[ TRAIN TO SEOUL : CHAPTER 14 ]
[ AIRA POV ]
"Kung nakakamatay lang ang pagtitig, paniguradong patay na ang ate mo..."
Sa tuwing naririnig ko talaga ang boses nya ginagapangan ako ng kilabot at inis.
Sinamaan ko sya ng tingin para naman maramdaman nya yung sama ng loob ko.
"Woah! Kumalma ka" segunda nyang wika habang nakataas ang dalawa nyang kamay.
Inirapan ko nalang sya at tinignan muli si Ate na nakatalikod na sa amin.
Hanggang ngayon, ang laki pa din ng sama ng loob ko sa kanya.
"Anyways, paalis na tayo mamaya kaya maghanda kana" wika nya at naglakad palayo.
Inirapan ko nalang sya uli saka tumingin kay Ate Heather at Kuya Ryden na nag uusap, masayang nag uusap.
Gumawi naman ang tingin ko kay Ate na hanggang ngayon ay nakatalikod pa din.
Anong meron?
Napailing nalang ako at tumayo mula sa pagkakaupo ko.
"Saan punta mo?" pagtatanong ni Ate Heather ng magawi ang tingin nya sa akin.
"Iihi lang" sagot ko
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa isang gilid.
Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng mahinang paghikbi, isang ipit na hikbi.
Nilabas ko agad ang pocket knife na tinatago at unti unting tinignan kung sino ang humihikbi. Kokomprontahin ko na sana ang nilalang na yun ng makita kong may taong nakatalikod pero natigilan ako ng makita kong si Owen yung humihikbi.
Dahan dahan kong tinago yung hawak ko.
Hahakbang na sana ako pabalik ng makatapak ako ng tuyong dahon. Agad lumingon sa akin si Owen.
"Sorry"nakangiting wika ko sa kanya
Tinignan nya lang ako at tinalikuran uli. Bakit kaya sya umiiyak? Bakit ko ba pinoproblema ang problema ng iba.
Tangina.
Naglakad nalang ako pabalik sa kung nasaan silang lahat.
"Ate, nakita mo si Ate Kyla?" agad na tanong sa akin ni Christine pagkakita nya sa akin.
Tinignan ko lang sya.
"Umalis po kasi sya eh. Baka lang po nakita mo" tanong nya uli.
Umiling nalang ako at naglakad papunta sa isang gilid.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinignan ang messange. May isa akong messange na hindi nabuksan.
From: Mom
Aira, okay lang ba kayo?
Agad akong nagtipa ng messange at agad na sinend kay mama. Papatayin ko na sana ang cellphone ko ng may matanggap akong isang messange pa from unknown number.
From: Unknown Number
AiraKumunot ang noo ko sa nabasa ko dahil kilala ako nito.Sino naman kaya ito? Unknown number at hindi ko kilala yung may ari ng number. Agad akong nagreply para malaman kung sino ang nagtext sa akin at saan nya nakuha yung number ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/282143008-288-k640254.jpg)
BINABASA MO ANG
Train To Seoul
Science FictionNabuhay ako ng wala sya sa buhay ko. Nabuhay ako ng walang aruga mula sa kanya. Nabuhay ako na hindi humihingi ng pagmamahal sa kanya pero isang araw, hinanap ko ang pagmamahal nya. Umasa akong makita ko sya uli kahit na magulo na ang mundo kung nas...