[ TRAIN TO SEOUL : CHAPTER 6 ]




[ KYLA POV ]

Naglakad na ako pabalik sa canteen pagkatapos ko kausapin ang isang very important person

Tsk.

Pagbalik ko ay nagtaka ako dahil wala na don si Aira at mas nagtaka ako na merong isang lalaki na ang nakaupo sa kung saan kami nakaupo kanina

Tumaas nalang ang kilay ko ng makilala ko ang lalaking to, ito yung lalaking nasa likod ko kanina habang nakapila

Bakit sya nakaupo sa mesa namin?

Nilapitan ko sya at kinuha ang atensyon nya

"Kuya nakita mo ba yung babaeng nakaupo dito kanina?" tanong ko

May tinuro syang place kaya nilingon ko yun

Nasa kabilang side yun ng cabin na palayo sa cabin namin

"Salamat"

Naglakad ako agad papunta don dahil kung ano nanaman siguro ang gagawin nya

Ano naman kaya ang ginagawa don ni Aira?

Papasok na sana ako papunta sa isang cabin ng biglang tumigil ang train na para bang may mababangga

Akala ko ay mauuntog na ako sa salamin ng pinto pero buti nalang may kamay na sumalo

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil akala ko ay mababasag na ang bungo ko dahil sa pagpreno ng driver

Hoo! muntik na akong mauntog

Umayos ako ng tayo dahil bahagyang nakasubsob ako

"Ano bayun!?" rinig kong komento mula sa isa sa mga pasahero

Tinignan ko ang may ari ng kamay na sumalo sa ulo ko para magpasalamat

"Okay kalang?" tanong sakin ng lalaking tinanungan ko about sa kung nasaan si Aira

Maliit ang mundo pero bakit naandito sya?

Tumango nalang ako bilang sagot at binuksan ang pinto

Pagpasok ko ng susunod na cabin ay maingay sa buong sulok dahil nga sa pagpreno bigla ng train

Pati ako naiinis sa nangyayari dahil akala ko ay mauuntog na ako, paniguradong masakit kung nauntog ako

Napahaplos nalang ako sa noo ko habang iniisip kung anong mangyayare kung nauntog nga ako

"Ano ba ang nangyare?"

"Okay kalang?"

"Hana?"

"Nakakagulat"

"Ano bayan! Hindi nag iingat"

"Nagbayad tayo ng maayos tapos ganito!?"

"Saan ba pwedeng umihi?"

Ang daming komento ang narinig ko

Halo halo, ang iba ay nag aalala at ang iba naman ay naiinis na sa nangyari

Hindi ko nalang inisip ang sinasabi ng mga tao sa paligid ko at nagpatuloy sa paghahanap kay Aira

Isa na sigurong matuturing na clumsy ako dahil nang muling umandar ang train ay napasubsob ako sa isang upuan at gumulong

"Aray!" bulong ko sa sarili ko

Umayos ako ng upo sa sahig ng cabin.

Nakaramdam ako ng hapdi sa parteng braso kaya tinignan ko ang braso ko at nakita kong merong sugat pero hindi naman malalim kaya hinayaan ko nalang

Train To Seoul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon