Chapter 1.

14 1 0
                                    


***

First day of school in college at halos gusto ko nang umuwi dahil sobrang daming tao ang nakikita ko at halos lahat sila ay may mga kasama. 

Simula bata ako wala akong naging kaibigan dahil tingin nila sakin ay weirdo or lonely, Lagi din nila akong binubully kaya halos sa bahay lang ako, Natatakot na baka saktan nila.

While when I'm in highschool mas lumala ang pang bubully nila sakin. Wala akong magawa dahil pag lumaban ako ay mas lalo lang nila akong sasaktan. 

I came back to reality when someone bumped me from behind. Dahilan ng pagkatumba ko at pagkalat ng mga libro ko sa sahig.

Ni-hindi man lang nag-sorry kaltukan ko yun eh. 

Pag-angat ko nang tingin halos mag init ang pinsge ko ng Makita halos lahat sila nakatingin sakin at
pinag-tatawanan.Tumingin ako sa bumunggo sakin at nakitang nakatingin siya sakin at tulad nila tumatawa din siya. 

 Umagang kay malas. 

Pinag-pagan ko ang suot kong blouse at pantalon. I partnered it with a sneakers and a backpack na kulay pink. 

 Huminga ako nang malalim bago pumasok sa gate ng university. 

Pag pasok ko halos mahimatay ako sa kahihiyan ng makita ko na andaming nakatingin sakin.Yung iba nakatingin at mahinang tumatawa,Yung iba naman nakatingin sakin na nandidiri at yung iba galit kung makatingin. 

Pano ba naman halos puro mayayaman ang nandito sa paaralan na ito. Mga mapanghusga.

While me, I'm a scholar kaya inasahan ko to. Kaya kahit na kinakabahan na baka lapain nila ako dito ng buhay ay nagpatuloy akong maglakad. 

I checked my schedule for today at nakitang ilang minuto na lang magsisimula ang klase ko kaya binilasan ko na ang paghahanap. 

After class mabilis akong lumabas sa gate kasi pakiramdam ko nakatingin parin sila sakin nang may mapanghusgang mata. 

Gusto ko nang maiyak kasi lagi na lang ganto pero pinigilan ko ang sarili ko.

Pagdating sa bar na pinatatrabahuhan ko nalaman kong maraming nag day off ngayon kaya ako ang inutusan nila mag linis ng mga lamesa. 

Pagsapit ng alas otso parami na ng parami ang mga tao sa bar kaya nagkanda-ugaga kaming mag asikaso, Halos mga bigatin tao ang nandito sa bar kaya natatatarata kami mag ayos ng mga inorder nila. 

"Adya,Paki serve nga ito sa table no. 6." Narinig kong sabi ng katrabaho ko. 

Dali-dali ko naman itong kinuha at dumeretsyo sa table no.6. 

Narinig kong nag iinagay ang mga tao don at halos lahat sila ay wala na sa katinuan at lasing. 

Napatingin ako sa orasan ko at napagtantong mag aalas onse na kaya pala madami na ring mga lasing at kung ano-ano ang ginagawa sa gilid na hindi ko alam dahil hindi ko naman sila nakikita. 

Siguro naguusap? May naririnig kase akong kakaiba. Minsan nga naririnig kong parang may kakaibang tunog hindi ko naman mapuntahan kasi natatakot akong baka mapahamak ako at saktan din kagaya nung ingay na iyon. 

Habang nagaayos ang pagserve sa kanila nagulat ako nang may biglang sumipol at umakbay sakin. Kinabahan ako pero hindi ko iyon pinahalata. 

Binilisan ko na lang ang pag serve bago alisin ang akbay ng kung sino man niyon. 

Pero laking gulat ko nang may humawak sa siko ko, Kinakabahan man ay pinilit kong ngumiti bago nagsalita."May kailangan po ba kayo?."Tanong ko sa kanila. 

"Miss anong pangalan mo?." Tanong nong nakaakbay sakin. 

