Chapter 8

3 1 0
                                    


***

Ilang araw din ang nagdaan at gaya ng sinabi niya, araw-araw niya akong sinasamahan mag lunch kaya nasanay na din ako pati sila Lily, lagi din kasama ang mga kaibigan ni Adiel kaya tuwang-tuwa sila.

Naramdaman ko din na mas lalong kaming napalapit ni Adiel sa isa't isa, pagkami lang dalawa nagiging iba siya hindi kagaya pag may tao sa paligid o nandiyaan ang mga kaibigan namin ay seryoso lang ang mukha niya.

Minsan din ay nalilito ako sa mga kinikilos niya dahil sobra siyang maalaga minsan sa akin at siniguradong kumakain ako ng maayos at hindi masyadong nagpapastress sa school. Hindi ko alam ang rereact ko pero alam kong masaya ako sa ginagawa niya at unti-unting nasasanay, kasabay ng takot na namumuo sa aking puso.

Exam week din ngayon kaya busy ulit ang mga estudyante. Mas lalo na ako dahil wala na talaga akong tulog kaya naramdaman ko din nahihilo ako.

Habang na sa loob ng cubicle tumayo ako para lumabas na ng may narinig akong naguusap sa labas, pinakingan ko muna yon. Narinig ko na may nagaaway kaya lumabas ako.

Nakita ko ang isang babae sa sahig na pinagtutulungan ng tatlong babae. Tinignan ko kung sino ang tatlo at nakitang si Sharmaine ang na sa gitna, yung babae naman na nasa sahig ay tahimik lang umiiyak.Pumunta ako sa kanila at inawat ang tatlo, tinulungan ko din yung babaeng tumayo.

"Isa ka pang malandi ka! Inagaw mo sa akin si Zeev." Hinablot niya ang buhok ko at sinabunutan ako, sinampal niya din ako ng malakas kaya alam kong namumula na ang mukha ko. Mas lalo akong nakaramdam ng hilo dahil doon.

Sinabunutan niya ako ng sinabunutan hanggnag sa may umawat sa amin. Nakita ko si Lily at sila Shine na nilalayo ako sa kanila. Nakita ko din ang kaibigan ni Sharmaine na nilalayo sa amin.

"Get off me!" Binitawan naman ng kasama niya siya bago kami tignan ng masama.

"Malandi ka at pati ikaw." Binaling niya din ng tingin si lily. Kaya sumugod sa kanya si lily hanggang sa nagsabunutan sila, nakisali din si Shine hanggang sa may humigit din ng buhok ko. Ba't nadamay nanaman ako.

Ilang ulit akong sinampal sa mukha at sinabunutan, may kumalmot din sa mukha ko pati sa braso kaya nakaramdam ako ng hapdi at may lumalabas na din na dugo. Mga bastos sampalan lang walang kalmutan.

Tumulong na sila Jaya at France para maawat kami pati na din ang babae kaninang tinulungan ko. Nang maghiwalay na kami mabilis kaming nilabas nila Jaya kasunod ang babaeng tinulungan ko kanina.

Habang nag lalakad papuntang canteen pinapakalma nila Jaya si Lily at Shine dahil nag babalak na bumalik ulit doon. Ako naman ay pinapakalma ang sarili dahil nahihilo pa rin ako, tinignan ko ang babaeng tinulungan ko at nakitang nakayuko lang siyang sumusunod sa amin.

Nilapitan ko siya."Hi, I'm Adya." Pakilala ko sa kanya, mukha naman siyang nagulat bago nahihiyang ngumiti nagpakilala din siya. Ang pangalan daw niya ay Kelly Cloris.

Inimbita ko siyang sumabay ng lunch sa amin, nung una nag aalangan pa siya pero pinilit ko siya kaya naman wala siyang magawa kung hindi pumayag sa alok ko. Habang papunta kami sa canteen narmdaman kong tumitig siya sa akin kaya tinignan ko siya na nagtatanong ang mata.

"Ok ka lang ba? Namumutla ka at dumudugo yung sugat mo sa pisnge at noo." May halong pagaalala ang boses niya kaya sinabi ko lang sa kaniya ok lang ako kahit naramdaman kong mas lalo pa akong nahilo kaya kinuha ko ang katinko at inamoy ito kaya medyo na guminhawa ang nararamdaman ko.

Nang makarating sa canteen naghanap kami ng mesa na pangmaraming tao dahil alam naming sasabay sila Adiel sa amin. Nang makahanap ng mesa mabilis kaming umupo doon, isa iyong malaking bilog na lamesa na kakasya sa aming lahat. Sakto naman bumukas ang pinto ng canteen at nakita namin sila Adiel.

My Only Exception (Tantum mea series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon