Nasa hapag kainan kami ngayun at kinakain ang niluto kong agahan kanina.
Hindi ko alam kung paanong napasagot nya ako kanina. Halata sa kanyang mukha na masaya sya ngayun. Napangiti nalang din ako at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
Kanina lang matapos nya akong halikan ay bigla nya na lamang akong tinanung kung pwedeng maging kami na at ako naman na nadala nang kanyang matamis na halik ay tumango lamang.
Nang masilayan ko ang malaki nyang ngiti doon ko lamang napagtanto ang lahat. KAMI NA!
Tahimik lang kaming kumakain ngayun pero ramdam ko ang saya sa aming dalawa. Sana ay hindi ko ito pagsisihan.
Nang matapos kumain ay nilagay ko na lahat sa lababo para mahugasan. Nanatili namang nakaupo si sir thunder at nagmamasid sa akin. Nakakailang man ay pinagpatuloy ko na lamang ang paghuhugas.
Maya-maya pay naramdaman ko nalang ang presensya nya sa aking likod. Ang mga kamay nya ay yumapos kaagad sa aking bewang.. . .
"Naku .. . . Ahmm sir ..baka mabasa ka.." medyo nahihiya ko pang saway rito dahil hindi ako sanay sa bigla2x nyang pag yakap.
"Cut the "sir" sweatheart.. . . I want you to call me by my first name." Bulong nito sa aking tenga na may kasamang mababaw na mga halik.. . . Kalaunan ay gumapang ang kanyang mga halik sa aking leeg.
"T-thunder.. . . Ahmm.." ramdam ko agad ang pag bilis nang tibok ng puso ko at ang pag bigat nang aking pag hinga.
"Hmmm.. . . Yes baby.. . . Thats right call me by my name" saad nito habang patuloy akong hinahalikan sa leeg.
Isinandal nya ako sa kanyang dibdib.. . ang isang kamay nya ay nasa aking tiyan habang ang isa ay nasa aking mga hita at humahaplos.. . . kahit nakapantalon ako ay ramdam ko parin ang init ng kanyang palad.
Umakyat papunta sa aking pisngi ang kamay nyang nasa aking tiyan at pinalingon ako sa kanya dahilan para mag tagpo ang aming mga labi. Mainit at mapaghanap ang kanyang mga halik.
"Bzzzzzt bzzzzt"
Biglang tumunog ang doorbell kaya bigla kaming napatigil.
Hinihingal man ay nanatili parin itong nakatitig sa akin.
"Bzzzzzt bzzzzt "
"M-may nag do-doorbell baka importante bubuksan k-ko ba?" nalilito kung sabi dahil hindi ko rin sigurado kung may bisita ba syang darating ngayun.
Nanatili itong nakatitig sa akin kaya hindi ko maiwasang pamulahan .. pinili ko nalamang na yumuko para pagtakpan ang nararamdaman kong hiya.
Narinig ko ang munting pagtikhim nito kaya napa angat ako nang tingin sa kanya at kitang-kita ko ang kanyang sinusupil na ngiti na para bang pinipigilan nyang ngumiti nang malaki.
Hindi makapaniwalang napa tulala ako sa kanya. Kung totoosin ay napaka swerte ko ata dahil munting ngiti nya palang ay mahuhulog ka na talaga sa angkin nyang kagwapohan. Hindi ako makapaniwala na nobyo ko ang lalaking ito. Paano ko ito sasabihin sa aking mga magulang. Napaka perpekto na nya ata para magka gusto sa isang tulad ko.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang kanyang magaan na pag dampi nang halik sa aking mga labi bago umalis sa aking harapan para magpunta sa pintuan at pagbuksan ang kung sino mang bisita meron ito.
"Thunder!"
.
.
.
.
.
.
."Dad!"
Biglang nataranta ang aking kaloob-looban nang marinig ko si Thunder.
Dad?
Ibig sabihin ay makikita ko ang ama nya ngayun. Anong sasabihin ko? Ang bilis naman ata nang lahat. Halos hindi ko napaghandaan lahat nang Nangyayari sa akin ngayun."Bakit ang tagal mong magbukas nang pinto?" Tanong nito.
"Why are you here?" Balik tanong nito sa kanyang ama at hindi man lang nito sinagot ang paunang tanong nito.
"Hmmm.. . . Kinakamusta kita kay Mia dahil hindi mo sinasagot lahat ng mga tawag ko.. then Mia just told me to better visit you ...for me to know." Pumasok ito nang tuluyan at naglakad papuntang sofa pero bago pa ito makaupo ay parang napansin nya ang presensya ko na nakatayo sa daanan papuntang kusina. Kaya lumingon ito.
Napatayo ako nang maayos at tipid na ngumiti rito.
"Magandang araw po"
"Magandang araw din iha ... ikaw ba ang personal room attendant nitong anak ko?"
"Ahh.. opo!" Medyo natataranta kong sagot.
"She's my girl" biglang sagot ni sir thunder na ikinagulat ko.
Tumango-tango naman ang kanyang ama na parang hindi makapaniwala. Tinitigan ako nito na para bang sinusuri ako.
"Stop staring at her dad!" Nagpipigil na sigaw ni sir thunder.
"I can't believe it! Dati ay iniisip ko na siguro kaya ka walang naging girlfriend man lang ay dahil sa iyong namayapang ina.. .. " may bahid nang lungkot ang boses at mga mata nito "pero nang lumipas ang mga taon at tingnan mo! tumatanda ka na! inakala kong bakla ka talaga anak... na mahirap tanggapin pero sinusubukan ko.. . . " ma drama nitong sabi.
Tiningnan ko si sir thunder at kapansin-pansin ang pamumula nang tenga nito. Nakatitig lamang ito ng matalim sa kanyang ama. Pero kahit ganun ay ramdam ko ang pagmamahal nya rito.
Napangiti nalamang ako.
Wala akong masyadong alam tungkol kay sir thunder pero sa mga narinig ko mula sa kanyang ama ngayun ko lang nalaman na wala na pala itong ina.
"Rose.. . .." napabalik ako sa sarili mula sa malalim na pag-iisip. Napatingin ako kay sir thunder.
"Aba! Napaka ganda nga naman nang pangalan mo iha kagaya mo... . . Halika at maupo ka! Hindi mo naman sinabi agad na ikaw pala ang girlfriend nya." Maligayang sabi nang kanyang ama na tinugon ko naman agad.
"Baka ho gusto nyo nang maiinom?" Tanong ko rito pagkalapit ko.
"Hindi na iha.. . .tiningnan ko lang talaga ang anak ko ..tama nga si Mia!"
"Ok ...then leave now dad.. i don't wanna hear kung ano man ang pinag usapan ninyo ni Mia."
😑😑😑😑😑😑😑😑😑😑😑😑😑😑😑😑😑😑😑😑😑😑
Johan's note: sorry late update. Enjoy reading. 😉

BINABASA MO ANG
Rose Thorns (Thunder Zamora)
RandomRated SPG Contains mature content please be reminded! _*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_ A story about how gorgeous ROSE MENDEZ meet a man named THUNDER ZAMORA. A very intimidating man. Known to be everyone's n...