***
Nag simulang lumabo ang paningin ko. Nag taas-baba ang dibdib ko at bumara ang lalamunan ko.
"Biruin mo, isang taon pa lang kaming kasal may nabuntis siya!" Galit na sabi niya.
"I left him. Ginantihan ko siya, nabuntis din ako, but I came back to him kasi mahal ko pa din siya! Pero tuwing nakikita kita naalala ko ang masakit na ginawa niya sa akin!"
"Alam kong hindi niya ako mahal ng kinasal kami, pero masakit dahil gusto niya akong manatili para maging ina ng anak niya. Dahil ang ina ng anak niya ay iniwan siya dahil may mahal itong iba!"
"Gusto niya akong manatili sa tabi niya para mabigyan ka ng kumpletong pamilya! At alam mo ba kung sino ang ina ng anak niya?" Ngumisi siya ng makahulugan.
"I heard na naaksidente siya at walang maalala. Sino kaya yon? Kilala mo ba?"
"I'm sure kilala mo ito. Baka nga nakaramdam ka ng lukso ng dugo ng hindi mo alam eh." Hindi mabura-bura ang ngisi sa labi niya ng may magsalita sa sa likod namin.
"What is happening here?" Nakita ko ang Mama ni Adi na papalapit sa amin kaya kumalabog ang dibdib ko sa kaba ng mag-tama ang mata namin.
"Oh! Good. So, should I spill the truth?" Nakangising sabi ni Mommy. Nakita ko ang pagka-lito sa mukha ng Mama ni Adi habang nakatingin sa amin dalawa.
"Emma, what are you talking about?" Nagtatakang sabi niya.
"Ok, let's take it slow first." Nakangisi na siya ng malawak. Hindi ako maka-imik ng magsimula siyang mag-kwento.
"20 years ago, kinasal kami ni Antonio dahil sa mga magulang namin. Masaya ako dahil matagal ko na siyang gusto, pero nakabuntis siya ng iba." Tumalim ang tingin niya.
"At alam mo kung sino 'yon, Minerva?" Tumingin siya sa Mama ni Adi na bakas parin ang pagkalito sa mukha.
"Ikaw 'yon! Ikaw!" At tumawa pa siya na halatang natutuwa sa mukha naming nalilito.
"At alam mo kung sino ang anak mong kinalimutan mo?" Parang hindi ko na kaya ang nangyayari. Ayoko ng marinig pa ang susunod na sasabihin niya ng bumaling siya sa akin at nakita ko ng mas lalong lumawak ang ngiti niya ng makita ang mukha ko.
"Ikaw Adya? May hula ka ba kung sino ang anak na kinalimutan niya para sa pag mamahal niya sa lalaking hindi naman siya ang mahal?" Tanong ni Mommy sa akin.
Umiling ako ng umiling habang humikibi. Ayoko nang makinig! Ayoko na!
"T-tama na! T-tama na! Ayoko na, Mommy." Humihikbing sabi ko. Tumalim ang tingin niya sa akin.
"Huwag mo akong ma-Mommy-Mommy dahil hindi naman kita anak! Ito dapat ang tinatawag mong Mommy dahil siya ang tunay mong Ina!" Sabay turo sa Mama ni Adi na natulala sa sinabi niya.
Parang bombang sumabog ang sinabi niya, para akong nabingi. Hindi ako makapag salita ng sumigaw ang Ina ko daw.
"Hindi! hindi ko siya, anak. Hindi ko siya matatangap na anak! Wala kang patunay na anak ko nga siya! Si Zeev lang ang anak ko at wala ng iba!" Sigaw niya.
Mas lalo akong nasaktan sa sinabi niya. Habang tinitignan ko ang tunay kong Ina na masama ang tingin sa akin unti-unti akong nadudurog. Bakit galit siya sa akin? Wala naman akong ginawang masama?
"Here! Nandyan lahat." Binato ni Mommy ang papel na hawak niya sa kamay. Ngayon ko lang ito napansin, mukhang pinaghandaan niya talaga ang araw na ito.
Pinulot ito ng Ina ko at binasa ang laman. Nabitawan niya ang papel sa sahig kay nakita ko ang lama nito. DNA, at nag match kami. Marami pang mga ibedensya na nag papatunay na anak nga ako ng Mama ni Adi.
BINABASA MO ANG
My Only Exception (Tantum mea series #1)
Fiksi UmumA strong girl, That's the best word to describe Ailene Adya Agustin. Her parents gave her a trauma about forever indeed. To the point that she swore to herself that she will never fall in love. Or as she thought. That's when Adiel Zeev Miller came...