[ TRAIN TO SEOUL: CHAPTER 1 ]






"AIRA NASAAN KANA BA!? MAIIWAN NA TAYO NG TRAIN DAHIL SAYO!!!" malakas na sigaw ko habang napakamot nalang ako sa noo ko dahil sa inis

"WAIT LANG!"sigaw nya pabalik

Tanging pag ismid nalang ang nagawa ko dahil kanina pa ako naghihintay sa kanya

Hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa nya sa kwarto nya na halos abutin na sya ng siyam siyam

Agad akong napalingon ng maramdaman kong bumukas na ang pinto na hudyat na merong taong lalabas, nang makita ko sya habang bitbit ang mga gamit nya ay para bang gusto ko syang sapakin

"Ano yan!?Bakit mo gamit yung converse ko!???" usal ko habang nakatingin sa sapatos na suot nya

Suot nya lang naman yung paborito kong converse na niregalo pa sakin ni Daddy

"Pake mo ba huh?" usal nya saka nilampasan ako

Muli nanaman akong umirap dahil sa maattitude na ugali ng kapatid ko

Kung hindi ko lang siguro sya kapatid ay malamang baka naihagis ko na sya sa creek na malapit lang sa amin

Tangina talaga oh

Bwakanangshit talaga

Hinigit ko nalang yung maleta ko na pagkabigat bigat saka nilagay sa likod ng kotse

"Mag iingat kayo doon mga apo" bilin sa amin ng lola namin

Binaba na ni lola ang likod na bahagi ng kotse saka binuka ang mga braso nya na dahilan para lumapit kaming dalawa sa kanya at niyakap sya

"Mamimiss ka namin lola!" sweet na sabi ni Aira

"Ang OA mo naman.Parang sampung taon tayo sa Seoul kung makasabi ka ng 'mamimiss ka namin lola' " ginaya ko ang tono ng pananalita nya

Inismidan nya nalang ako at aambahan na sana nya ako ng sapok ng magsalita ako

"Subukan mo akong sapukin at babalik sayo ng triple yan" pananakot ko sa kanya

Dinilaan nya lang ako at umalis sa pagkakayakap kay Lola

Para syang bata

"Oh sya sya.Umalis na kayo at baka maiwanan pa kayo ng train" nginitian kami ni Lola habang naluluha

"Asus mamimiss mo lang kami Lola" pabiro kong sabi

"Hindi kaya" tanggi ni Lola

Nakita kong nagpunas sya ng luha nya

"Hindi daw eh pero naiyak s---Aray naman!" sabi ko habang hinahawakan yung hita kong sinipa nya

My Lola is so uhm mapanaket

Ouch

"Heh! Umalis na kayo at malelate na kayo" sabi ni Lola saka tinulak ako

Nauna ng sumakay si Aira sa kotse at ako nalang ang naiwan kasama ni lola sa labas

"Mag ingat sa pagdadrive, Kyla" tumango nalang ako bilang sagot

"Opo" sabi ko at nilabas ang isang kaha ng sigarilyo

Gusto ko munang makatikim ng isa bago kami umalis pero isusubo ko palang sana ang isang stick ng kuhain ito ni Lola at ilayo sakin

"Tigil tigilan mo nayang paninigarilyo mo" halos lumunok ako ng sarili kong laway ng itapon ito sa basurahan na malapit lang samin

Train To Seoul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon