***
"Adya!"
Bumaling ako nang may tumawag sa pangalan ko at nakita sila Lily na palapit sa akin. Hinintay ko sila hanggang sa makalapit sila. Nang makalapit ay ngumiti ako sa kanila at sabay-sabay na kaming pumunta sa canteen.
Nang makarataing ay naghanap kami ng lamesa na pangmaramihan at nang may mahanap ay nagsiupuan na kami. Umorder sila Jaya at France ng pagkain namin habang kami ay naghihintay sa kanila.
Nang makabalik ay masaya kaming nag-uusap habang kumakain. Hanggang sa mapunta ang topic namin kila Adiel at sa mga kaibigan niya. Lahat kami ay nalungkot dahil naging malapit din sila sa amin. Lalo na ata si Jaya at France dahil wala na daw silang gwapong papa na makikita.
"Nakakamiss sila ano?" Sabi ni Lily. Mukhang si Ian lang miss mo eh.
"Oonga." Sabi naman ni Shine. Isa pa to. Mukhang si Samuel lang ang miss eh.
"Bakla balita ko aalis si Samuel ha." Napalingon kami lahat sa sinabi ni France.
"Totoo?" Tanong ko. Bumaling kami kay Shine nung magsalita siya.
"Oo. Next week na flight niya." Pahina ng pahina ang boses ni Shine at ramdam ko ang lungkot at sakit doon.
"Bakit naman siya aalis?" Nagaalangan na tanong ni Lily.
"Doon daw niya ipapagpatuloy ang pag aaral niya ng medisina sabi ng magulang niya. Nung una ay tumutol siya dahil ayaw niya daw umalis pero nagulat na lang ako nung isang araw ay pinuntahan ako ng Mommy ni Samuel at nakiusap na kumbinsihin siya para mag aral sa ibang bansa."
Tumulo ang luha niya pero mabilis niya iyon pinunasan bago ituloy ang kwento niya.
"Mabait ang Mommy ni Samuel, sa totoo nga tanggap niya ako para sa anak niya pero kailangan talaga mag aral sa ibang bansa ni Samuel dahil siya ang hahawak ng hospital nila. Bago siya umalis ay huling sabi niya ay kung kayo talaga para sa isa't-isa ng anak ko siya na daw sasagot ng kasal namin agad."
Natawa siya sa huling sinabi kaya medyo napangiti kami.
"Nung una ay pahirapan pa ang pag kukumbinsi ko kay Samuel dahil talagang matigas siya. Kaya ang ginawa ko ang pinakamasakit na ginawa ko sa buong buhay ko. I push him away."
Natigil kami sa sinabi niya.
"Nung una ay nag-away kami hanggang sa nakipag-break ako sa kaniya." Gulat kaming napatingin sa kaniya. So naging sila pala.
"Oo naging kami. Binigla niya ako eh." Natawa siya sa reaction namin kahit patuloy ang pagtulo ng luha niya.
"Galit siya. Galit na galit. Kaya nung nag hiwalay kami ay ang balita ko next week na daw agad ang alis niya."
"Hindi ko alam ang gagawin ko. Kahit gusto ko siya sa tabi ko pero ayaw kong maging selfish dahil para sa future niya iyon. Tanggap ko na kahit masakit kung makahanap man siya ng iba."
Alam namin hindi niya tanggap kung makahanp man si Samuel ng iba dahil kita namin sa mata ang pagtutol. Tahimik lang kami hanggang sa tumahan na siya. Maya-maya ay nagsipuntahan na kami sa next subject namin ng tawagin ako ni Lily.
I turn around to face her. Ngumiti ako sa kaniya ng makalapit siya.
"Bakit?" Takang tanong ko. Nakita ko sa mukha niya na nag-aalangan siya pero sinabi din agad ang sadya niya.
"Can I talk to you? Saglit lang." Tinignan ko muna kung anong oras na bago tumango sa kaniya. May 20 minutes pa naman bago mag start ang klase ko.
Nag-simula siyang maglakad kaya nakisabay ako sa kaniya habang nagsasalita siya.
BINABASA MO ANG
My Only Exception (Tantum mea series #1)
सामान्य साहित्यA strong girl, That's the best word to describe Ailene Adya Agustin. Her parents gave her a trauma about forever indeed. To the point that she swore to herself that she will never fall in love. Or as she thought. That's when Adiel Zeev Miller came...