[  TRAIN TO SEOUL : CHAPTER 13 ]



"Kasalanan mo!"

Sa pagmulat ng mata ko isang muka lang ang nakikita ko, mukang punong puno ng galit.

"Kasalanan mo kung bakit namatay sila!"

Muka ni Aira.

Nakatingin lang ako sa kanya habang tinatanggap lahat ng pananakit nya sa akin, mga hampas at tulak na nangangahulugang kasalanan ko lahat.

"Kung hindi mo sana tinawag si papa, hindi sya sana mamatay! Kasalanan mo lahat!"

Sa bawat bitaw nya ng mga salita ramdam na ramdam ko ang sakit at kirot na kinikimkim nya.

Umalis sya sa harap ko at naglakad palayo.

Gusto ko syang habulin pero para bang napako ang paa ko sa kinatatayuan ko, hindi ko sya magawang sundan man lang.

Nanatili akong nakatayo at hinahayaan ang mga taong dumaan daan sa gilid ko.  Mabilis ang kanilang lakad na para bang nagmamadali sila.

Para bang nawala ako sa sarili ko kasi wala na akong marinig pa

Wala na akong marinig na iba.

"Kyla...."

Nang marinig ko ang pangalan ko, unti unti na akong humikbi at umiyak.

Lumingon ako at pagharap ko mas lalo akong umiyak.

Agad kong nilapitan at niyakap ang taong tumawag sa akin, umiyak at paulit ulit na sinisisi ang sarili.

"Shhh. Hindi mo kasalanan. Aksidente ang nangyari..."

Mas lalo pang lumakas ang pag iyak ko na sa tingin ko ay napakalakas. Siguro ay nakatingin na sakin ang mga taong dumadaan pero sinawalang bahala ko ang lahat dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"K-kasalanan ko lahat!" umiiyak na wika ko sa kaibigan ko.

"Hindi mo kasalanan. Aksidente ang lahat, okay?"

Paulit ulit akong pinaaalahanan ng kaibigan ko na hindi ko kasalanan pero hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari.

Ang bigat bigat ng nararamdaman ko ngayon at ang sakit sakit ng nararamdaman ng puso ko. Halo halo na ang nararamdaman ko ngayon na para bang gusto ko nalang maglaho.

Gusto ko nalang maglaho para matakbuhan ko 'tong tanginang problema na ito.

------

"Kumain ka muna..." May isang biscuit na inilapag sa tabi ko at bahagya akong napatingin doon.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay umiyak ako dahil ang biscuit na inilapag sa tabi ko ay ang buscuit na laging binibigay sa akin ni Daddy kapag nagtatampuhan kami.

Isang biscuit bilang pambawi para hindi na ako magtampo.

Patuloy ang pag iyak ko hanggang sa maramdaman ko ang mahinang paghagod sa likod ko na nangangahulugang naandito lang ako.

"S-sorry D-dad!" humahagulgol na wika ko habang hawak hawak ang biscuit.

Ramdam ko ang titig ng mga tao sa paligid ko habang umiiyak ako pero hindi ko alintana ang mga tingin sa akin dahil mas nakapokus ako sa sakit na nararamdaman ko.

Today is Sunday that supposed to be a family day but ends up as mourning day.

Dad, I'm sorry.

Train To Seoul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon