Chapter 12

3 0 0
                                    


***

Unti-unti  kong binuksan ang mata ko at napapikit dahil tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Naramdaman kong may mabigat na braso sa tiyan ko at mahigpit ako yakap habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko.

Pagtingin ko dito, nakita ko si Adiel na mahimbing ang tulog. Wala sa sariling tinitigan ko ang mukha niya. Makapal ang kilay at mahaba ang pilikmata, bumaba pa ang tingin ko sa ilong niyang matangos at dahan-dahan pinasadahan ito ng hintuturo ko na matagal ko ng gustong gawin hanngang sa labi niyang mapula at wala sa sariling hinaplos ito.

Napalunok ako habang nakatingin dito, ilang minuto siguro ako nakipag titigan sa labi niya ng maramdaman kong may nakatingin sa akin kaya napaangat ang tingin ko.

Namula ako ng makita ko siyang nakatitig sa akin kaya mabilis akong napaiwas ng tingin pero hinwakan niya ang baba ko at pinaharap sa kaniya. Nagulat ako ng halikan niya ako ng mabilis sa labi kaya namumula ko siyang tinignan ng masma pero ngumisi lang siya.

"Goodmorning, Love." Malambing na sabi  niya. Nawiwirduhan ako sa kaniya, lagi siyang malambing sa akin at lagi akong hinahalikan. Nakulam kaya siya?

"G-goodmorning." Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya. Napapikit ako ng halikan niya ang noo ko bago tumayo, umupo naman ako at sumandal. Enebe.

Nagtaka ako ng mag ayos siya kaya tinanong ko siya kung saan siya pupunta."Bibili lang ako ng makakain natin." Sabi niya kaya tumango ako. Lumapit siya sa akin at hinalikan ulit ang noo ko bago magpaalam na umalis.

Ilang minuto pa akong naghintay sa kaniya ng bumukas ang pinto at pumasok siya dala-dala ang pagkain namin. Hinain niya ang pagkain bago lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Siya na din ang nagsubo sa akin at namula ako ng sumusubo din siya kaya naghati kami sa isang kutsara.

Pinunasan niya ang gilid ng labi ko bago tumayo at tinapon ang pinagkainan namin. May kumatok sa pinto kaya lumapit doon si Adiel at binuksan ang pintuan, nakita ko ang lalaki at sa likod naman niya ay ang mga bodyguard niya.

Kumunot-noo ako at tumingin kay Adiel na agad lumapit sa akin, umupo siya sa tabi ko bago hawakan ng mahigpit ang kamay ko. 

"Goodmorning, miss Agustin. My name is Jason Nazaro, and we'd like to ask you a few questions." Sabi ng lalaki na nasa gitna. Binalingan ko si Adiel na nagaalangan ang mukha pero pinisil niya lang ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

Huminga ako ng malalim bago tumango.

Nagtanong sila sa akin tungkol kay tito Andro kaya sinagot ko iyon. Ilan pa ang mga katnungan nila at gaya nga nang nalalaman ko myembro siya ng sindikato, gumagamit din siya ng masasamang mga droga kaya hinula siya at kinulong. 

Sinabi ko din sa kanila ang nangyari few years ago kahit mahirap para daw mas lalo mapatibay ang kaso. Sinabi ko ang lahat ng ginawa niya sa akin at napaiyak, buti na lang nandito si Adiel sa tabi ko.

Akala ko tapos na ang mga tanong nila pero may huli pa daw silang tanong sa akin kaya tumango ulit ako.

"Yung tiyo Christian at tiya loly mo, sinasaktan ka ba nila?" Napaiwas ako ng tingin sa tanong niya at hindi nakaimik. Ilang segundo tahimik ang paligid at hinihintay ang sagot ko.

"Miss Agustin?" Tawag pansin ni Jason ng hindi ako umimik.

"Love?" Narinig kong tawag ni Adiel kaya napatingin ako sa kaniya at nakita siyang nag aalala ang mukha. 

Huminga ako ng malalim bago sinabi sa kaniya ang ginagawa nila tiyo sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin nila kila tiyo kaya tinanong ko sila.

My Only Exception (Tantum mea series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon