin kung sino ang tumatawag sa akin
"Hello?" napalunok nalang ako ng wala akong marinig sa kabilang linya
Tanging katahimikan ang namuo sa pagitan ko at ng taong tumawag sa akin
Para bang binalutan ng takot ang buo kong katawan
Titignan ko na sana ang caller ID pero biglang may nagsalita sa kabilang linya
"A-apo...mag ingat kayong dalawa ng kapatid mo huh" napakunot nalang ako ng noo ko dahil sa tono ng pananalita ng lola ko ay para na syang namamaalam sa aming dalawa
"pakisabi nalang sa anak ko, mamimiss ko sya...mahal ko kayo mga apo ko..." hindi ako makapagsalita na para bang may busal ang bibig ko
Nag ipon ako ng sasabihin ko pero bibigkasin ko na sana ang mga salitang yun pero bigla nalang nawala ang tawag pero bago pa matapos ang tawag nayun, malakas na sigaw mula sa kabilang linya ang narinig ko
Nailayo ko nalang ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa tinis ng sigaw nayun na napangiwi ako
Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa malakas na kabog nito na para bang gusto ng lumabas ng puso ko sa dibdib ko
Mabilis akong napatingin sa bintana ng biglang umulan na kasabay ng pagkidlat
Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko ngayon
Muli akong napatingin sa cellphone ko ng tumunog ito na hudyat na merong taong nagtext sa akin
Halos mabitawan ko ito ng mabasa ko kung ano ang nilalaman ng messange nayun
" Kyla at Aira, mag iingat kayong dalawa dahil nagsisimula ng matapos ang mundo"
BINABASA MO ANG
Train To Seoul
Science FictionNabuhay ako ng wala sya sa buhay ko. Nabuhay ako ng walang aruga mula sa kanya. Nabuhay ako na hindi humihingi ng pagmamahal sa kanya pero isang araw, hinanap ko ang pagmamahal nya. Umasa akong makita ko sya uli kahit na magulo na ang mundo kung nas...