CHAPTER 16

240 5 2
                                    

"Hi!"

Napatingin ako sa lalaking nasa tapat ko at nagsasampay din.

Naisipan ko kasing mag laba pagkatapos kung ayusin ang mga pinamili namin ni Thunder kahapon. Ngayun ko lamang naayos lahat dahil nakipag kulitan pa si Thunder kagabi parang ayaw pa atang umuwi at naisipan pang magpaluto nang carbonara. Mabuti nalang at umuwi rin nang magsimula nang lumalim ang gabi.

"Hello" bati ko pabalik sa lalake. Meron kasing open space sa likod nang apartment kung saan lahat nang mga nakatira dito ay nagsasampay din.

"Bago ka lang ba dito?" nakangiti nitong tanong sa akin.

Simple, Mataas, Maputi at may napaka cute na dimple tuwing nakangiti. Ito ang mailalarawan ko sa lalaking nasa harap ko ngayun.

"Ah.. oo.." simple kung sagot.

"Kaya pala.. ngayun lang kasi kita nakita.. ako nga pala si Kent Lucien ... Kent for short" lahad nito sa kamay niya sa akin.

Mula sa pagkakasampay nang damit ko ay napatingin ako sa kamay nitong nakalahad at saglit akong tumingin sa mukha nitong nakangiti at naghihintay na tanggapin ang nakalahad nyang kamay.

"Rose" sagot ko at saglit na tinanggap ang kamay nito.

Bumalik naman ulit ako sa pagsasampay nang mga damit ko. Nanatili naman itong nakatayo malapit sa akin habang nagsasampay ako kaya napatingin tuloy ako sa banda nya... tiningnan ko kung tapos narin ba itong mag sampay.

Napansin kung wala nang laman ang lagayan nya kaya marahil ay tapos na ito.... kaya napabaling ako sa kanya nang may pagtataka.

Napansin nya rin siguro ang pagtataka ko kaya bigla itong nagsalita.

"Ah.. . . Gusto ko lang sanang makipag kaibigan kaso nagsasampay ka pa kasi.. nakakahiya kaya naisipan kung hintayin kang matapos" sabay kamot nito sa batok nya.

"Naku ganun ba.. . .meron pa kasi akong trabaho kaya medyo nagmamadali rin ako sa pagsasampay kailangan ko pang maghanda pagkatapos nito." Baling ko rito habang nagsasampay.

Plano ko rin kasing maagang pumunta sa trabaho para makapaglinis ako nang maaga sa kwarto ni Thunder at gusto ko rin kasi itong ipagluto. Yun din kasi ang palagi nitong request sa akin.

"Ok lang.. . Pasensya na kung medyo nadistorbo kita. Next time nalang siguro" nakingiti nitong tingin sa akin. Kapansin-pansin talaga ang napaka cute nitong dimple.

"Sige.. . ." Nakangiti at simple kung sagot rito.

"Ok! See you!" Sagot nito bago umalis papunta sa apartment niya siguro.

Nagpatuloy naman ako sa pag sasampay.

Pagkatapos kung mag sampay ay naisipan kung maligo na para makapunta ako nang maaga sa trabaho.

_____________________________
_______________________
_____________
_______
___
_

Pagkapasok ko sa room ni Thunder ay ganun parin walang pinagbago. Malinis parin at parang wala masyadong nagalaw na gamit sa sala nito kaya naisipan kung unahin nalang sa paglinis ang bedroom nito.

Pero laking gulat ko nang pagka bukas ko nang pintuan ay bumungad sa akin ang isang Thunder na nakaupo sa bandang headboard ng kama.. nakasandal ito habang may naka patong na laptop sa binti nito.

Akala ko ay may meeting ito. Nakasanayan ko kasi na busy ito sa mga meeting nya nang ganitong oras.

Agad naman itong nag angat nang tingin sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rose Thorns (Thunder Zamora)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon