[ TRAIN TO SEOUL : CHAPTER 10 ]
Nagising ako dahil sa labis na pag iyak. Pagmulat ko ay malabo pa ang paningin ko pero ng lumiwanag ay hinanap ko agad kung saan nanggaling ang iyak nayun
Nang matagpuan ko kung saan galing yun ay napatingin nalang ako dahil galing yun sa bata habang nakayakap sa ate ko na nakatayo at naghehele sa kanya
"Shhh. Wag kana umiyak." rinig kong sabi ng ate ko
Pinikit ko nalang ang mata ko at nagpanggap na tulog
"Anong pangalan mo?" ani ng ate ko
"C-christine po" humihikbing sagot ng bata
Iminulat ko ang mata ko at tinignan sila. Ganon pa din ang itsura nila. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanila habang iniisip kung ganyan din ba ako alagaan ng ate ko noon
"Ang ganda naman ng pangalan mo"nakangiting sabi ng ate
Rinig ko padin ang hikbi ng batang si Christine pero unti unti itong nawala
"May kukuwento ako sayo Christine para makatulog ka. Okay lang ba?"
Tumango si Christine sa kanya. Nasilayan ko ang ngiti sa labi ng ate ko
"Noong unang panahon, merong prinsesa ang nakatira sa malayong lugar. Isa syang prinsesa na sobranf ganda at sobrang bait..."
"Marami syang kaibigan kasi isa syang prinsesa na marunong magbigay ng laruan para sa kanyang kalaro" dagdag ng ate ko habang dahan dahang umuupo
"Isang araw, sinabi ng mama nya na isang reyna sa kanya na aalis muna sya para puntahan ang hari nya na nasa malayong lugar. Sabi ng reyna sa kanya ay hindi nya alam kung kelan pa sya makakauwi ngunit sabi ng Reyna sa prinsesa na uuwi din sya at magkikita silang muli...."
"Nang umalis ang Reyna, nabakas sa muka ng prinsesa ang lungkot pero dahil meron syang mga kaibigan. Kahit papaano ay nawala ang lungkot na nararamdaman nya sa paglisan ng kanyang ina na isang Reyna" mahabang litanya ng ate ko habang nakaukit sa mga muka nya ang saya
"Tulog na Christine. Goodnight" pagkasabi ng ate ko ng mga salitang yun ay dinalaw na din ako ng antok
Pakiramdam ko ay inantok din ako sa kwentong pambata
Ipinikit ko na ang mata ko para bumawi ng tulog at dinalaw na nga ako ng antok para gumising sa panibagong araw na hindi ko alam kung magiging normal paba
[ KYLA POV ]
Hindi ako dinalaw ng antok pagkatapos kong bigyan ng isang story telling si Christine. Napatingin ako sa bintana. Tumatagos don ang sinag ng buwan, nakakatuwa dahil mula sa pwesto ko ay natatanaw ko ang buwan
Ang ganda
Ang ganda ng itsura ng buwan. Sobrang liwanag pero nababalot ng kadiliman. Sobrang dilim sa paligid pero dahil sa liwanag na binibigay ng buwan, kahit papaano lumiliwanag ang paligid
Ngumiti nalang ako dahil ngayon lang uli ako nakakita ng ganitong sobrang liwanag ng buwan.
Natuon ang atensyon ko sa bulsa ko ng may marinig akong tumunog. Agad ko itong kinuha. Nagmula ito sa cellphone ko. Merong may nagchat sa akin
Nagmula ang mensahe sa kaibigan ko
Gagang mahal pa ang ex nya: Hoy gaga nasaan ka?
Gagang mahal pa ang ex nya: Ligtas kaba?
Mahina akong natawa sa messange ng kaibigan ko. Nagtipa ako ng messange sa kanya

BINABASA MO ANG
Train To Seoul
Ficção CientíficaNabuhay ako ng wala sya sa buhay ko. Nabuhay ako ng walang aruga mula sa kanya. Nabuhay ako na hindi humihingi ng pagmamahal sa kanya pero isang araw, hinanap ko ang pagmamahal nya. Umasa akong makita ko sya uli kahit na magulo na ang mundo kung nas...