***
Tulala lang ako habang nag klaklase kaya hindi ko namalayan na uwian na pala. Half day lang kami ngayon dahil may biglaang meating ang mga teachers.
Siguro tungkol sa nalalapit na exam ang pag m-meetingan nila. Ilang linggo na lang kasi at exam na namin at tapos na ang 1st sem. Konting tiis na lang at 4th year na ako.
Nasa labas ako ng gate ng university namin habang hawak ang cellphone ko at ilang beses na binasa ang email na dumating sa akin. Ilang minuto kong tinitigan ang email na sinend sa akin habang nag iisip ng mabuti.
From: Unknown
Good afternoon, Ms. Ailene. This is Tessa Francisco, secretary of Valentina Walter. I'd like to let you know that I've scheduled your appointment for this afternoon at 2 p.m. I'm sorry for the rush, but Ms. Walter wants to meet you very soon.
Tinignan ko kung anong oras at ala una na pala ng tanghali. Tinignan ko ang address na sinend niya bago napapikit ng mariin at huminga ng malalim.
Pagmulat ng mata ko ay mabilis akong naghanap ng masasakyan. Nang makakita ako ng taxi ay mabilis kong pinara ito at sinabi ang address ng pupuntahan ko. Buti na lang ay may pera akong dala.
Napailing na lang ako ng maalala ko na may credit card na binigay sa akin si Adi at sinabing allowance ko daw iyon. Akala ko 10k lang ang allowance ko kada buwan dahil ok na ako doon at mukhang sobra pa nga, kaso nagulat ako ng makitang 50k ang laman ng credit card.
Nung una ay akala ko 50k kada buwan ang bigay ng allowance niya sa akin, pero nagulat ng makalipas ng isang linggo nadagdagan ang ang laman ng credit card ng 50k ulit.
Kahit gaano pa kalaki ang binigay niyang pera sa akin ay kumukuha lang ako ng dalawang-libo kada linggo, dahil nakakahiya at baka sabihin ng iba na pineperahan ko lang siya.
Mahigit isang oras din ang naging byahe ko bago pinara ang sasakyan. Pagbaba ko namangha ako sa magandang building na nasa harapan ko. Ilang ulit ko pang binasa ang address kung tama ito, bago simulang humakbang papunta sa loob ng building.
Hinarang ako ng gaurd sa entrance, kaya sinabi ko na may appointment ako kay Ms. Valentina Walter. May kinuha siyang listahan bago ako papasukin.
Dumeretsyo ako sa Receptionist at nag tanong kung anong floor ng office ni Ms. Valentina Walter. Tinanong niya ang pangalan ko and I politely answer. Nag type siya sa computer niya bago sabihin kung anong floor ni Ms. Valentina.
Tinuro niya kung saan ang elevator kaya nagpasalamat ako bago umalis. Saktong paglapit ko sa elevator ay bumukas ito kaya pumasok na ako, pinindot ko ang pinakamataas na floor kung saan ang office ni Ms. Valentina.
Bumulis ang tibok ng puso ko sa kaba ng bumukas ang elevator, huminga ako ng malalim bago lumabas at dumeretsyo sa may table kung saan may tao. Mukhang siya ang secretary ni Ms. Valentina.
Binati ko ito kaya napatingin siya sa akin at ngumiti.
"You must be Ms. Ailene Adya Agustine. This way Ms. Ailene." She guided me to the door in front of her and knocked three times before opening the door.
Huminga ulit ako ng malalim bago pumasok. Nilibot ko ang tingin at namangha sa sobrang lawak ng silid. Napatingin ako sa harap at ilang minutong natulala dahil nakakita ako ng isang magandang nilalang. Grabe ang ganda niya.
Mukha siyang nasa 30 years old pero grabe pa din ang ganda niya. Natauhan ako ng tumikhim siya at tinuro ang upuan sa harap niya kaya nahihiyang umupo ako doon.
BINABASA MO ANG
My Only Exception (Tantum mea series #1)
General FictionA strong girl, That's the best word to describe Ailene Adya Agustin. Her parents gave her a trauma about forever indeed. To the point that she swore to herself that she will never fall in love. Or as she thought. That's when Adiel Zeev Miller came...