[ TRAIN TO SEOUL : CHAPTER 2 ]
Nagising ako sa sikat ng araw kaya madali ko itong hinarangan gamit ang palad ko
Napalingon naman ako kay Aira na nakasandal na ang ulo sa bintana kaya dahan dahan kong sinandal sa inuupuan nya ang ulo nya
Pagkaayos ko sa kanya ay kinuha ko ang kumot na nasa gilid lang ng inuupuan ko saka sya kinumutan
Napatingin agad ako sa bintana dahil bigla nalang umulan ng pagkalakas lakas, umaandar narin pala ang train
Hindi ko napansin na nagsimula na palang tumakbo ang Train, ni hindi mo man lang naramdaman na tumakbo na ito, kibit balikat nalang akong tumayo sa inuupuan ko saka nilapitan ang crew ng train na kakalampas lang sa pwesto namin
Nilapitan ko ito at nagtanong
"May smoking area ba kayo dito?" tanong ko
"Yes mam.Lampasan nyo lang po yung isang cabin nayan" magalang sagot nya saka tinuro ang pinto patungo sa kabilang cabin na pinanggalingan nya
Tumango ako bilang sagot saka nagpasalamat
Umalis na din agad ang crew ng train kaya naglakad nalang ako papasok sa cabin na tinuturo nya.Pagpasok ko doon ay sinalubong na ako ng katahimikam, katulad lang din ng cabin namin, tahimik at ang karamihan ay tulog
Nilakaran ko na ang mahaba habang cabin na ito habang nakalagay ang kamay ko sa bulsa ng jacket ko dahil nakaramdam ako ng lamig, napatingin akong muli sa bintana na hanggang ngayon ay umuulan parin sa labas
Lumabas na ako sa cabin nayun at pagkalabas ko don ay nakita ko na agad ang signage na nasa taas na merong nakasulat na Smoking Area
Napangiti nalang ako dahil meron palang ganito sa mga train.Bihira lang kasi ang mga ganitong smoking area sa mga train dahil pinagbabawal ito ng management
Napatingin ako sa isang lalaking nakatingin sa malayo habang may hawak na sigarilyo habang binubuga ang usok nito sa hangin
Nakatingin lang sya sa kawalan
Para syang nasa isang palabas na merong mabigat na problema HAHAHAHAHA just kidding
Bahagya akong natawa kaya nakuha ko ang atensyon nya.Tinignan nya lang ako saglit at tumingin ng muli sa bintana
I didn't mind him again and pulling out the box of cigarettes on my pocket
"Tada~"mahinang sabi ko saka umupo sa isang bakanteng upuan na ilang metro lang ang layo ng lalaki sa akin
Pagkalabas ko ng isang stick ng sigarilyo ay kinapa ko ang bulsa ko para makapagsindi na ako pero wala pala akong dalang lighter
Ano bayan!
Tatanungin ko na sana ang lalaking nakaupo sa gilid habang nagsisigarilyo ng tumayo sya at inabot sakin yung lighter nya
Nakatingin lang ako sa kanya habang bakas sa muka ko ang pagtataka dahil out of the blue moon ang ginawa nya
I mean, hindi naman kami magkakilala para pahiramin nya ako ng lighter nya?
Well, i don't mind naman
"Kunin mo na" sabi nya
Kinuha ko nalang yun saka nagsindi
Pagkasipsip ko ay agad kong binuga ang usok ng sigarilyo
Ang sarap!
Napapikit pa ako dahil gumuguhit sa lalamunan ko at ilong ko yung usok ng sigarilyo
Tumayo ako at inabot sa kanya yung lighter nya at kinuha nya naman ito agad pero napansin ko na agad ang nakasulat na initial sa lighter nya
BINABASA MO ANG
Train To Seoul
Ciencia FicciónNabuhay ako ng wala sya sa buhay ko. Nabuhay ako ng walang aruga mula sa kanya. Nabuhay ako na hindi humihingi ng pagmamahal sa kanya pero isang araw, hinanap ko ang pagmamahal nya. Umasa akong makita ko sya uli kahit na magulo na ang mundo kung nas...