[ TRAIN TO SEOUL : CHAPTER 15 ]
"Ganyan ba talaga kalaki ang galit mo sa akin?"Nang marinig ko ang mga salitang yun, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pakiramdam ko, nilamig ako ng marinig ko ang boses nya.
Agad na nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at dumako ang tingin kong 'yun sa Ate ko.
Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin.
Nakatingin lang sya sa akin at unti unting lumapit sa akin saka kinuha ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi tignan ang ginawa nya saka naglakad palayo.
"Pasensya na..." Wika nya at muling lumabas.
Pansin ang lungkot sa boses nya habang binibigkas ang mga salitang yun at nakaramdam ako ng guilt.
Nakaramdam ako ng panlulumo at lungkot dahil sa mga nasabi ko. Nanlumo ako na para bang pinalalangin kong sana mamatay na sya.
Para bang hinihiling ko na sana mawala na sya.
Susundan ko na sana sya para humingi ng tawad pero pinigilan ako ni Ate Heather.
"Kailangan mong magpalamig ng ulo, Ai" wika nya at naglakad palayo.
Nanatili ang katahimikan sa paligid ko hanggang sa madako ang tingin ko sa isang taong akala ko ay lalapitan ako para kamustahin pero katulad ng iba, umalis din sya at iniwan ako.
Dismayado at pansin ko ang inis sa muka nya dahil sa ginawa ko.
Tatawagin ko na sana sya para kausapin pero hindi ko na nagawa pa dahil umalis na nga sya.
Naibulong ko nalang ang pangalan nya habang nakatitig sa keychain na binigay ng Ate ko.
"Dion..."
[ RYDEN POV ]
"Kyla?" tawag ko sa kanya.
Saan naman kaya sya nagpunta?
Palinga linga ako sa paligid ko hanggang sa mamataan sya ng mata ko sa isang sulok ,nakaupo at may hawak ng sigarilyo.
"Kyla..."muling tawag ko sa kanya.
Agad syang lumingon sa akin at nginitian ako ngunit pansin ko ang lungkot sa mga mata nya.
"Are you okay?" tanong ko.
Tumango sya sa tanong ko.
"Pwede tumabi?" tanong ko.
Tumango syang muli sa akin kaya umupo ako sa tabi nya.
"Want some?" pang aalok ko sa kanya pagkaupo.
Kakatapos nya lang kaya sa tingin ko ay kailangan nya pa para mailabas ang nararamdaman nya pero umiling lang sya sa akin at tumingin sa malayo. Hindi ko na sya tinanong muli kung okay lang ba sya dahil halata namang hindi.
Aantayin ko nalang na sya ang magsalita.
Tumagal ng segundo, minuto hanggang sa naging oras ang paghihintay ko sa sasabihin nya pero hindi sya nagsasalita kaya tatayo na sana ako para iwanan muna sya at makapag isa pero bigla syang nagsalita.
"Si Aira, malaki ang galit nya sa akin magmula ng mawala si Daddy"
Napatingin ako sa kanya at tumitig, nag aantay sa susunod nyang sasabihin.
"Namatay si Daddy when Aira was eight years old. He died because of me..."
"At simula ng araw na yun, nabuo ang galit nya sa akin na hanggang ngayon na kahit sampung taon na ang nakalipas ay may galit pa din sya sa akin. Mas lumala pa nga..." dagdag nya.
BINABASA MO ANG
Train To Seoul
Science FictionNabuhay ako ng wala sya sa buhay ko. Nabuhay ako ng walang aruga mula sa kanya. Nabuhay ako na hindi humihingi ng pagmamahal sa kanya pero isang araw, hinanap ko ang pagmamahal nya. Umasa akong makita ko sya uli kahit na magulo na ang mundo kung nas...