Warning: Self-harm
***
"Kamusta ka anak?" Masaya kong sinalubong si Mama Lia at humalik sa pisnge niya.
"I'm fine Mama. Ikaw?"
"Ayos lang ako." Malumay na sabi niya.
Pinasok ko ang mga groceries na binili ko para kay Mama at nilapag sa may kusina. Ako na rin ang nag ayos para hindi na mahirapan si Mama.
Naawa kasi ako minsan sa kaniya. Mag isa lang siya at walang nag aasikaso sa kaniya. Siya na lang din ang bumubuhay sa sarili niya sa pagtitinda ng mga bulaklak.
Kaya masaya akong tumutulong sa kaniya kahit minsan ayaw niyang tangapin ang tulong ko.
Wala kaming pasok ngayon kaya dito ko naisipiang pumunta. Buti na lang pumayag si Adi , hindi kasi siya makapunta dahil busy siya sa kumpanya nila and I understand that.
Masaya kaming nagkwekwentuhan ni Mama Lia kaya hindi ko na rin maiwasan na mag tanong tungkol sa buhay niya.
"Ma, wala po ba kayong asawa at anak?" Tanong ko sa kaniya. Malumay siyang ngumiti sa akin at nag iwas ng tingin na parang may iniisp siya pero hindi niya matandaan.
"Sa totoo lang wala akong maalala." Kita ko sa mukha niyang nahihirapan siya kaya medyo na-guilty ako.
"Nagising ako na nasa hospital ako. Nalaman ko na may nagdala sa akin doon, tinanong nila kung anong pangalan ko at kung saan ako nakatira pero wala akong matandaan."
"Yung pangalan ko, pagkita ko sa bulaklak na Camellia ay alam kong ayon na talaga ang pangalan ko. Pero, Camellia lang ang natatandaan ko at hindi ko alam ang apelyedo ko. Hindi ko alam kung kasal ako o hindi."
"Kung kasal man ako, nakakalungkot na hindi niya ako mahanap o kung hinahanap niya kaya ako?" Nakita kong lumungkot ang mukha niya.
"Sinabi ng nag dala sa akin sa hospital na nakita nila ako sa may dagat na lumulutang. Akala nga nila patay na ako pero buti na lang ay agad nila akong naisugod sa hospital. Halos isang buwan akong comatose sabi ng doctor at pag gising ko nga ay wala akong maalala."
"Buti na lang may mabait na tao na tinulungan ako kaya may titirahan ako pansamantala. Akala ko ay babalik ang alaala ko pero makalipas ng ilang taon ay hindi pa din bumabalik."
"Nawalan ako ng pag-asa na babalik ang mga alaala ko. Wala din akong pang chek-up sa doctor dahil wala akong pera. Ayaw ko din na humingi sa mga kumpkop sa akin ng pera pampagamot dahil nakakahiya."
"Napag-desisyunan ko na umalis doon para makaalala. Nag palipat lipat ako ng lugar hanggang sa mapadpad ako dito, may mabait na taong lumapit sa akin at nag-offer siya na kung pwede ay pwede akong mag trabaho sa flower shop na pagmamay-ari nila." Malumay siyang ngumiti sa akin ng makitang tahimik akong nakikinig sa kaniya.
"Pumayag ako dahil wala akong pang-kain at baka mamatay ako sa gutom." Medyo natawa siya kaya maliit akong ngumiti.
"Unang araw ko don ay ayos naman at habang nag lalakad ako pauwi ay doon kita nakita." Malawak naman akong napangiti sa kaniya.
"Mukhang malalim ang iniisip mo noon kaya nilapitan kita. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa'yo." Nakangiting sabi niya, and I can't help but to stare at her face because her features are really familliar.
Masaya kami nag k-kwentuhan ni Mama hanggang sa mag hapon na, kaya nagpaalam na ako sa kaniya na uuwi na ako.
Habang nag-hihintay ng masasakyan pauwi ay nadaanan ko ulit ang playground. May nakita akong bulto ng isang tao doon na mukhang may hinahanap.
BINABASA MO ANG
My Only Exception (Tantum mea series #1)
Fiksi UmumA strong girl, That's the best word to describe Ailene Adya Agustin. Her parents gave her a trauma about forever indeed. To the point that she swore to herself that she will never fall in love. Or as she thought. That's when Adiel Zeev Miller came...