[ TRAIN TO SEOUL : CHAPTER 5]



[ KYLA POV ]

Sumasakit ang ulo ko kapag naiisip ko ang mga pinagsasabi ng kaibigan ko kanina

Parang ewan

Hindi ko maintindihan

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong magvibrate

Alas dose na pala ng madaling araw pero hindi pa ako tulog dahil sa napanood ko kanina

Tulog na ang lahat sa paligid ko pati ang kapatid ko pero hindi pa ako dinadalaw ng antok

Binuksan ko ang messange na galing sa Lola ko

From: Lola

Apo, okay lang ba kayo?

From: Lola

Nanaginip ako ngayon na naaksidente kayo sa train

From: Lola

Apo nag aalala ako

From: Lola

Kamusta na apo ko?

From: Lola

Si Aira? Tulog naba si Aira?

Agad akong nagtipa ng messange para sa Lola ko, nakangiti akong nagtitipa dahil madaling araw na pero nagtext pa si Lola para tanungin kami kung okay lang kami

To: Lola

La, okay lang po kami ni Aira. Hindi po kami naaksidente. Tulog narin po si Aira dito. Matulog kana po La. Text po ako bukas para makatawag po ako

Agad kong sinend ang messange nayun saka pinikit ang mata ko

Nagpapasalamat talaga ako na yung Lola ko ang nasa tabi namin

Sobrang pasalamat ko sa Lola ko

Napahikab nalang ako dahil sa wakas ay dinalaw na din ako ng antok

Kanina ko pa gustong matulog pero ayaw akong patulugin

Pinikit ko na agad ang mata ko at mabuting nakatulog ako

---

Napabalikwas ako bigla dahil sa malakas na ingay

"Ano bayun..." reklamo ko

"Cellphone mo ate"

Cellphone ko?

Hinanap kong nakapikit ang cellphone ko dahil sa antok ko

Nang tumapat sa muka ko ang cellphone ko ay sobrang labo non kaya halos idukdok ko ang muka ko sa cellphone ko para buksan nag brightness

Nag alarm pala ang cellphone ko

Agaran kong pinatay ang cellphone ko at bumalik sa tulog

Train To Seoul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon