TRAIN TO SEOUL : CHAPTER 8 ]




[ AIRA POV ]

Nakatingin lang ako sa ate ko habang naghihilamos sya ng muka at tinatanggal ang mga dugong nasa katawan nya

Bigla akong napaisip sa sinabi ni ate kanina, posible kaya?

Posible kayang may zombie dito sa loob ng train pero bakit?

Paano?

"Aira?"

"Huh?" usal ko ng may humakawak sa braso, hindi ko napansin dahil napalalim ata ang pag iisip ko

"Balik na tayo sa cabin..." tumango ako bilang sagot

Nauna si ate maglakad kaya sinundan ko nalang sya

Habang nadaan kami sa mga cabin ay nag iisip ako sa nangyayari pero pansin kong ang daming tao sa ilang cabin na nadaan ko

Bakit naman siksikan sila dito sa cabin?

"Ano ba ang bagay nayun?"

"Nakakatakot!"

"Gusto ko ng umuwi"

"Ano na ang gagawin natin?"

Halo halo ang naririnig ko mula sa mga tao sa cabin kaya nakuha nito ang atensyon ko

Nagulat nalang ako ng bumangga ako sa likod ng ate ko dahil bigla syang tumigil. Napahawak nalang ako sa noo ko at naiinis na tumingin sa ate ko

Ano bayan!

"Bakit kaba tumitigil bigla?" inis kong sabi

Napalakas ang bangga ko sa likod nya kaya ang sakit ng noo ko. Hindi man lang sya umaray. Hindi sumagot sa akin si ate at nakatingin lang sa unahan kaya tumingin din ako para tignan kung ano bayung tinititigan nya

Nakatingin lang sya sa saradong pinto

Ano ang meron?

Nakikita ko sa mga muka at mata ng mga tao na takot na takot sila na para bang nakakita sila ng multo na hindi pa nila nakikita sa tanang buhay ni--

Teka...Hindi kaya...

Halos tumalon ako sa kinatatayuan ko ng biglang magvibrate ang cellphone ko, mabilis ko yung kinuha at tinignan

Warning

Isa nanamang warning mula sa government. Katulad ng nakukuha naming warning kapag may sakuna, nakakapagtaka na ang ganitong warning

Napasulyap ako sa mga tao dahil sa pag arangkada ng mga boses nila, nakatingin na din sila sa kanilang mga cellphone na satingin ko ay nakatanggap din ng ganitong warning mula sa government

Wala namang bagyo, tsunami o pag uulan ang nagaganap ngayon pero bakit may ganit----teka

Hindi kaya ang nangyayaring gulo ngayon ang binibigyang warning ng government?

Yung zombie?

Biglang naagaw ng atensyon ko ang balita mula sa speaker

" Manatili po ang lahat na nakaupo sa kanilang mga upuan habang inaalam po natin ang kalagayan sa labas"

[ KYLA POV ]

Nang marinig ko ang balita ay agad akong lumingon para malinaw na marinig

Malakas na buntong hininga ang narinig ko mula sa kapatid ko na katabi ko lang

Train To Seoul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon