[ TRAIN TO SEOUL : CHAPTER 7 ]
[ RYDEN POV ]
"Oh saan ka galing?" bungad kong tanong ng makita ko si Dion na kararating lang at nakabusangot ang muka na akala ko naman ay pinagsakluban ng langit
"Pake m---aray!"
Pinutol ko ang sinabi nya at binato sya ng hawak kong tumbler
"Tinatanong kita ng maayos tapos sasagutin mo ako ng pabalang?" usal ko habang kumuha ako ng bote
"Kuya naman!" usal nya saka umupo sa upuan at tumingin sa labas
Hindi ko nalang sya pinansin dahil baka sa inis ko ay mabato ko pa sa kanya itong bote na hawak ko
Napatingin ako sa labas ng train.Makulimlim ang langit. Pakiwari ko ay uulan mamaya
Tumayo nalang sa pagkakaupo ko para pumunta sa smoking area nila pero habang naglalakad ako papunta sa smoking area ay meron akong nakasalubong na mag ina
"Anak, anong gusto mo pagbaba natin sa Ducheon?" tanong ng nanay nya habang nakangiti
"Ice Cream!" masayang sagot ng bata
Nang makalampas sila sa akin ay hindi ko maiwasang hindi lumingon sa kanila, lumingon sa mag inang pinangarap kong magkaroon
Well...
Muli na ako naglakad hanggang sa makarating ako sa smoking area at umupo agad sa isang upuan para maglabas ng sama ng loob
Nilabas ko na ang isang stick ng sigarilyo pat---
Teka...
Bakit nawawala yung lighter ko?
Kinapa ko ang dalawa kong bulsa pero wala sa kahit saan. Tumayo ako sa pagkakaupo ko dahil iniisip kong baka naupuan ko lang pero wala
Hanap dito hanap doon ang ginawa ko pero walang anino ng lighter ang nagpakita na pati nga ilalim ng inuupuan ko ay sinilip ko na
Muli akong umupo at tumingin nalang sa labas ng bintana dahil hindi rin naman ako makakapanigarilyo dahil nawawala ang lighter ko
Iniisip ko kung saan ko nawala pero hindi ko talaga maalala kung saan ko nga ba naiwala
Napailing nalang ako dahil pakiramdam ko ay sasakit ang ulo ko kakaisip kung nasaan ba ang lintek na lighter nayun
" AAAAAAHHHHHHHHH!!!!"
Nagulat ang buo kong sistema ng makarinig ako ng malakas na sigaw
Nakakagulat
Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng sigaw nayun pero hindi ko malaman kung saang banda ng train nanggaling
Ewan pero napatayo ako sa kinauupuan ko
Bigla akong kinabahan kaya napatakbo agad ako sa cabin kung saan ako nanggaling kanina para hanapin ang sigaw nayun
Ang sigaw nayun ay papunta sa cabin namin ni Dion
Saan ba galing ang sigaw nayun?
Napakamot nalang ako sa kilay ko ko ng umingay ang mga tao na nasa loob ng cabin kung nasaan ako
" Ano ba ang sigaw nayun?"
"Saan yun galing?"
" Sa kabilang cabin"
" Oo nga"
Sari sari ang mga sinasabi nila na hindi ko na minsan maintindihan
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad para hanapin ang sigaw nayun pero habang naglalakad ako ay may nakabangga ako na nagdulot ng pagkakaupo ko sa sahig
BINABASA MO ANG
Train To Seoul
Science FictionNabuhay ako ng wala sya sa buhay ko. Nabuhay ako ng walang aruga mula sa kanya. Nabuhay ako na hindi humihingi ng pagmamahal sa kanya pero isang araw, hinanap ko ang pagmamahal nya. Umasa akong makita ko sya uli kahit na magulo na ang mundo kung nas...