[ TRAIN TO SEOUL : CHAPTER 12 ]
Isang mahinang tapik ang gumising sa akin. Mahinang tapik na ginising ako sa makabagbag damdamin kong panaginip.
Sa pagmulat ng aking mata, isang tanong ang pumasok sa isip ko. Isang tanong na puno ng hinanakit at galit.
Ang tanong na "Kung si ate kaya ang namatay ng mga araw nayun. Buhay pa kaya si Papa ngayon?".
Ang sama ko na sigurong kapatid pero hindi ko alam kung bakit ko natanong ang mga bagay na yan, binabalot na ako ng galit at poot dahil sa nangyari noon.
"Gising ka na?" nawala ang pokus ko sa iniisip ko dahil sa nagsalita sa tabi ko.
Lumingon ako sa nagtanong at pagkakita ko palang kung sino ba ang nagtanong sa akin ay uminit agad ang ulo ko.
Ang aga aga pero nag iinit na ang ulo ko dahil sa kanya.
"Obvious ba?"nakataas kilay na pagtataray ko sa kanya.
Magsasalita pa sana sya pero tumayo na agad ako mula sa pagkakaupo ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakaupo.
"Sungit huh. Agang aga"
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ng kumag na katulad nya. Sa muka palang kasi nya nag iinit na ang ulo ko.
Ewan ko ba.
Sa tuwing nakikita ko ang muka nya naiinis ako. Makita ko palang muka ni Dion pakiramdam ko sasabog ako sa inis. Ang pangit nya kasi.
"Sakto ang gising mo. Aalis na tayo" bungad na wika sa akin ni Ate Heather pagkakita nya sa akin.
Nginitian ko nalang sya at agad na hinanap ng mga mata ko si Ate pero hindi ko sya nakita.
Nasaan naman kaya sya?
"Hinahanap mo ate mo? Nasa kabilang kwarto"
Napatingin ako kay Ate Heather ng sabihin nya ang salitang yun.
"Naghahanda lang Ate mo sa pag alis natin ngayon. Inihahanda ang kailangan lalo na ng pamangkin mo" nakangiti nyang wika sa akin at inabot ang isang water bottle.
"Kunin mo. Wala kaming tinapay o kape. Tubig lang"dagdag nya at kinuha ang kamay ko para ilagay ang tubig na inaabot nya saka umalis.
Dumako ang tingin ko sa kabilang pintuan ng magbukas ito at iniluwa non si Ate kasama si Christine.
"Ready na kami" nakangiting wika ng Ate ko.
Naglakad sila patungo sa akin.
"Gising kana pala. Nagkain kana?" Hindi nya man lang ako tinapunan ng tingin o nginitian.
Hindi ko sinagot ang tanong nya at tinitigan lang sya. Bakas na bakas sa muka nya ang saya habang nakatingin kay Christine.
Naramdaman nya ata na hindi ako sumagot kaya tumingin sya sa akin at tinanong akong muli.
"Okay ka lang?"
Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko sya sinagot. Nakatitig lang ako sa kanya na para bang ineexamine ko ang buo nyang pagkatao. Pakiramdam ko ngayon habang nakatitig ako sa kanya ay hindi ko kailangan ang pangangamusta nya o pagtatanong ny.
Hindi ko kailangan ng ate na katulad nya.
Kinapa nya ang noo ko pero agad kong sinagi ang kamay nya. Narinig ko ang mahina nyang pag-aray at pagtingin sa parte ng kamay na sinagi ko na sa tingin ko ay namumula na ngayon dahil sa tyansa ko ay napalakas ang pagsagi ko.
BINABASA MO ANG
Train To Seoul
Science FictionNabuhay ako ng wala sya sa buhay ko. Nabuhay ako ng walang aruga mula sa kanya. Nabuhay ako na hindi humihingi ng pagmamahal sa kanya pero isang araw, hinanap ko ang pagmamahal nya. Umasa akong makita ko sya uli kahit na magulo na ang mundo kung nas...