Napalunok ako bago tangalin ang paghawak niya, Pilit akong ngumiti bago nagsalita."Excuse lang po pero tawag na ho ako ng boss ko." 

Dali-dali akong tumalikod at halos lakad-takbo ang ginawa ko.Narinig ko ang tawag nila sakin pero diko na iyon pinansin.

"Adya" Tawag sakin ng katrabaho ko.Kaya bumaling ako sakanya at pilit na ngumiti sa sobrang pagod sa pag seserve. 

"Sa V.I.P. room mo iserve ito at pwede ka na daw umuwi." Mataray na sabi ni Maya sakin, nakataas pa ang kilay na halatang fake bago ako irapan.

Pilit naman akong ngumiti bago kuhain ang order at bumuntong hininga sa sobrang pagod. 

Inayos ko muna yung sarili ko bago pumunta sa may V.I.P. room.

Pagkarating ko don ay huminga muna ako ng malalam dahil sa hingal bago kumatok ng tatlong beses bago buksan ang pinto.

Nakita kong may limang lalake at madaming babae sa mga tabi nito pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ang lalaki seryoso ang mukha at malamig ang tingin bumaling sakin.

He is wearing a white long sleeves buttondown shirt that hugged his body, I can see that he has a broad shoulder and his muscle hmm sarap... Nakapantalon din siya. 

Umangat ako nang tingin sa mukha nya at halos mapalunok ako dahil nanunuyo lalamunan ko. 

They're all handsome like a greek god but this one, Halatang siya ang favourite sa kanila. 

Kahit nanghihina ang tuhod sa mga titig niya pinagpatuloy ko parin lumakad palapit sa lamesa. 

Dahan-dahan ko ibinaba ang mga drinks nila at pinagmasdan siya sa gilid ng aking mata. 

I saw his messy black hair that almost reached his eyes, His pointed nose at gusto ko iyon pasadahan ng aking kamay kaya pinilig ko ang aking ulo sa naisip.

Favorite ka ni God, Unfair.

Pagtapos ko magserve umangat ang tingin ko para magpaalam ngunit muntik na akong matumba ng dahil sa asul na matang nakatitig sakin. 

Mataman niyang sinusundan ang bawat galaw ko kaya muli akong napalunok. Mahahaba din ng kanyang pilik-mata at pulang labi na masarap kagatin.

Ngayon ko lang napansin ang dalawang babae sa magkabilang gilid niya, Mukhang hindi naman niya iyon pinapansin kasi nakita kong kinukuha ng mga babae ang atensyon nya pero nasaakin lang nakatingin na para bang isang iwas niya lang mawawala nako sa paningin niya.

Ngayun ko lng napansin ang mga mata nila sakin lahat kaya nahihiyang ngumiti ako.Nakita ko pang masama ang tingin sakin ng dalawang babaeng katabi ni kuya kanina.

Halos batukan ko ang sarili ko sa mga naiisip ko kaya bago pako mabaliw sa kagwapuhan niya nag paalam nako at lumabas.

Pagsara ko ng pintuan nanghihinang napasandal ako sa pader, Ngayon ko lang napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang hininga ko.Huminga muna ako ng malalalim bago pumunta sa locker ko.

Nagpalit muna ako ng damit bago umiwi.

Pag uwi ko ilan pang panunumbat ang narinig ko kay tiya loly bago pumunta sa kwarto ko na dati ay budega, Hanggang ngayon din pala kasi madami pang mga lumang gamit dito.

Pagtapos kong mag linis ng katawan humiga nako sa kama ko na manipis ang foam pero ayos lang naman.

Feeling ko andami na nangyari ngayong araw kaya pagod na pagod ako,Pagtingin ko sa orasan alas tres na pala ng madaling araw.

Pinikit ko ang mata ko nakita ko ang mukha ng lalaki kanina.Feeling ko hanggang ngayon nalulunod parin sa mga titig niya kaya kahit mahirap matulog, Pinilit ko parin ang sarili ko dahil maaga pa pasok ko bukas.

***

My Only Exception (Tantum mea series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon