"Ano wala ka nanamang gagawin bwiset kang babae ka!" Napalundag ako sa kinakaupuan ko ng marinig ang biglaang pagsigaw ni Aunt Loly
Pagkaangat ko ng tingin ay naabutan ko siyang nakatingin sakin ng masama kaya'y napalunok ako.
"May pasok pa po ako mamaya baka po kasi ma-late ako." Kinakabahang sabi ko baka kasi mamaya sampalin niya ako o sabunutan, Ganon siya o sila pag walang mapag-initan, sa'kin ibinubunton ang galit.
"Bastos ka talagang bata ka buti pa nga at kinupkop ka namin dito! Tas simpleng gawaing bahay eh ayaw mo pang gawin?! wala ka talagang kwenta!" Dire-diretsyong sabi niya.
Parang piniga ang puso ko nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Dahil iyon din mismo ang sinabi ng mga sarili kong magulang sakin.
"Ano pang tinatanga mo diyan?! magluto ka ng umagahan para sa'min! Punyetang bata talaga!"Gigil na sigaw niya ulet.
Kaya tarantang tumayo ako at sinunod ang kaniyang utos. Tumingin ako sa orasan buti at may ilang oras pa bago mag start ang klase. Ang mas maganda pa neto ay maaga akong nagising kung hindi ay baka late nako nito.
Kung titignan palagi nila akong sinisigawan pag may mali akong ginawa o sinaway sa utos nila.
Cinderella lang ang peg? Kaso si Cinderella walang depression at hindi nila sinasaktan, Tiyaka may prince charming siya.
Ako? Wala, hindi, ayoko.I oath to myself that I will never fall in love.
Kasi natatakot akong magaya sa mga magulang kong naghiwalay at may kanyang-kanya nang pamilya.Naranasan ko kung pano sila magsigawan sa harapan ko, Ni hindi nga nila ako naalala nung gumawa ulet sila ng bagong pamilya.
Hindi man lang nila naalala na may anak sila o kung tinuring nga nila akong anak, Sabi kasi nila malas daw ako.Kaya kahit masakit kinakaya ko parin na itinaboy ako ng sarili kong magulang.
Sa tuwing may nakikita akong masayang pamilya napapaisip ako na sana ganyan din ako walang iniisip. Masaya lang kasama ang pamilya.
Love? Hindi na ako nainiwala diyan kasi ayon ang nakita ko sa mga magulang ko. wala silang pagmamahal sa isa't isa. Nagpakasal lang sila dahil sakin. Pero siguro ito na nga ang tadhana ko, ang maghirap.
BINABASA MO ANG
My Only Exception (Tantum mea series #1)
General FictionA strong girl, That's the best word to describe Ailene Adya Agustin. Her parents gave her a trauma about forever indeed. To the point that she swore to herself that she will never fall in love. Or as she thought. That's when Adiel Zeev Miller came...