***
Nag-handa ako para pumunta kay mama Camellia. Lagi ko siyang binibisita at alam kong mas lalo kaming naging malapit sa isa't-isa. Para ko na din siyang nanay kaya sabi niya ay tawagin ko na lang daw siyang 'mama Camellia'. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Wala si Adiel ngayon dahil may aasikasuhin lang daw siya. Nagpaalam akong may bibisitahin. Nung una ay hindi siya pumayag kaya nilambing ko siya hanggang sa pumayag na din.
Lumabas ako sa condo niya at nagsimulang maglakad papuntang elevator. Ngayon ko lang naalala na pinasama pala niya ang mga bodyguard sa akin dahil daw wala siya. Nung una kong nakita ang bodyguard niya nagtaka ako at tinanong siya kung bakit may bodyguard sa labas.
At aba! Nagsinungaling pa na hindi daw sila bodyguard. Sabi niya naka costume lang sila dahil may birthday. Napailing naman ako sa sinabi niya. Hindi ako naniwala sa sinabi niya kaya sumusukong sinabi niya sa akin ang dahilan. Para daw sa kaligtasan namin.
Nang makarating sa bahay ni mama Camellia ay masaya ko siyang kinamusta. Ilang oras pa kaming nag kwentuhan bago ako nagpaalam sa kaniya dahil may event na gaganapin sa school bago mag sembreak.
Tumingin ako sa orasan ko ng nasa gate na ako ng school. Saktong 5pm kaya dumeretsyo ako sa canteen dahil doon daw ang meeting place namin para sabay-sabay na kaming dumeretsyo sa gym kung saan gaganapin ang event.
Nang makarating sa canteen mabilis ko silang hinanap. Huminto ang tingin ko ng makita sila kaya hinakbang ko ang aking paa papunta sa kanila na masayang naguusap. Nang malapit na ako sa kanila mabilis akong umupo sa tabi ni Adiel sa kaliwa niya.
Napatingin ako sa tabi niya sa kanan at nakitang si kelly yon. Ngumiti ako sa kaniya pero nagtaka ako nung mabilis niyang iiwas ang tingin sa akin.
Masaya akong nakikinig sa kanila habang nag-uusap. Ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa gusto nilang mga trabaho. Nagulat ako ng bumaling sila lahat sa akin at nagtanong.
"Ikaw Adya? Anong pangarap mo?" Nakangiting sabi ni lily. Lahat sila naka abang sa sagot ko pati rin si Adiel na seryosong mukha at hinihintay ang sagot ko.
Napaisip ako kung ano nga ba ang pangarap ko. Noong bata ako ay may nakikita ako sa mga magazine at billboard na mga model. Sabi ko sa sarili ko dati na gusto kong maging model paglaki ko, but now I don't have the confidence I once had.
I shrugged my shoulder. "I don't know." Natatawang sabi ko pero pinilit nila ako kaya sumusukong sinabi ko na sa kanila.
"A Model." Maiksing sabi ko. Namangha naman silang lahat sa sinabi ko kaya napakunot-noo ako. Manghang-mangha ha?
"Bagay sayo. Matangakad ka naman." Ngumiti na lang ako sa kanila.
"Oonga maganda ka, pwede ka bang ligawan?" Napatingin kaming lahat sa sinabi ni Jake. Magsasalita na sana ako ng may biglang sumingit.
"No." Nabaling ang tingin nila lahat kay Adiel dahil sa sinabi niya pati na rin ako.
"Dude, single naman siya eh."
"No."
"Anong 'No'? Single kaya siya."
"She's not." Naging madiin ang boses ni Adiel at halatang naiirita na. Napalingon ako sa mga kaibigan ko na parang isang magandang pelikula ang pinapanood nila pwera kay kelly na parang naiirita na kaya napailing na lang ako bago din sila panoorin.
"Single siya! Diba Ailene?" Nagulat ako ng tumingin sa akin si Jake. Nakita kong pilit na tinatago niyang ngisi habang pinagtritripan si Adiel. Akmang sasagot ulit ako ng sumingit ulit si Adiel. Walang manners tong batang to!
BINABASA MO ANG
My Only Exception (Tantum mea series #1)
Ficción GeneralA strong girl, That's the best word to describe Ailene Adya Agustin. Her parents gave her a trauma about forever indeed. To the point that she swore to herself that she will never fall in love. Or as she thought. That's when Adiel Zeev Miller came...