[ TRAIN TO SEOUL : CHAPTER 4 ]



[ AIRA POV ]

Nagising ako sa malakas na pagvibrate ng cellphone kaya kinuha ko ito sa bulsa ko

Napatakip nalang ako ng mata ko dahil nasilaw ako sa kulay, kahit na ganon ay binasa ko parin pero habang binabasa ay naguguluhan ako

Ano ito!?

Ano itong nababasa ko?

Warning!!!

Everyone are advising to prepare your emergency kits and keep the important things like documents to you

Prepare yourself and your family for the disaster

Keep yourself and your family safe

May the God bless us!

Ano itong warning na ito?

Prepare ourselves? From what!?

Napaupo ako ng ayos sa pagkakaupo ko at napatingin ako sa paligid

Mas nagising ang diwa ko ng marinig ko ang mga komento ng mga tao sa paligid ko

"May bagyo ba?"

"Ano ito?"

" May lindol?"

" Ano bayan! nagising ako dahil dito"

"Nagpapadala lang naman sila ng ganito kapag may bagyo, lindol o tsunami diba?"

" Warning!?"

" Disaster?"

Sari saring komento ang narinig ko mula sa paligid at marahan akong napatingin sa ate ko na busy maglaro sa cellphone nya

Hindi ba sya nakatanggap ng ganito?

"Natalo tuloy ako!" rinig kong bulong nya

May halong inis sa pagsabi nya dahil sa tingin ko ay natalo sa nilalaro nya dahil sa warning message na dumating ngayon ngayon lang pero para saan yun?

Wala naman akong nababalitaang merong bagyo ang darating?

Kung lindol man, napredict nila kung kailan dadating?

Kung tsunami naman, possible pero wala namang bagyo

Para saan kaya yung warning nayun?

Nagulat ako ng biglang namatay ang ilaw sa buong cabin saka biglang umulan

Nagtaasan bigla ang balahibo ko sa katawan at napatingin sa labas

"May bagyo palang parating" rinig kong sabi ng isa sa tao dito sa cabin

Mukang may bagyo nga dahil makulimlim ang paligid

Train To Seoul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon