***
"Love, calm down." Kalmadong sabi ni Adi habang nagmamaneho. Tinatamad ako minsan tawagin siyang Adiel kaya Adi na lang para maiksi.
Pero hindi pa rin ako mapakali sa kinauupuan ko, panay ang galaw at buntong-hininga ko para pakalmahin ang sarili. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Papunta kami sa mama ni Adi para mag dinner at sobrang kinakabahan ako na pinagtataka ko dahil ramdam ko na pinagpapawisan ako ng malamig. Naramdaman ko ang kamay ni Adi sa akin at dinala niya yon sa labi para halikan.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya yon. Sumulyap siya sa akin ng sandali at ngumiti kaya medyo kumalma ako.
"Kailan ang huling kita ninyong dalawa ng mama mo?" Tanong ko sa kaniya. Sumulyap siya sa akin bago nag kibit-balikat.
"I don't know. 2 years? 3 years?"
"Hiwalay ba silang dalawa ng Daddy mo?" Bahagya siyang natigil sa sinabi ko kaya napakagat labi ako.
"Sorry." Mahinang sabi ko. He gently squeezed my hand and sighed.
"Honestly, I don't really know. My dad doesn't want to talk about my mom, but he didn't know that whenever he has a business trip, Mama would just show up and tell me that she's my mother, which sometimes I'm confused about."
"Hindi mo sinasabi sa kaniya na nagpapakita sa iyo ang mama mo?" I ask confuse.
"He always dismissed the topic whenever I talked about my mom. I could tell he was in a lot of pain by the look on his face whenever I asked about mom." Natahimik kami saglit sa sinabi niya.
"Besides, ang huling kita ko na magkasama silang dalawa is when I am 6 years old. Though my dad always act civil at laging walang pakealam kay mama."
Mabilis kong binago ang topic dahil nakikita ko ang lungkot sa mata niya and I got a glimpse of longing in his eyes.
Mahigit isang oras kaming byumahe ng huminto kami sa isang malaking gate. Nakipag-usap si Adi sa mga gwardya na nag babantay sa gate. Nang matapos siyang makipag usap ay unti-unting bumukas ang gate.
Nilibot ko ang paningin ko ng umandar siya at maya-maya ay may nakita akong isang mansyon. Pinarck muna ni Adi ang sasakyan bago lumabas para pagbuksan ako ng pinto.
Nagsimula ulit akong kabahan nang papunta na kami sa mansyon. Naramdaman ang braso ni Adi na pinalibot sa bewang ko at bahgya akong hinapit sa kaniya.
"I had a bad feeling about this." Mahinang bulong ni Adi na narinig ko naman kaya mas lalo akong kinabahan.
Nang bumukas ang double door ay pasimple kong nilibot ang paningin ko hanggang sa pamunta iyon sa grand staircase kung saan may nakita akong isang bulto ng tao.
Bumuba ito ng marinig na bumukas ang double doors kaya pasimple akong nagtago sa likod ni Adi na seryoso naman nakatingin sa mama niyang papunta sa amin.
Pinagmasdan ko ang mukha niya at ewan ko kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Elegante siyang nag lakad papunta sa amin at huminto sa harap ni Adi.
"I'm surprised that you came." Nakataas ang isang kilay habang tinatanong si Adi na seryosong nakatingin sa kaniya.
"What do you want?" Seryosong sabi ni Adi.
"Is that how you greet your mother?" Nakita kong pasimpleng kumuyom ang kamao ni Adi. Hindi sumagot si Adi kaya nakita kong napunta ang tingin sa akin ng mama ni Adi at iyon nanaman ang biglang pag-bilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
My Only Exception (Tantum mea series #1)
Tiểu Thuyết ChungA strong girl, That's the best word to describe Ailene Adya Agustin. Her parents gave her a trauma about forever indeed. To the point that she swore to herself that she will never fall in love. Or as she thought. That's when Adiel Zeev Miller came...