Chapter 11

6 0 1
                                    

Triggered Warning: Abuse, Violence.

***

Nanginginig ako ng humakbang siya palapit sa akin ng nakangisi kaya mabilis akong umatras at sumiksik sa may gilid. Nakita ko ang mukha niya kaya nakita ko ang iniwan kong sugat na naging peklat sa may gilid ng mukha niya. 

"T-tito Andro." Nanginginig na sabi ko.

Tumigil siya bago tumawa ng malakas, nang tumigil siya sa kakatawa nakangising dumeretsyo siya papasok sa bahay nila tiya. Pero bago siya makapasok may iniwan siyang salita na kinahinto ng tibok ng puso ko.

"Nandito ako para kausapin si Christian na kukunin kita at sa akin ka titira. Alam ko naman na walang pagdadalawang isip ka niyang ibibigay sa akin, at pag nakuha kita doon magsisimula ang impyerno mong buhay."

"Huwag mo rin tangkain tumakas dahil na sa paligid lang ang mga tauhan ko, pwede ka nilang saktan at barilin pag tumakas ka." Tumawa siya na parang baliw bago tuluyang pumasok.

Nanghihina akong napaupo, nagsimula na rin akong humikbi. Nagsimula na rin lumabo ang mata at nakaramdam ng hilo dahil sa pagkabagok ng ulo ko kanina.

Iyak lang ako ng iyak hanngang sa may naramdaman ako na gumagalaw sa bulsa ng jacket na suot ko. Kinuha ko iyon at nakitang cellphone ni Adiel, tumatawag siya sa akin hindi ko alam kung sasagutin ko iyon o hindi dahil ayaw ko siyang madamay sa gulo ko.

Napahinga ako ng malalim ng mamatay ang tawag ng hindi ko sinasagot. Akala ko hindi na siya ulit tatwag pero nakita kong umilaw ulit ang cellphone kaya huminga ako ng malalim at pinigalan ang hikbi ng sinagot ko ang tawag.

Tahimik lang ang kabilang linya kaya tumikhim ako.

"H-hello." Ako na ang naunang magsalita.

"Are you sleeping? Did I wake you up?."Malambing na sabi niya. Nang marinig ko ang boses niya nagsimula ulit akong humikbi, pinipigilian ko pero masakit sa lalamunan kaya mas lalong lumakas ang hikbi ko.

"A-adiel." Natahimik ang kabilang linya bago may narinig akong kumalabog.

"Why are you crying? Did someone hurt you?" May pagaalala at taranta sa boses niya.

"Kukunin niya ako, kukunin niya ako." Paulit-ulit na sabi ko habang umiiyak.

"Who?"

"Huwag kang pupunta dito delikado, ayaw kitang madamay." Alam kong myembro ng sindikato si Tito Andro  kaya mapapahamak si Adiel pag pumunta siya dito. Isa din iyon sa dahilan kaya gusto niya akong makuha.

"What?!" Medyo tumaas ang boses niya.

"Adiel, sasaktan ka niya. Huwag kang pupunta."

"No! I will fucking go there." May diing sabi niya. "Tumakas ka na diyan, Ailene."

Umiling ako kahit hindi niya nakikita."May tauhan siya sa paligid, may dalang baril. Babarilin nila ako pagtumakas ako." Nanghihinang sabi ko, naririnig ko ang mga mura niya sa kabilang linya.

"Where are you?" Naging malamig ang boses niya.

"Na sa bahay." Mas lalo akong nakaramdam ng hilo kaya humina ang boses ko.

"Did they hurt you?'

"A-adiel."

"Did they hurt you?" May diing sabi niya.

"Hindi." Sabi ko para hindi siya mag alala sa akin. Nakarinig ako ng kalabog sa kabilang linya, may naririnig din akong kausap niya pero hindi ko naririnig kung anong pinaguusapan nila.

"Delikado dito huwag kang pumunta, mapapahamak ka lang."

"No! J-just hold on." Narinig kong nahihirapan na sabi niya kaya napangiti ako ng maliit.

My Only Exception (Tantum mea series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon