[ TRAIN TO SEOUL : CHAPTER 11 ]



"Bilis" rinig kong malakas na sigaw mula kay Dion

Hinahabol na namin ngayon ang train dahil unti unti na itong bumibilis. Habol hininga namin itong hinabol. Natatanaw kong unti unti na itong nawawala sa platform.

"Takbo!" sigaw ng Ate

Napalingon ako sa likod ko dahil may isang malakas na pagsabog ang umagaw ng buong atensyon ko. Hindi ko maiwasang mapatigil at lingunin ito.

Hindi ako sinusunod ng utak ko na tumakbo lang.

"Aira!"

Para akong nabingi ng may marinig akong sunod sunod na malakas na pagsabog. Malapit ito sa pwesto namin kaya napayuko ako sa matinding lakas.

"Airaaa!"

Natauhan ako sa malakas na pagyugyog sa akin. Malabo ang paningin ko kaya hindi ko makilala kung sino ito.

"Aira!" sigaw nyang muli ngunit hindi ko parin maaninag kung sino ba ang taong ito.

Isang malakas na sampal ang natanggap ko.

Sa isang sampal, alam ko na agad kung sino ang taong ito.

Si Dion

Unti unti ng lumiliwanag ang paningin ko ng sampalin nya ako. Para bang ang sampal ng gagong si Dion ang muling nagpagising sa akin mula sa pagkakatulog.

Bakas sa muka nya ang pag aalala.

"Ano ba! Gumising ka nga!" sigaw nya

Walang kung ano ano ay agad nyang hinawakan ang braso ko at hinigit ako palayo.

Ang sakit ng pagkakahawak nya sa akin pero hindi ko nayun pinansin pa dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa likod ko.

Hinahabol na kami ng mga zombie.

"Tangina!" malakas na mura ni Dion ng makarating kami sa pwesto nila Ate

Nasa dulo na kami ng platform

Wala na ang Train.Nakalayo na ito sa amin

"Bumalik kayo!" sigaw ni Ate

"Bumalik kayo dito!" segundang sigaw ni Kuya Ryden

Tanging pag iyak nalang ang nagawa namin dahil wala na ang train.

Hindi parin magsink in sa utak ko ang nangyayari ngayon. Ano ba ang nangyayaro?

Lumingon lingon si Ate sa paligid para maghanap ng daan.

"Dito!" ang sigaw nayun ang umagaw ng atensyon naming lahat.

Agad na hinanap ng mata namin ang pinanggalingan ng boses na nagmumula sa isang lalaki.

Ang sigaw nayun ang nagbigay liwanag samin.

Bawat sulok ay inikot ng mata ko hanggang sa nakita ko kung nasaan nanggagaling ang boses. May isang tao ang pumukaw ng paningin ko dahil kumakaway ito sa amin. Malayo man ngunit tanaw ko ang mga kamay nyang kumakaway sa direksyon namin.

"Doon!" turo ko sa isang lalaki na nasa isang gilid.

Agad kaming tumakbo papunta don. Mabilis na pagtakbo ang ginawa namin dahil nasa likod na namin ang mga zombie na handang umatake sa amin.

Sa paglapit namin sa pinto kung nasaan ang lalaki, agad nyang binuksan ng malaki ang pinto para makapasok kaming lahat.

Wala na kaming inaksayang oras pa para mag isip kung papasok ba kami o hindi, pumasok na agad kami dahil kung hindi kami papasok ay lalapain kami ng mga zombie na ilang metro nalang ang layo sa amin.

Train To Seoul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon