[ TRAIN TO SEOUL : CHAPTER 9 ]
"Inaabisuhan namin ang lahat na umupo muna sa kanilang inuupuan at manatiling kalmado" napalingon ako sa pinanggaling ng boses nayun at nalaman kong namula yun sa speaker na nakalagay sa taas na bahagi ng train.
Panandalian akong napatitig sa speaker at tinuon ang tingin sa mga pasahero na nagsisimula ng kumilos
Sinunod ng mga pasahero ng train ang sinabi ng nasa speaker na naupo pero hindi nila magawa ang salitang kalmado.Walang sino man ultimo ako ang nanatiling kalmado kung ang paligid ay nagkakagulo na
Nanginginig ang kamay ko sa nangyayari. Nahihilo at kumakabog ng malakas ang dibdib ko
"Jusko!Ang anak ko nasa eskwelahan pa" natatakot na usal ng isang babaeng nagpapanic na sa kanyang kinauupuan
Hindi sya mapakali habang ang cellphone nya ay nasa tenga nya na pakiwari ko ay tinatawagan nya ang anak nya na nasa eskwelahan pa
Pabalik tayo at upo ang ginagawa nya habang pabalik balik din sa tenga nya ang cellphone nya. Siguro, napupudpod na ang mga kuko nya kakapindot sa cellphone nya habang nababakas sa muka nya ang taranta at takot
Nanatiling nakaupo lang ako habang pinagmamasdan ang nasa labas.Itinuon ko nalang ang mata ko sa labas para mawala sa isip ko ang takot. Nang mapadaan kami sa isang lugar ay napansin ko agad na magulo ang paligid, ang mga sasakyan ay umuusok at nakabangga sa isa pang sasakyan
Ang mga kalsada ay napupuno ng mga dugo at kalat
Magulo at makalat sa paligid pero tanging pagkunot noo nalang ang nagbakas sa muka ko ng may mapansin ako sa isang sasakyan, hindi ko maaninag kung ano ang nasa loob pero nasisiguro kong may tao don
May tao habang merong mga nilalang sa labas
Gusto kong tulungan ang nasa loob pero wala akong magagawa dahil nasa loob ako ng train, mabilis lang nalampasan ng train ang nakita ko. Siguro nga ay ako lang ang nakakita.
Naguguilty ako
Naguguilty ako kasi di ko magawang tumulong
Iniwas ko nalang ang tingin ko sa labas at tinuong muli sa mga pasahero. Hindi pa ako nakakatagal tumitig sa mga pasahero ng may magsalita sa gilid ko
"May nakaupo?" mabilis kong nilingon kung kanino nanggaling ang boses
Nagmula iyon sa lalaking may hawak na bata
Umiling nalang ako bilang sagot dahil wala namang nakaupo sa tabi ko. Wala naman ang ate ko na hindi ko alam kung saan nanaman pumunta. Lagi nalang sya nawawala
Lagi nalang syang nawawala sa paligid
"Salamat" usal nya sabay upo sa tabi ko
Napansin kong ang batang hawak nya ay mahimbing na natutulog sa kanyang balikat. Siguro ay anak nya ang bata
"Good day everyone. Our next station is Ducheon. Please do standby and avoid pushing. Thank you"
Napatingala ako sa pinanggagalingan ng boses dahil malapit na pala kami sa Ducheon. Halos limang na bayan na pala ang nadaanan namin at pang anim ang Ducheon.
Hindi ko napansin
Bigla akong nakaramdam ng ihi kaya tatayo na sana ako para pumuntang banyo pero bigla nalang tumigil ang train
Halos kumapit ako ng mahigpit sa upuan dahil sa biglang pagpreno ng train. Pakiramdam ko tatalsik ako kung hindi ako nakakapit"Ahhhh!!!"
"Ano ba iyan!"
"Jusko"

BINABASA MO ANG
Train To Seoul
Science FictionNabuhay ako ng wala sya sa buhay ko. Nabuhay ako ng walang aruga mula sa kanya. Nabuhay ako na hindi humihingi ng pagmamahal sa kanya pero isang araw, hinanap ko ang pagmamahal nya. Umasa akong makita ko sya uli kahit na magulo na ang mundo kung nas...